0

Behind your Mask Chapter 2

Report

Behind your Mask
Genre: Mystery/Thriller
Author: Coffee_Writes
—”Chapter 2″—
“Ingat ka” Bulong ni papa. “Opo pa, astig yata tong anak nyo.” Naka ngiti kong saad. Natawa naman ito sa sinabi ko sabay kamot sa ulo. Bumaba nako sabay hablot sa bag kong nasa kabilang upuan. “Una nako pa” Paalam ko dito.
“Mag iingat ka anak, proud kame ng mama mo sayo.” Sabay ngiti. Ginantihan konaman to ng ngiti kahit medyo na weirdohan ako sa inaasal ni papa. Para bang dina kame mag kikita at kailangan nyapang sabihin yun, ewan koba. O baka naman dilang ako sanay. Hays, bahala nanga.
Nag lakad nako papasok habang puno ng pag tataka. Bakit kaya nung sinabi ni papa yung mga katagang yun, parang napaka lungkot ng mata nya. Hmmm, ay palaka!
“Aray… Sino bang animal ang di tumitingin sa daan.” Medyo pagalit kong bulaslas. Titingala na sana ako ng biglang dumilim yung paligid. Ang dilim, para kang naka pikit pero naka dilat kanaman. Sabay mopa ang malamig na simoy ng hangin.
“T-teka! Bat ang d-dilim! Na-nasan ako?!” Kalma kiara, panaginip lang to, panaginip lang to. Hinimas himas ko yung sintido ko bago dumilat ule.
/> Bigla namang may humawak sa balikat ko. “Haaa!!” Sigaw ko nang maramdaman ko yung malamig na kamay samay balikat ko. “Miss! Miss! Miss ayus kalang? Kanina kapa tulala jan, ok kalang ba?” Pag tingin konaman sa likodan ko, bumungad sakin ang mala artistahing muka ay male, mala koreanong muka ugh, Chariz.
“Ok kalang ba talaga miss? Gusto mo dalin kita sa clinic ng school?” Nabalik naman ako sa ulirat ng yugyugin neto yung buhay ko, este yung balikat ko.
“Huh? H-hindi na, ayus lang ako.” Saad ko sabay talikod. Mag sasalita pa sana ito nang mag lakad nako papasok sa court. Dito na muna siguro ko nang mahanginan naman ako at mahimasmasan.
Ano kayang ibig sabihin nang nangyari sakin kanina. Sabi ni mama, pag may kakaibang nang yari sakin, wag kona lang daw pansinin. Hays weirdo naman nang araw ko ngayun.
Tatayo na sana ako nang may pumigil sakin na kung ano. Dahan dahan ko nilingon yung naka hawak sa palda ko. Diko alam kung anong nararamdaman ko pero grabe ang tibok ng puso ko. Para akong hinahabol.
Dahan dahan kong pinihit yung ulo ko para tignan. Eto na…


Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.