3

Ang Kakambal ng Boyfriend ko


Report

Ang Kakambal ng Boyfriend ko
Author: Zvredd
Ako si Katarina, twenty-one years old. Gusto ko lang sana e-share ang na experience ko nang magpunta ako sa bahay nila Greg, boyfriend ko.
Hanggang ngayon, kinikilabutan pa rin ako kapag na aalala ko pa rin iyon.
Masakit noon si Greg at wala pa ang pamilya niya para alagaan siya. Kaya as a girlfriend, nagpunta ako sa bahay nila para alagaan siya. It was my first time na makapunta sa bahay nila kaya I was happy that time.
Pagkarating ko sa bahay nila, kumatok ako sa pinto nang apat na beses dahil parang hindi ito naririnig ni Greg. Five times sana ‘yun, kasu nang kakatok na sana ulit ako, pinagbuksan na niya ako ng pinto.
“Surprise, babe.” sabi ko habang nakangiti.
Pero walang emosyon niya lang ako na tiningnan. Hindi siya ngumiti sakin o nagulat man lang sa biglaan kong pagdating sa bahay nila.
Medyo awkward para sakin dahil hindi naman siya ganun. Joker siya at palatawa kaya naninibago ako.
Napansin ko na namumutla na siya kaya inisip ko na lang na siguro kaya siya ganun dahil may sakit siya.
Pumasok ako sa loob kahit na hindi pa niya ako pinapasok.
Umupo siya sa sofa at pinagmamasdan ako habang inilalagay ko sa mesa ang dala kong lugaw.
Naiilang ako dahil parang nakakatakot ang mga titig niya. Iyon bang, nakakakilabot na tingin. Pero kahit ganun, tumingin pa rin ako sa kanya para magtanong kung na saan ang lalagyan nila ng mga kutsara. Dahil that time, iniisip ko na lang talaga na may sakit siya kaya ganun siya.
“Babe, na saan ang lalagyan ng kutsara niyo?.”
Hindi siya sumagot sa tanong ko. Nakatingin lang siya sakin. Gusto ko na lang talaga...


lumabas dahil kakaiba na ang nararamdaman ko. Lalo na nang mapansin ko na mas lalo siyang namumutla.
Pinilit ko maging matatag at huwag ma-nginig.
“B-babe, s-sabihin mo na para makakain ka na at maka-inom ng gamot.”
Napakuyum na lang ako nang mautal ako.
Hindi pa rin siya sumagot. Pero napatigil na lang ako nang unti-unti siyang ngumingiti.
Hindi ako makahinga. Hindi rin ako makagulaw. Hindi ako maka-sigaw para makahingi ng tulong.
Parang mawawalan na rin ako ng malay nang humahaba na ang ngiti niya.
“Babe?.”
Bigla akong napalingon sa likod ko ng marinig ko ang boses ni Greg.
Pinagpapawisan at nanginginig ko siyang tinanong. “B-bakit ka n-nandito? H-hindi ba, n-nakaupo k-ka doon?.”
“Huh? Kakababa ko lang, babe. Nagising ako dahil narinig kita na nagsasalita sa baba. Ano palang ginagawa mo dito?.”
Nawalan ako ng malay dahil sa narinig. Nang magising ako, nakauwi na ang pamilya ni Greg. Pinakain muna nila ako bago ko ma-kwento ang nangyari. Gusto pa sana nila na sa bahay na lang nila ako matulog pero tumanggi ako.
Lahat sila nagulat nang e-kwento ko na ang nangyari. Doon ko lang nalaman na may kakambal pala si Greg, ito si Geo. Namatay ito three years ago dahil sa sakit sa puso. Sakitin na talaga si Geo simula pa noong baby pa kaya palagi itong na sa hospital.
Matagal na palang nagpaparamdam si Geo sa kanila. Pero gabi-gabi nito ginagawa, kaya nagulat sila sa sinabi ko. Dahil ito daw ang unang beses na nagparamdam ito sa umaga.
Nang lamig ako ng nalaman iyon.
Dahil bago ako mawalan nang malay, nakita ko si Geo sa likod ni Greg.
Nangingitim ang mga mata na galit na nakatingin kay Greg.
Na para bang, gusto nitong patayin si Greg.


3 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.