0

ANG SUMPA SA PAMILYA NI ANA


Report

ANG SUMPA SA PAMILYA NI ANA
“Sila ang lolo’t lola mo, Ana.” Napalingon ako sa aking likuran nang may magsalita. Si Aling Felipe, katiwala raw dito sa lumang family house nila Papa.
We are here to spend vacation. It’s really my first time to go here kaya hindi ko maiwasang matakot no’ng una. I looked at Aling Felipe when she’s smiling weirdly while looking at the painting.
“Si Daddy po ba ’yong sanggol?” Napalingon ito sa ’kin kalaunan ay tumango.
“I wish I still have a chance to meet my grandparents po. Bakit kasi sila namatay ng maaga po, ano?” I asked out of nowhere. She chuckles before pointing the frame.
“Alam mo ba kung ano ang ikinamatay ng lola at lolo mo?” Napalunok ako dahil sa kakaibang tingin na ipinukol nito sa ’kin.
”My Daddy said, heart attack daw po si lola at si lolo car accident.”
“Hindi totoo ang sinabi ng Daddy mo. Namatay ang lolo at lola mo dahil sa sumpa.” I gasp when I heard the last word she uttered.
“P-Po? You’re joking, right? Tyaka hindi naman po totoo ’yon.”
“Totoo ang kulam o sumpa, iha. Hayaan mong kwentuhan kita tungkol do’n,” she started.
“May isang masipag na babaeng kasambahay sa isang mayamang pamilya. Tapos sa hindi inaasahan, nahulog ang loob niya sa among lalaki. Nagkaroon sila ng affair. Nabuntis ng amo na lalaki ’yong kasambahay tapos nalaman no’ng amo niyang babae.” I blinked because of what I’ve heard.
“Ipinahiya ng among babae sa buong lugar nila ang babaeng ’yon. Tapos nilason, dahilan para mamatay sa tiyan no’ng kasambahay ’yong bata. Pinalayas tapos wala man lang ginawa ’yong amo niyang lalaki para iligtas siya. Naiwang mag-isa ang babaeng kasambahay. Nawala sa kaniya ’yong pinakamagandang dumating sa buhay niya, ang anak niya. Bilang paghihiganti isinumpa nito ang buong pamilya.” I bit my lower nang makarinig ng kaunting pagkagalit sa boses ni Manang. She seems affected sa story na sinasabi niya.
“Manang? Ano ba naman ’yang kinukwento mo kay Ana. She’s just only eleven, tyaka hindi naman talaga totoo ang mga sumpa na ’yan.” Napalingon kami sa likuran when I saw Daddy walking downstairs, mukhang tutungo siya sa kusina. I chuckled a bit tyaka tumingin kay Manang na seryoso pa rin ang mukha.
“Totoo ang sinasabi ko. Gusto mo bang malaman ang ginawa niya sa mag-asawa at sa magiging anak nila?” I was about to say ‘no’ nang muli itong magsalita.
“Ang babaeng amo niya ay pinatay nito ang asawa niya,...


ang among lalaki. Pagkatapos ang babaeng amo nito ay kinain ang laman at dugo ng asawa niya.” Nakaramdam ako ng kakaiba sa mga ngising nakapaskil sa mukha ng matanda.
“Gusto mo bang malaman ang ginawa niya sa anak n—” Napalingon ako sa may kusina nang biglang may sumigaw. I’m sure that it was my father. Akmang tutungo ako ro’n nang hablutin ni Manang ang braso ko.
“Katulad ng ginawa niya sa mga magulang nito kinulam niya ang buong pamilya ng ana—”
“Manang, si Daddy.” Nakarinig muli kami ng sumisigaw mula sa kusina.
“The curse will always be with that family. Paulit-ulit lang ang mangyayari. Kakainin ng ina ang padre de pamilya pagkatapos niya itong patayin, haha.” Napalingon ako kay Manang nang tumawa ito, hindi ko ito pinansin at agad-agad na nagtungo sa kusina.
I gasp while holding my mouth when I saw my father lifeless. Naliligo ito sa sarili niyang dugo at lasog-lasog ang katawan.
“DADDYY!!” My tears started to fall at akmang lalapitan ito nang makita si Mommy. Punong-puno ng dugo ang katawan nito at may hawak na kutsilyo. I saw something strange in her eyes that made me believe, that she’s not my Mom. She’s freaking possessed.
“Anak? Bakit hindi mo saluhan si Mommy,” Napaatras ako nang maglakad ito palapit at lumuhod at nag-umpisang kainin ang katawan ni Daddy.
N-No
“Gusto mo bang malaman kung sino ang pamilya ng anak ng mag-asawa sa kwento?” Napalingon ako sa likod ko when I saw Manang, I immediately run towards her at inambahan ito ng yakap.
“M-Manang, call the police. Huhu, please my Mom is out of her mind. She killed my father.” Hinawakan nito ang ulo ko bago ako niyakap pabalik.
“The history will always repeat itself, Ana. This is all your grandmother’s fault. He killed my son.”
After that incident my Mom died due to suicide.
After fifteen years…
“N-No, love? Anong ginawa ko?” I saw my reflection in the mirror full of blood. Nakita ko rin sa may likod ko ang asawa ko na lasog-lasog ang katawan at ang dalawa kong anak na magkayakap at takot na takot.
I killed my h-husband, just like what my Mom did to my father.
I grab the rope at itinali ito sa kisame. Tumuntong ako sa upuan at walang pasabing tumalon. I hang myself in the ceiling, I hang myself infront of my children. Just like what my Mom did to herself infront of me.
words by; Rarity Asiana
work of fiction.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.