0

“Baka Iwan Mo Ako”


Report

Just call me Aimee. First year college ako nang magkaroon ako ng boyfriend pero LDR nga lang. Hindi ko naman sineryoso iyon dahil ako yung tipong mahirap ibigay ang buong tiwala sa isang tao. Isa pa ay hindi ko rin naman siya nakitak personally. Ayoko nang banggitin pa pangalan niya.

Ang boring kasi lalo na at wala akong ka-close sa boarding house na pwedeng kausapin anytime. Kaya cellphone nalang ang tanging libangan ko kapag walang ginagawa. Madalas kaming nag-uusap through text at tawag. Nagtagal naman kami ng 4 months kahit alam ko na hindi naman talaga kami seryoso sa isa’t-isa. Second semester kasi noon nang Makita ko personally si Daryl. Matangkad siya, maganda ang pangangatawan at higit sa lahat, gwapo siya. Hindi naman ako ganun kaganda, simple lang akong babae, walang magagarang damit o anumang kagamitang pansarili. Pero katulad ni Daril ang pangarap Kong maging boyfriend.

Sa tabi ng aming boarding house ay may two story building na tinatayo nila. Oo, construction worker lang siya pero talagang nakaramdam ako ng kakaiba sa kanya. Nagka-crush na ulit ako. Mabait naman siya kahit di ko pa nakakausap o nakikilala. Hindi tulad ng inang lalaki na namamansin nalang gaya ng mga inang tambay at walang magawa sa buhay.

Mula noon, pagkatapos ng isang subject namin ay umuuwi agad ako sa boarding para lang Makita siya. Hindi nagtagal ay naobserbahan ko rin na paligaw ligaw tingin din pala siya sa akin. Hanggang sa nakita ko na patapos na ang bahay na tinatayo nila. Ang hindi Niya alam ay matagal ko palang hinihintay na kunin Niya number ko para magkakilala Sana kami. Nakakahiya naman kasi kapag ako pa mismo ang kukuha ng number ng lalaki. Nakakaramdam ako noon ng pangamba at konting sakit baka kasi aalis sila nang wala manlang pansinan, pagkilala o kunin manlang Sana number ko. Crush ko siya, alam ko crush din Niya ako.

Hanggang isang araw na nagsasampay ako ng damit na nilabhan ko sa labas ng boarding ay lumapit siya sa pader, na siyang pagitan ng boarding at bahay na tinatayo nila, at nahihiya niyang sinani na”Miss pwede ba makuha number mo?”. Nabigla ako nun at di nakasagot, nagmamadali nalang ako sa pagsasampay at pumasok agad sa kwarto ko. “Sa wakas! Sa wakas kukunin Niya rin lang number...


ko, excited na ako”, sabi ko sa sarili ko habang nakangiti sa saya. Hindi ko naibigay number ko pero sinulat ko nalang sa papel tiyaka ko binigay sa kanya paglabas ko. May pinuntahan kami noon ng tita ko at napadaan sa kanila kaya naibigay ko nang lihim kay tita yung number ko kay Daryl.

Mula noon, hindi ko na pinatagal pa ang panliligaw Niya. Wala pang three weeks ay kami na. Doon na kami nagkakilala ng lubusan at ang hiya noon ay nawala na dahil close na close kami agad mula nung araw na sinagot ko siya. Yun nga lang, kailangang itago ang lahat dahil maraming mga mata ang tumitingin sa akin sa dahilang hindi pa ako pwedeng makipagrelasyon hanggat di pa nakapagtapos ng pag-aaral.

Bachelor of Science in Agricultural and Biosystems Engineering ang kurso ko. Mahirap, sobrang nakaka-stress. Gusto kong magshift noon pero di natuloy dahil ayokong magsimula ulit. Tinutulungan naman ako ni Daryl. Inspired ako sa kanya at minsan hatid sundo rin Niya ako sa school dahil kahit nagboboarding ako ay may kalayuan parin sa school. Pumupunta rin ako sa bahay Niya, may bahay na kasi siya kaya ok lang na pumunta ako doon.

Nagtagal ang relasyon namin ng mahigit 2 years na. Dahil nakaramdam ako ng takot na baka may nakaalam na sa amin tungkol sa pakikipagrelasyon ko ay sinabi ko agad sa kanya na cut off Sana muna kami. Pero tumanggi agad siya. “Magsama nalang tayo, ipaglaban natin to. Ayokong Iwan mo ako, pinakilala na nga Kita kay papa eh”. “Pero paano pag-aaral ko?” sagot ko sa kanya. “Baka iiwan mo rin lang kasi ako pag graduate kana, siyempre engineer ka, samantalang ako di nakapagtapos. Baka wala ka nang pakialam sakin pag ganun.”

Na-touch ako sa sinabi Niya. Baka daw iiwan ko siya pag graduate na ako. Hindi naman ako ganung klase ng tao na wala nang pakialam sa isang tao once isa nang propesyonal. Hindi pa nga ako sigurado kung makakapagtapos pa ako o hindi.

Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya ay pumayag na nga ako na magsama kami. Twenty three (23) na ako pero may 2 to 3 years pa siguro bago makapagtapos. Ngunit ang pagsasama namin ay nagkaroon kami ng bunga ng pagmamahalan at habang buntis ay sinamantala ang online class ngayong pandemya.-END


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.