0

BESTFRIEND?


Report

BESTFRIEND?
Lahat ba ng mga kaibigan o matalik na kaibigan/ bestfriend ay mapagkakatiwalaan? Yung pwede mong lapitan at hingan ng tulong pag ikaw ‘yong gipit at wala ng makakapitan? Pwede mo ba silang kwentuhan sa mga hinanakit mo sa buhay?
Makikinig kaya sila?
O nakikinig nga pero ‘di din naman naniniwala!
Magandang araw sa lahat ng nagbabasa!!!
Para sa inyo ano ang totoong kahulugan ng salitang BESTFRIEND?
Kasi para sa ‘kin ang salitang bestfriend ay binubuo ng dalawa o ilan man na tao, binubuo ng mga tao na ang turingan ay magkapatid na.
SUBRA PA NGA SA KAPATID EH!
Ang salitang Bestfriend ay masasabi mo lang yan, kapag ‘yong kaibigan mo kaya kang ipagtanggol, kapag ‘yong kaibigan mo di ka sinisiraan kahit nakatalikod ka, kapag ‘yong kaibigan mo mapagkakatiwalaan sa lahat...


ng bagay-bagay, kapag ‘yong kaibigan mo kaibigan ka parin kahit walang-wala ka, kapag kaibigan ka niya parin kahit ni ulte mo alikabok walang kalaman-laman ‘yang bulsa mo, kapag ‘yong kaibigan mo laging nasa tabi mo kahit anong sitwasyon, magpapahirap man o madali.
“DIBA? SUBRA PA SA MAGKAPATID ‘YONG TURINGAN?”
Kasi minsan din, may kapatid ka na kaya kang talikuran at pabayaan. Kasi minsan kapatid mo pa ang numero uno mong kalaban.
Ngayon! Ang tinuturing mo bang kaibigan ay totoo? Yung tinatawag mo bang BESTFRIEND ay mapagkakatiwalaan? At ‘yong tinuturing mong kapatid ay tinuturing ka din bang kapatid kahit hindi naman magkaugnay ang inyong dugo.
PERO PARA SA AKIN, MAS MABUTI NALANG MAPAG-ISA KAYSA SA MAKISAMA SA MGA TAONG ALAM MONG PINAPLASTIK KA.
AT TINATAWAG KA LANG KAIBIGAN KAPAG KAILANGAN KA.
,,,QueenWp,,,


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.