1

ANG AKING UNANG PAG-IBIG


Report

Ibabahagi ko ang aking unang karansan sa pag-ibig sa totoong buhay…

PART 1:
Nong ako ay nasa Elementarya pa lamang ako noon ay may mga crush na rn ako noon ngunit binabalewala ko lang yon iniisip ko isa lamang yong paghahanga sa katulad kung musmos pa ika nga nila isa lamang yong “puppy love”.Hanggang sa nakapagtapos ako ng Elementarya nong nasa High School na ako nagkaron rin ako ng paghahanga sa loob ng campus namin ngunit hindi ko pa rin yon pinansin iniisip ko paghahanga lang din yon kalaunan ay mawawala lang din.Hindi sa pagmamayabang simula nong 1st year High School hanggang 4th year High School na ako isa ako sa muse sa loob ng classroom namin,nagiging muse din ako sa mga club sa school namin tulad ng Filipino club,Mathematics club at sa Sports club.Marami rin nagpapalipad hangin sa akin noon ngunit wala pa talaga sa isip ko ang makipagrilasyon dati iniisip ko kasi ang makapagtapos at makatulong sa mga magulang ko,nanggaling kasi ako sa isang mahirap na pamilya.Ang ama ko ay isa lamang magsasaka at ang aking ina naman ay sa bahay lamang.Minsan nagtitinda ang aking ina ng mga gulay,kakanin sa palengke para lamang mairaos namin ang mga pangangailangan namin sa araw-araw kaya nakatatak na talaga sa aking isipan kahit nong akoy musmos pa lamang na kelangan makapagtapos ako ng pag-aaral dahil ayaw ko ng danasin ang hirap ng buhay.Nagkaron kasi ako ng pangako sa sarili ko na dapat magkaron ako ng unang pag ibig kapag nakatapos na ako ng High school at dapat nakadating na ako ng 18 years old at makadebut na ako,yong talagang aabot na ako na masasabing dalagang-dalaga na ako at dapat sa taong gustong-gusto ko at dapat sa taong hindi ako sasaktan,sa taong karapat dapat na paglalaanan ko ng matamis kung “OO”.

PART 2:
Nong nakatuntong na ako ng kolehiyo syempre marami namang bagong mukha,bagong kaklase excited din ako syempre bagong environment na naman at mga bagong kaibigan.Nong nagsimula na ang klase napnsin ko ang isang kasama ng dati kung kaklase nong high school kaklase nya na rn pala iba kasi ang course na kinuha ko kasi kahit malayo sila talagang mapansin mo agad kasi matangkad sya,maputi at kahit na malayo malalaman mong guwapo sya.Nong papalapit na sila sa kinaroroonan ko parang biglang lumakas ang kabog sa dibdib ko don ko naramramdaman ang unang tibok ng puso ko na subrang bilis parang may mga dagang nagtatakbuhan sa loob na hindi ko maintindihan tapos parang hindi ako makatingin ng diretso sa kanila para akong nanghihina hindi ko talaga maunawaan kung anu ang nararamdaman ko kasi bagong-bago yon sa naging karanasan ko ang hindi ko pala alam umiibig na pala ako sa taong una ko pa lamang nakita iniisip ko ito siguro yong sinasabi nila na “Love at 1st sight” ako sa kanya.😊😊😍😍
Nong papalapit na sila sa kinaroroonan ko binati ako ng dati kung kaklase at yon napatingin din sya sa akin lalo namang bumilis ang kabog ng dibdib ko at hindi ako nakapagsalita agad medyo nautal pa ako nong bumati ako sa kaklase ko don ko rn naranasan na nanlalamig ang mga palad ko at pinagpapawisan pa..hays anu ba naman itong nararamdaman ko yon nalang ang nasabi ko sa isip ko.Syempre kahit ganun ang nararamdaman ko hindi pa rin ako nagpahalata sa dati kong kaklase at sa kanya,nagbatian lang kami at pumunta na rin sa kanya kanyang silid aralan.Simula nong araw na yon hindi na sya nawala sa isipan ko kahit na anung gawin ko kahit na naglelecture ang teacher namin sya pa rin ang nasa isipan ko,pagdating sa bahay kahit na anung ginagawa ko sya pa rin ang laman ng isipan ko hindi maintindihan bakit ganon nalilito pa ako nong una kasi may mga hinahangaan din naman ako dati sa skul namin ngunit ibang klase ang isng eto ang lakas ng tama sa akin eh”😊😊
Makalipas ang aking kaarawan hayon na dalaga na nga ako sa isip ko kung sakali man na magkaron na ako ng boyfriend atleast na
tupad ko ang pangako ko sa sarili ko na magdedebut muna ako.Makalipas pa ang mga buwan parang nasanay na ang sarili ko na sa tuwing nakikita ko sya kinakabahan ako ng husto kahit naman hindi lumalapit para akong tanga minsan kinakausap ko ang sarili ko na umayos ka nga Rhian hindi ka naman nilalapitan pero kung...


umasta ka parang may gusto sayo ang tao napapatawa nalang ako sa inaasata ko.Nababalitaan ko na lang sa mg kaklase ko na hindi lang pala ako ang nagkakagusto sa kanya marami pala akong karibal😊😊😊hehe kala mo na man kung may gusto sa akin noh..Atleast sa isip isip ko hindi ako katulad nila na naghahabol ako tinatago ko nalang sa munti kong puso kung anu man yong nararamdaman ko sa kanya.

PART 3:
Makalipas pa ang mga buwan hanggang sa umabot ng December yon dumating na ang araw ng Christmas Party namin yon sa loob ng campus parang inisa na lahat yong party sa lahat ng division.Syempre may mga games,kainan..masaya ang lahat nagsasayawan dumating ang time na biglang sweet music ang pinatugtog tapos nagulat ako ng biglang lumapit sya sa kinaroroonan ko tapos inaya nya akong sumayaw syempre hindi agad ako nakareact pero pinagbigyan ko rin naman sya nong nasa kalagitnaan na kami ng pagsasayaw syempre hayon na naman ang maliliit na daga nagtatakbuhan na naman sa loob ng dibdib ko subrang bilis ang tibok ng puso ko sa mga oras na yon,nanlalamig ang mga kamay at pingpapawisan pero syempre kinikilig naman ang ale😃😃😃
Sa mga panahon na yon para akong lumilipad sa alapaap sa subrang kilig ng nararamdaman ko ang mga kaklase naman nya parang nakiisa sa kanya pinalibutan nla kami na sumasayaw ng sweet music ang labas kami ang nasa loob feeling ko ako ang bidang babae sa pelikula kasama ang leading man ko na guapo.Natapos ang gabing yon na may ngiti sa mga labi ko.Kinabukasan pagkagising ko ang saya saya ng pakiramdam ko pagbangon na pagbangon ko pa lang ang gaan gaan na ng pakiramdam ko kumakanta kanta pa habang naglilinis ng bahay. Mga ilang saglit pumunta na ako ng skul non pagdating ko sa bandang gate ng paaralan nmin hindi ko inaasahan na inaabangan nya pala ako na dumating syempre hindi pa sanay ang ale mo yon kinakabahan na naman ng husto hanggang sa hinatid nya ako sa misming room namin syempre pagdating ko ng room kinantyawan ako ng mga kaklase ko kasi kami daw ang center of attraction ng gabing sinayaw nya ako,kinikilig din sila sa amin na nagkukuento sa mga nangyari.Tinanong nila ako kung nanliligaw na bah daw ang sabi ko hindi pa naman pero ang sabi nila don na rin daw yon patutungo ngumiti nalang ako s sinabi nila.Pagdating ng hapon natapos na ang klase namin nagulat nalang ako ng may biglang kumalabit sa akin sa bandang likuran pagtingin ko si Richard pala.,sya nga pala Ricahard ang pangalan ng leading man ko😃😃😃
Nag offer sya na ihatid nya daw ako pauwi syempre nagulat ako sabi ko wala akong sasakyan para ipagdrive ako sabi nya maglalakad nalang tayo basta ihatid kita.Probinsya kasi ang s amin kaya ang mga studyante karamihan naglalakad kapag pauwi na masaya rin naman kasi karamihan naglalakad kaya parang hindi rin nararamdaman ang pagod.Nong naglalakad na kami hindi ko inaasahan na ang dami naming escort bandang likod kasi sumama ang mga kaklase at kaibigan na rin nya na mga lalaki,hiyang hiya ako s mga oras na yon syempre pinagtitinginan kasi kami ng mga taong nakakasalubong namin ang dami bah namang escort.Makalipas pa ang ilang linggo na paghahatid nya nagtapat na sya ng kanyang nararamdaman syempre ako naman itong si dalagang pilipina medyo nagpakipot pah ang sabi ko kung totoo ang nararamdaman nya sa akin makapag antay pa sya ng mga ilang araw medyo lutang pa kasi ako sa mga panahon na yon ayaw ko naman lamunin ako ng nararamdaman ko sa kanya..Lumipas pa ang mga buwan ganon lagi ang ginagawa nya hinahatid nya ako pag umuuwi ako galing ng skul.Iniisip ko rin naman na patay na patay rin naman ako sa kanya matagal na pinipigilan ko lang nararamdaman ko sa kanya kaya siguro ito na ang tamang panahon na dapat ibigay ko na sa kanya ang matamis kung oo..Kaya naging magsyota kami nong ika 4 ng Enero,2004.Ok naman ang naging relasyon namin hanggang sa nakapagtapos kami ng pag aaral,pumunta sya ng manila at doon na rin sya nakapaggrabaho at kasalukuyan ako ay may trabaho na rin..

Salamat sa pagbibigay ng time sa pagbabasa ng love story ko sana may mga kabataan ako na nainspire bago tayo pumasok sa larangan ng pag ibig tiyakin muna natin na sya na nga ang para sa atin.

God Bless❤❤❤


One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.