0

ANG BABAENG WALANG KINATATAKUTAN


Report

ANG BABAENG WALANG KINATATAKUTAN
{🗣️PARANORMAL TRUE STORY}
{Base on Balingasag Misamis Or.}
{At ito ang karanasan ng aking Lola/Granny}
Anita Hilogon Lig-ang P.O.V
Nagising ako dahil sa init na humahalik sa pisngi ko, ano ba naman tung araw natu humahalik kaagad sa pisngi ko, agad akung bumangon at nadatnan si Inay at Itay na kumakain.
“Anak?, magbihis ka’t magligo ng maaga” agad na sabi sakin ni itay, huh?kay aga² pinaliligo kaagad ako
“Po? bakit naman?” kunot noong tanong ko
“Napagkasunduan namin ng tatay mo, at sa kumpare ng tatay mo na ikasal kayo ng anak ng kumpare ng tatay mo” sagot ng aking inay
“Ano po!? ngunit di ko nakita at nakilala iyon” medyo inis kung sabi sa kanila
“Wag kanang tumanggi pa, sapagkat naitakda na ang araw ng inyong kasal” as*k ni itay
Agad na umalis ako sa hapag kainan kahit na hindi pa ako nabusog, umiyak ako ngayon saking kwarto dahil sa sinabi nila sakin, hindi! hindi ko matatanggap na ikasal ako, tsaka wala akung gusto sa lalaking iyon, hindi ako papayag! hindi
*/snifft*. May naisip akung paraan at makatutulong sakin at iyon ang aking tiyahin, hindi paman dumating yung sinabi ni itay sakin eh nag pa alam na ako na bibisita muna ako kay tiya, buti nalang at pumayag ito. Nag tungo kaagad ako sa bahay nina tiya, buti nalang andun siya.
“Tiya?” tawag ko sa kanya
“Oh anita, napadalaw ka ata?” tanong ni tiya sakin, galing pala siyang kusina
“Kailangan kopo ng tulong niyo, alam kung ikaw lang ang makakatulong sakin” mangiyak iyak kopang sabi nito
“Kalma lang anita, ano bang nangyari?” nag aalalang tanong ni tiya sakin
“Ikakasal po ako sa lalaking di ko po kilala at di ko minahal” iyak kung sabi nito, di ko na napigilan pang umiyak
“Kawawa naman tung pamangkin ko”mahinang sabi nito na sakto lang na marinig ko
“Sige anita, ito ang tatandaan mo at sundin at gawin mo ang sasabihin ko” seryusonh sabi nito sakin
“Ouhm” tango ko nalang
“Lalabas ka ng hating gabi, mga alas 12:00 p.m, upang walang makakita sayo, at kumuha ka ng apat na pabilog at sindihan mo ito, pagkatpos ilagay mo ito bawat kanto ng bahay, ngunit sa paglagay mo nito ay pakaliwa, pagkatapos nun umalis ka kaagad, wag kang tumakbo, lumakad kalang ng mabilis, wag kang lilingon kahit saan, dapat ay naka focus kalang sa dinadaanan mo, at kahit na may tumawag o makita o pakiramdam mo may sumusunod sayo wag na wag mo itong lilingunin, at wag na wag kang matatakot, at higit sa lahat wag na wag kanang babalik sa dinadaanan mo, alam mo naman siguro ang mga nangyayari sa ilang mga magsasaka rito, naiintindihan mo ba ako anita?” mahabang litanya ni tiya sakin
“Ouhm, salamat tiya” as*k
“Walang anuman”
“Mauna napo ako, salamat ulit” pag papaalam kopa
“Sige ingat ka”
Author’s P.O.V
Papauwi si Anita(ang aking lola) sa kanilang bahay ngayon, nakita niya ang mga magulang at yung lalaking papakasalanan niya, bahagya siyang nalungkot dahil ayaw nga niyang maikasyal, agad na bumalik naman yung sinabi ng tiyahin niya sa kanyang isip ang kailangan niyang gawin. Hinarap nito ang lalaki.
“Kayong dalawa ay ikakasal na sa lalong madaling panahon” saad nung ama ng kumpareha ng itay ni Anita
“Ngu—” hindi paman naituloy ang sasabihin ni anita ay naunahan na ito ng kanyang ama
“Oo naman kumpare ko, napaghandaan na yun ni anita” agad na sabi ng ama ni anita
Medyo nainis si Anita at pumasok ito sa kwarto niya.
*TIME SKIP……
Pag sapit ng alas 7:00 p.m ng gabi, ay natulog ng maaga si Anita, nagtataka pa ang kanyang mga magulang, ngunit di nalang ito nila binigyan ng pansin. Pag sapit ng 12:00 p.m nang gabi, ay yun na bumangon si Anita at nag handa ng kanyang mga gamit.
Anitas Hilogon Lig-ang P.O.V
Pagkatapos kung mag ligpit ng aking mga gamit lumabas kaagad ako sa kwarto, nakita ko sina inay at itay na tulog pa..bandang mga 12:05 p.m na nang gabi, ang lakas ng kabog ng aking dibdib,di ko maipaliwanag ang kaba nito…di ko alam kung malalampansan ko ito, mas pinili kung mag tiwala sa saking sarili. Kumuha ako ng apat na pabilog gaya ng sabi ni tiya at lumabas ako, sinindihan ko ito at tinusok ko ito bawat kanto ng aming bahay, tinusok ko ito pakaliwa. Pagkatapos ay agad akung umalis, ang bilis ng tibok ng...


puso ko di ko alam kung ipagpapatuloy kopa ba ito oh hindi, ayaw kung maikasal sa taong di ko mahal. Dahil ay nasa bundok ako ay syempre dumadaan ako sa kalagitnaan ng mga gubat, subrang lamig ng panahon, tila bumababa ang mga ulap dito sa bundok. Sa paglalakad ko, nagsimula ng nag ingay ang ingay ng kagubatan.
“Ito na bayun?, Ito naba ang sinasabi ng tiya ko?” tanong ko sa aking sarili
Mabuti nalang at mas nanaig ang aking kaba kaysa sa takot na aking naramdaman ngayon.
*/LAUGH…..
*/COUGH…..
*/SOUNDS OF BIRD…..
*/SOUNDS OF TREE…..
*/SOUNDS OF WIND…..
Iba’t ibang mga uri ang aking narinig ngunit hindi ko ito pinansin pa, patuloy parin ako sa paglalakad, mas binilisan ko pa ang aking mga lakad para mabilis akung makarating sa bayan. Maya maya pa, bahagya akung napangiti dahil unti unti ng nawawala ang mga boses o ingay na aking naririnig, ngunit hindi lang pala iyon. Ramdam kung parang may kung anong nakasunod sakin, kinakabahan ako ngayon, di ko alam kung anong gagawin, gusto kung bumalik ngunit ayaw kung maikasal. Hindi ko ito binigyan ng pansin at naglakad parin, hindi rin daw ako pwedeng huminto. Mga ilang oras paman ay nawala na ang sumusunod sakin, subrang napakalayo ng bayan namin dito sa bundok, kung alam niyo lang mga ilang kilometro pa ang aabot patungong bayan.
“Hindi dapat ako magpapadala” mahinang sambit ko sa aking sarili
*TIME SKIP……
Sa lugar namin dito, ay may lugar na kung san tatawirin mo ito papuntang bayan, kung san iisa o dalawang tao lang makakaraan, iwan ko ba’t ganun yun kaliit, at malapit na ako dun, nahagip ng dalawa kung mata ang mga malalaking tao at ang nakakatakot pa rito ay may mga tinik ang mga katawan, parang gusto ko nalang bumalik ulit sa bahay, {“at higit sa lahat, wag na wag kanang babalik sa dinadaanan mo”} bumalik sa aking isipan ang sinabi sakin ni tiya, patuloy parin ako sa paglalakad, hanghang sa umabot ako sa dalawang malalaking tao na nag ka harap.
“Pano batu? mahihirapan ako sa pag tawid nito” sabi ko sa aking isipan
Kinabahan ako nung makalapit ako sa kanila, hindi ko makita ang mga mukha nito dahil nga hindi ako pwedeng lumingon, natatakot at kinakabahan ako, ngunit mas pinili kung manaig ang aking kaba, hindi ako pwedeng matakot sapagkat bawat yapak ko e may mga malilit na kahoy na pumapasok sa tsinelas ko, pag ito gumalaw ng kusa, ibig sabihin natatakot ako. So ayun na nga nadaanan ko na sila, muntik ng masabit itong palda ko sa kamay nung malaking tao, muntik na ako dun….
*TIME SKIP….
Mga alas 3 na ng hating gabi, subrang layo ng nilakaran ko, pagod na pagod at uhaw na uhaw na ako, namumutla na tung mga tuhod ko, gusto ko ng magpahinga ngunit di ko magawa at baka may kung ano pang pwede kung madaanan, at hindi rin pwede na matakot ako dahil gaya nga ng sabi ko na malalaman nila na natatakot ako at pwede nila akung kainin, kaya pala maraming nawawala na magsasaka.
Sa paglalakad ko may nakita akung isang kabaong?kabaong na tila walang lamang tao, wala ito sa baba kundi nakalipad ito, oo tama ang mga nabasa niyo mga ining lumilipad ang kabaong na aking nakita, tumaas na naman yung mga balahibo ko, kinakabahan na naman ako, ngunit ngayon hindi ako takot, hindi ako pwedeng matakot.
“Subrang bagal naman kung lumipad yang kabaong, baka makaabot ako nito” sabi ko sa aking isipan
Ang kabaong ay tila tumawid lang din sa dinadaanan ko, ng papalapit ng papalapit ako, muntik ko na itong mabangga, salamat nalang dahil naka tawid na ito sa kaliwa, muntik na ako dun, hindi ko ito liningon at nagpatuloy parin sa paglalakad. Mabuti nalang at bilog at maliwanag ang buwan ngayon, dahil nakikita ko rin ang aking dinadaanan..subrang napakarami ng nangyari ngayon. Tiningnan ko yung oras, at alas 5:00 p.m na ng hating gabi, nag u-umaga narin at sumisikat na yung araw, at masaya ako dahil andito na ako sa bayan. Wala na ako sa bundok, at dun nailabas ko na lahat, ang akala ko katapusan kona. Hindi ko inakalang kaya kung lampasan ang takot at kaba na aking nararamdaman. Agad akung sumakay ng bus at pumunta sa iba kung kamag-anak, at dito na ako naghanap ng trabaho at bumuo ng pamilya.
—THE END—
—THANKS FOR READING—


Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.