Behind The Mask ( One Short Story)



And all I need is you my valentine- sabay namin sa tugtog habang sinasayaw siya.Ang malalambot niyang mga boses. Hindi ko siya kilala. At alam kong di nyo parin ako kilala. Ako si Andrew, at kasalukuyang nagma masquerade kami. Yung tipong magpapalit kayo ng partners nyo. Ang partner ko ngayon, ang nakikita lamang sakanya ay ang mapupula nyang mga labi at ang mapupungas niyang mga mata. Ngunit huli na bago ko pa maitanong sakanya ang pangalan niya. Nag palitan na kaya umikot na sya palayo sa akin. Napaka palad ko ng makita ang isang maskara na kakaiba dahil sya lang ang may ganitong maskara. Sinubukan ko siyang hanapin ngunit wala talaga. Hindi na kami nagkakita pang muli. Pero ano nga ba talagang nararamdaman ko? Hindi ko naman ito nararamdaman dati. Kung wala nga talagang love at first sight, maari bang pakisabi nalang sakin kung ano tong nararamdaman ko? At para saan ang bilis ng tibok ng puso ko?

***

Days pass in a blur. Matapos ang ilang araw ng maganap ang masquerade, ganto parin ang nararamdaman ko. Lalo na tuwing nahahawakan ko ang maskarang naiwan niya. At hanggang ngayon ay umaasa parin ako na magkikita kami. Buti nalamang at Mention Monday ngayon pwede ko siyang ma mention. Dito kasi sa University namin kung saan pwede kang mag mention tuwing monday. *** ” Ikaw ang babaeng nakapagparamdam sakin ng ganito, eh halos mabaliw na nga ako sa kakaisip kung saan kita mahahanap. Pero sana maalala mo ko. Nasasaakin ang mask mong nahulog pagkaikot mo. Andrew here sana makita na kita.” Sabi ko sa mic at nagpasalamat sa dj kuno dito sa mention monday. Ngunit pag labas ko ng pinto may nakabungo akong babae. “Sorry.” Sabi niya. Tila pamilyar ang boses niya. Pag kaangat niya ng ulo niya ay nabigla ako. ” Ikaw?”

***

Siguro ako na nga ang pinaka maswerteng tao sa buong mundo. Oo, sya ang nakabunggo ko kanina. Si Lovely. Lovely pala ang pangalan niya. Bagay naman sa kanya ang pangalan niya kasi Lovely naman kasi talaga siya eh. ” Salamat sa pagpuri m o sakin ah, ngayon lang kasi ako na puri eh. Sabi nya. Woah!! “Seryoso ka ngayon kapalang napupuri sa ganda mong yan? Di ako nambobola ha.” Kitang kita ko ang pamumula ng kanyang pisngi sabay tumango bilang sagot sa tanong ko. Ang ganda niya lalo pag namumula ang pisngi niya. ” ayoko nang matorpe. Kasi mamaya hindi na naman kita mahanap. May nararamdaman ako para sayo.” At ikwinento ko kung paano at kailan ko naramdaman iyon. “Mahal kita. Pwede bang ipakita ko sayo kung gano kita kamahal?” Pag amin ko. Hindi naman ako nabigo dahil sabi nya ayos lang daw. Nasakin na rin ang number niya.

***

Tumuloy ang panliligaw kuno ko sa kanya at naging isa na itong seryosong panliligaw. Sa...

pagsundo at pagsabay sa lunch, sa pagbibigay ng regalo paminsan, at sa palaging pagsasabi ko sakanya kung gaano ko siya kamahal. Ang cheesy man pero wala talaga sa plano ko ang ma love at first sight sa isang magandang babaeng nasa harap ko. Sanay narin sya saakin at hindi na naiilang pa. Siguro dahil narin yon sa halos araw araw kong pag lilingkod sa babaeng pinakamamahal ko. “Hindi ka na maghihirap pa. Sinasagot na kita.” Nanlaki ang mga mata ko sa mga tinuran niyang salita. “T-totoo
?” Nauutal ko pang sabi na sinagot niya naman ng tango. “Wah! Yes I love you!” Masaya kong sigaw.

***

Makalipas ang 7 taon (Lovely’s POV)

“Baby wag ka na magtampo.” Lambing ko sa baby Andrew ko. Hayss grabe naman kasi magtampo.
” Kasi naman sabi ko naman sayo dapat wala nang ganyang scene eh.” Opo ang dating mahiyaing Lovely ay wala na. Isa na akong in demand na artista. “Pero baby, hindi naman natuloy ang kissing scene eh. Wala ka bang tiwala sakin?” Kunwaring nagtatampo kong sabi sa kanya. “Baby, syempre naman may tiwala ako sayo. Pero dyan sa bago mong ka love team wala.” Sabi na nga ba nagseselos to eh. “Sorryyyyyy…” nakatungo kong sabi. Nagpapaawa ako. ” hayss. No need to be sorry ok, sadyang naiinis lang ako dun sa asungot na yun.” Talaga to napaka possesive. “I love you mwah.” Sabi ko sakanya na sinagot naman nya ng “I love you more

***

“Magbihis ka at may pupuntahan tayo.” Sabi sakin ni Andrew. “Okay.” Sagot ko. San kaya kami pupunta? Siguro i de date nya ko. Aniversarry kasi namin eh.
*Fastforward* nandito kami sa isang convenient store. Akala ko naman mag de date kami yun pala may bibilhin lang sya. “Baby wala kabang nakakalimutan?” Tanong ko ng makapasok na kami sa sasakyan. ” huh? Uhmm. Linggo! Magsimba!” Napatungo at tumahimik nalang ako ng makalimutan niya na aniversarry namin.

***

Sa sobrang tahimik ko ay bigla akong nilagyan ni Andrew ng panyo sa mata at inalalayan maglakad. “What’s going on?” Tanong ko “syempre hindi ko pwedeng makalimutan, Happy 8th Anniversary Baby.” Wow ang ganda dito. Palubog na ang araw at nasa seashore ang set up ng table na may pagkain. sa gilid nito ay ang mga lobo at litrato naming dalawa. Dahil dito ay di ko napigilang mapaluha. Sa saya. “Akala ko nakalimutan mo na.” Sabi ko ng may paghikbi. “Hush down. Pwede bang makalimutan ko to. The sunset. Wow. Nanuod kami ng sunset at kumain. Pagtapos nito Ay umupo kami sa buhangin. “I love you.” Sabay naming turan.

***
(Andrew’s POV.)
seems like lahat ng pangarap ko ay natupad na. Dahil siya ang naging inspirasyon ko sa bawat ginagawa. Sino nga bang mag aakala na mahahanap ko siya. The girl BEHIND THE MASK

-End-

Sabi sainyo short story lang to eh




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *