16

“ANG BABAE SA JEEP”

Lunes ng umaga, maaga akong nagising kaya maaga akong nakapag handa papasok sa school,

Nagbihis at naka kain na rin ako, kinuha ko na ang baon ko sa ibabaw ng ref at dumeretso sa sakayan ng jeep.

May huminto agad sa harap ko kaya sumakay na ako, Habang umaandar ang jeep, binuksan ko ang cellphone ko at nilakasan na din ang brightness dahil hindi ko makita ng maayos kasi nasisinagan ito ng araw.

Napangiti ako ng masilayan ang gwapo at mala anghel na mukha ni Alvin na nasa wallpaper ko, si Alvin ang longtime crush ko.

Natigil ang...


pag ngiti ko ng kalabitin ako ng magandang babae sa tabi ko,

“Hija, ka ano ano mo ‘yan?” Napangiti ako at nakaisip ng kalokohan, para naman masabing akin ang crush ko.

“Boyfriend ko po” napangisi ito ng malaki at humagikgik pa, Na weirduhan naman ako kaya hindi ko na ito pinansin.

“gwapo kaya ni Alvin tsk” saad ko pa.

“gwapo talaga yan, anak ko kaya yan”

Parang mabibingi ako sa narinig ko dahilan para mapatingin ako sa babae, ngiting ngiti ito sakin, at dahil sa sobrang kahihiyan ay dali dali akong bumaba sa jeep na sinasakyan ko.

16 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *