0

BESTFRIEND


Report

“Bilisan mo Kia! mahuhuli tayo niyan, e!” wika ko sa dalaga.
Andito kami ngayon sa likod ng school. Tatakas kami! Oo, tatakas kami.
Nasa labas na ako ngayon, hanggang leeg ko lang ang pader.
“Tayka lang! naiipit ‘yong saya ko.” wika ng dalaga “Ayan, okay na.” naka ngiti nitong wika na ikangiti ko rin.
“Ms. Kia and Ms. Diana, saan kayo pupunta?”
Napa lunok kami pareho ni Kia ng makita namin ang guro namin na may dalang stick.
“Patay, lagot tayo!” bulong ko.
“Pasok! Ikaw Diana pumasok ka dito.” wika ng guro ko at tinuro ako.
Napa sampal kami pareho ni Kia sa aming noo. Palpak ang pag-takas namin!
“Mag gabot kayo...


ng damo’t mag linis ng classroom.” dugtong niya.
Nagsisi ako’t inaya ko si Kia na tumakas! Ayaw ko nang tumakas!.
____
Napatawa kami pareho ni Kia ng maalala ang mga kagagohang ginawa namin dati.
“Nakakamiss ang mga araw na iyon.” wika ni Kia.
“Oo nga e! Parang gusto kong bumalik sa pag-kabata.” natatawa kong wika.
Lumipas man ang pahanon, kumupas man ang aming mga buhok. Ito parin kami, magkaibigan parin.
Tampuhan, away. Iyan kami dati, pero kahit gano’n, still magkaibigan parin. Ang tunay na kaibigan magkaayos at magkaayos parin!
“Kaibigan hanggang sa dulo?”
“Kaibigan!”
Napa ngiti kami sa isa’t-isa.
Kahit matanda na kami, ang aming pagkakaibigan ay hindi magtatapos.

Aluna Writes.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.