0

BE MY KING, MASTER MIN


Report

BE MY KING, MASTER MIN”
EPILOGUE
Hinatid ni Min at Suzy si Stephen sa airport para pigilan si Shaira na umalis.
” Kinakabahan ka dude? Kaya mo Yan! Parang Hindi mo Naman kilala Yung ex mo malambot parin Ang puso non! ” Pinalalakas ni Min ang loob ni Stephen.
” Malapit na ba Tayo? Baka maka Alis na yon e!”
Ayon! Min si Shaira Yan diba? Baka may naiwan pa sya! Bilis bumaba na Tayo! Agad namang bumaba sa sasakyan Silang lahat ng Makita si Shaira na malapit sa kanila.
” Shaira! ” Niyakap naman agad ni Stephen si Shaira . Nagulat pa si Shaira nang Makita Ito
” Wag ka ng umalis! Alam ko na Ang totoo wag mo na itanggi. Pananagutan Kita”
Nadako Naman Ang tingin ni Shaira Kay Min. Nagtatanong Ito sa mga tingin nya na Kung bakit sinabi pa Ito Kay Stephen.. napakamot si Shaira sa ulo nang ngumiti Lang si Min sa kanya.
” Shai wag kana magalit sakin. You deserve to be happy hindi pwedeng ako Lang maging masaya. Deserve din ni Stephen ng second chance”
” I’m sorry Shai. Alam ko ako talaga Ang Mali Kung bakit Tayo nagkahiwalay. Hindi ako nagtiwala sayo at mula nuon hanggang ngayon sinaktan Lang Kita pero Kung babalik ka ulit sakin Hindi na Kita sasaktan promise. Magsimula Tayo ulit ”
” Mabuti Naman at umaamin kana sa kasalanan mo ngayon. Para sa magiging anak natin sige at dahil narin sa Mahal parin Kita Hindi nako aalis. ”
” YAHOOO!!! Kiss na!! Bati na e! ”
Sinabunutan naman ni Suzy si Min dahil sa pinagsasabi nito. Nagyakapan Sina Shaira at Stephen.
” Ang sakit naman love! Dude, Shai, gagawa muna din kami ng baby nakakainggit Kasi Kayo e! ” Nagtawanan sila pero ansama ng tingin sa kanya ni Suzy dahil sa bibig nanaman nito. Nahihiya sya sa pinagsasabi ni Min.
Naiinip na si Suzy at Parang makakatulog na sya sa kotse dahil Hindi nya Alam Kung San ba talaga sya dadalhin ni Min
Min Hindi ko na talaga Kaya Ang antok parang isang oras pa Ang byahe natin.
“Ngayon kapa matutulog e dito na Tayo? Bumaba kana para Makita mo ”
Wow Min. Sinong nakatira dito ? Parang palasyo ! Mas maganda pa sa mansyon namin.
” Talaga ? Mukhang palasyo? ”
Oo sinong nakatira dito? Pwede bang pumasok sa loob Nyan?
” Kaya nga Kita dinala dito e. Gusto Kong malaman mo Kung Sino Ang may-ari at Kung ano Ang nasa loob Nyan. ” Sa sobrang mangha ni Suzy sa napakagandang tahanan na Ito ay nauna na syang pumasok. Labis din naman Ang saya ni Min ng magustuhan Ito ni Suzy.
Min Ang laki-laki pa.. Wala talaga akong masabi kundi wow! As in Wow! Sinong nag design nito? Parang palasyo talaga ng King and Queen. .
” Tama . At ikaw Yong Queen na titira dito at ako Naman Yong magiging King mo. ” Napatigil Naman si Suzy nang magsalita si Min.
” Four years na ngayon simula nang Makita Kita. May calendar ako dito at...


minarkahan ko talaga yon. ” Kinuha ni Min Ang calendar na sinasabi nya.
” Yung mga ginuhitan Kong date Yan Yong mga araw na hindi na Kita nakikita . Then Yong, araw na Makita Kita ulit. Kung natatandaan mo, sa club yon diba? At ito ding date na to, Binilugan ko dahil nabuhayan nanaman ako ng pag-asa”
“Ito ding mga dinikitan ko ng star Yan Yong mga araw na nakakasama na Kita sa bahay ko . Mga panahon din na Yan inaaral ko Ang mga gusto at ayaw mo para kapag nagkasama na Tayo Alam ko na Ang dapat at hindi dapat gawin ”
” At higit sa lahat ito. Puso naman Ang dinikit ko para sa pinaka epsesyal na nangyare sa buhay ko . Ang pakasalan ako ng pinakamamahal Kong Babae. ”
Umpisa ko tong pinagawa nang malaman ko na Queen ka. Naisip ko Lang kasi non ano Kaya Ang gusto mo? Materialistic kaba or what? Hindi Ito kasing ganda at kasing Mahal nang pagpapagawa nang tunay na palasyo para sa isang Queen at magiging prince at princess pero masaya ako at nagustuhan mo. Araw-araw kitang sinecelebrate pero itong araw na to Ang pinakahihintay ko. Ang makasama ka sa palasyo ko. Hindi na ako Yong sasabihan mo na, be my king master min dahil ngayon hindi mo na ako master. I am your husband now. As in official husband na kasi Alam na ng lahat. Sinong mag aakala na Yung babaeng pinangarap mo Lang at hinintay kahit Nung una Wala pang kasiguraduhan mapapasayo pala ngayon at makakasama mo habambuhay .
At hindi mo narin ako kelangan tanungin pa coz you’re still the one . You’re the king of my life since day one. Kahit nga walang palasyo gusto ko parin maging queen at asawa mo. Hindi moko sinukuan Kaya Tayo parin sa Huli. I love you Min.
” I love you more love ”
After 5 months
Kinakabahan si Suzy nang abutin nya Ang pregnancy test nya Kay Min. Kinakabahan din Naman si Min nang nasa kamay nya na Ito.
“Anong ibig sabihin ng isang guhit Lang? ”
Negative.. nalungkot Ang mukha ni Suzy Kaya kahit dismayado din si Min ay niyakap nya parin Ito para icomfort.
” Ayos Lang Yan.. subukan nalang ulit natin. Baka Hindi palang talaga Ito Yong tamang panahon para magka baby Tayo ”
It’s a prank!!!! It’s positive!! Ito Yung tunay na pregnancy test ko Nung nakaraan pa yang negative na Yan!
” Umandar nanaman pagiging silly mo! Ano nga? Wag ka magbibiro ng Ganyan. Biruin mo na ako lahat wag Lang sa Ganyan please?? ”
Positive na talaga Min!
Binuhat ni Min si Suzy sa sobrang saya. Natupad narin kasi sa wakas Ang hinihiling nya.
– THE END –
_ natapos narin tong story Kaya salamat sa lahat ng sumubaybay. Sa mga Hindi napagod at naghintay kahit matagal. Sa mga nag react at nag comments hanggang sa susunod ulit na kwento.
Gusto nyo pa ba ako gumawa ng bago? Tungkol San naman Ang gusto nyong isulat ko ulit?


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.