0

BECAUSE OF YOU PART 2


Report

WRITTEN BY: SKYLINE
BLURB
Kian Molina, 29 years old, gwapo, matangos ang ilong, mabait, mayaman. Isang Vice Mayor sa isang Isla ng Romblon. Nasaktan at nagmahal sa isang babaeng may mahal ng iba.
Dahil sa trabaho niya bilang isang Vice Mayor, kailangan niyang tulongan ang mga kababayan niyang walang-wala.
Sa pagpunta niya sa isang barangay, isang babae ang makikilala niya, isang babae na unang pagkikita nila ay sinungitan siya at tinarayan.
Namangha siya sa taglay nitong ganda, may matangos na ilong, mahahabang pilik mata. At higit sa lahat ang nag iisa nitong dimple sa kaliwang pisngi na nakakaakit kapag tumatawa ito.
Minahal niya ito ng lihim, araw araw niya itong pinupuntahan sa center kung saan nagtratrabaho ito bilang isang BHW worker. Kahit na lagi siya nitong tinatarayan at sinusungitan, hindi siya tumitigil na dalawin ito.
Sa hindi inaasahan na pangyayari, kinausap siya ng lolo nito na nag aagaw buhay na. Hiniling sa kanya nito na pakasalan niya ang apo nito.
Hindi siya nagdalawang isip, at tinupad niya ang kahilingan ng lolo nito. Dahil mahal niya ang apo nito.
“Masakit lang isipin na, hindi mo kayang suklian ang pagmamahal ko sayo. Pinakasalan kita dahil mahal kita. Pero handa kitang pakawalan kong hindi...


mo ako kayang mahalin. Masakit man, handa ako.”
Maysisa “yza” Delos Santos, 25 years old, maganda, mabait, masunurin at gagawin ang lahat para sa kanyang lolo na may sakit. Lumaki siya sa kahirapan. Dahil sa kahirapan hindi siya nakapagtapos ng pag aaral. Nag trabaho sa Manila bilang isang factory worker. At dahil sa may sakit ang lolo niya. Kinakailangan niyang umuwe ng Romblon.
Lumaking hindi man lamang nakikilala ang mga tunay na magulang. Lumaki siya sa mabubuting pangaral ng kanyang mahal na lolo. Isang BHW worker sa kanilang lugar.
Isang araw sa hindi inaasahan na pagkakataon, magtatagpo ang landas nila ni Vice Mayor. Muntik na siya nitong mabangga. Tinarayan at sinungitan niya ito.
Ngunit isang araw magbabago ang lahat, dahil sa kahilingan ng kanyang lolo.
Papayag ba siyang magpakasal kay Kian kung hindi n’ya naman mahal ito?
Matutonan kaya niyang mahalin si Kian kung may mahal siyang iba?
Handa ba si Kian na pakawalan si Maysisa kung ito na ang mundo niya?
Kaya bang ipaglaban ni Kian ang pag ibig niya kay Maysisa kung s’ya lamang itong nagmamahal?
O ipaglalaban pa niya ito kahit nasasaktan na siya?
Masasabi kaya nila sa isa’t isa ang salitang… BECAUSE OF YOU…
ABANGAN ❤️


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.