0

Amara the dreamer Chapter 17


Report

HABANG nasa airport siya nag aantay nang kanyang boarding time. Walang kapantay ang kanyang saya naramdaman.
Makikita at mayakap niya rin ang kanyang ina at kapatid. “ Ano kaya maging reaction ni nanay kapag makita niya ako?” nakangiti niyang tanong sa sarili. Hindi niya pinaalam rito ang kanyang paguwi gusto niya itong surpresahin. Nagpunta siya sa c.r para tignan ang pera ibinigay sa kanya ni Hari.
Nangilid ang kanyang mga luha. Kasama nang kanyang mga na ipon ay tama nang makapag simula siya nang bagong buhay sa pinas. Subra pa itong puhunan sa negosyo naisipan niya.
“ Calling the attentions for all passengers of Flight 2222 bound for Manila is now boarding at Gate 8”
tawag nang ground staff nang airport ang pumukaw sa kanya. Pinahid niya ang kanyang luha at lumabas siya nang c.r lalo siyang na excited na sasakay na siya sa eroplano.
Habang naglalakad papunta sa gate. Naisip niya ang unang pagdating niya sa airport nang Japan ay puno iyon nang luha.
Ngayon naman ay napalitan iyon nang tuwa na sa wakas sa ilang taon niya pamalagi sa Japan ay uuwi na siya sa lupang kanyang sinilangan. Walang katumbas na halaga ang saya nadarama na sa ilang oras ay nasa kanila na siya.
KANINA pa nakarating si Harikasi sa bahay. Mula sa paghatid kay Amara sa airport. Bigla siyang nakaramdam nang lungkot. Nasanay na siyang mag isa, sanay siya sa tahimik pero ngayon ay ang nakakabinging katahimikan ang nadarama niya umalis si Amara.
Nagkaroon nang kulay ang buhay niya nang dumating si Amara. Napuno nang halakhak ang bahay niya nong kasama niya ito. “ She change me when she came into my life” bumuntong hininga siya.
“What I have heard about the pilipina is, they are good and loving person, friendly and yes, I proved it myself when Amara was her. And how she looked after me when I was sick it was amazing.
“ She stoped working just to be by,my side” napangiti siya sa isiping iyon” How sweet of her. I wonder if she gets home okay” kinuha niya ang celphone at sinubukan tawagan si Amara para kumustahin ang byahe.
“ The number you dial is out of coverage area, please try your call again later”
Sagot sa kanya nang operator sa celphone. Tinignan niya ang malaking orasan nasa gilid nang sofa. “ Maybe she’s still inside the plane. It takes 4 hours and 20 minutes flight going to Manila ”
Minabuti niyang magpunta sa swimming pool at pagurin ang sarili sa paglalangoy para ma alis ang pangulila niya kay Amara.
” INAY!!” sigaw ni Amara nang makarating sa kanilang bahay. Nakita niya ang ina nagbubuklat nang mga damit mula sa sampayan. Kababa lang niya sa taxi.
” Amara! Ikaw na ba iyan anak?” hindi makapaniwalang bulalas nang ina nang linungin siya nito.
” Nay!” tumakbo siya at niyakap ito nang mahigpit.
” Miss na miss kuna po kayo inay” naiiyak niyang sabi na lalo pang hinigpitan ang pagyakap rito.
” Na mimis din kita anak ang tagal kung inasam asam ang araw na itong makita at mayakap ka” humihikbi nitong sabi.
Mayamaya kumalas ito nang pagyakap sa kanya at tinignan siya nito sa mukha” Ang laki nang pagbabago mo anak, lalo kang gumanda”
” Talaga po ba nay? binubula mo lang yata ako” biro niya rito.
“ May pasalubong ako sayo” kinuha niya ang mga gamit niyang ibinababa nang taxi driver
Ipinasok nilang mag ina ang gamiy niya saka excited na nilabas mula roon ang mga pinamili niyang pasalubong. Tila hindi siya nakaramdam nang pagud.
” Anak, labis ang pag alala ko sa iyo. Walang araw na hindi ako kinakabahan kung na paano kana doon. Lalo nang makauwi dito ang bangkay ni Marikit.” Maluha luha nitong sabi.
Bigla siyang nakaramdam nang lungkot ” Inay, wag na muna isipin iyon, importante inay nandito na ako” Niyakap niya itong muli.
” Ate, masaya ako na nandito kana.” Sabad ni Junjun sa kanila. Lumapit ito sa kanya saka niyayakap siya nito.
” Nagustuhan mo ba ang regalo ko sa iyong ipad,huh?” Nakangiti niyang tanong hinaplos-haplos ang ulo nito.
” Subra ate, maraming salamat sa iyo.” Walang humpay ang saya nilang mag anak mag kakasama na silang muli.
Inabot sila nang hating gabi pagku-kwentuhan mag ina. Kung saan saan na punta ang kanilang usapan hanggang sa makaramdam siya nang antok.
” Nay magpahinga na tayo antok na ako, maaga din ako aalis bukas nay.” tumayo na siya para tunguhin ang kanyang dating maliit na silid.
” Anak, maraming salamat sayo” pahabol nito nang makatalikod siya.
nilingon niya ang ina. ” Walang ano man nay, basta para sa inyo gagawin ko ang lahat” iyon lang ay tumalikod na siya.
” Na mimiss din kita” bulalas niyang hinaplos haplos ang matigas na kama yari sa kawayan nang mahiga siya.
Na mimiss niya si Harikasi at ang kanyang silid sa bahay nito pero iba parin talaga ang pakiramdam nasa sarili kang bahay.
” MARIKIT maraming salamat sa iyo.” Na iiyak niyang sabi habang nakaupo siya sa puntod nito. Inumpisahan niya ang kanyang araw sa pagbisita sa puntod nang dating kaibigan kinabukasan.
” Utang ko sa iyo ang buhay ko, kung hindi dahil saiyo siguro wala ako ngayon dito. Hindi ko matutupad ang pangarap ko.
hayaan mo Marikit, hindi ko pababayaan ang pamilya mo. Tutulongan ko sila sa abot ng aking makakaya.” tumahimik siya para mag alay nang dasal. Pagkatapos ay nagpaalam na siya rito.
Mula sa sementeryo ay nagtuloy siya sa bahay nila Marikit para dalawin ang mga magulang nito.
” AMARA, mabuti nakauwi kana.” Masayang salubong sa kanya ng ina ni Marikit na si Aling Ester.
” Aling Ester. ” Napaluha siyang niyakap ito nang mahigpit.
” Ano ba ang ngyayari sa anak ko roon? Ano ba ang nangyari...


sa inyo sa Japan?”Naiiyak nitong tanong sa kanya.
Hindi niya alam kung paano nito sasabihin nahihirapan siya at nasasaktan sa tuwing maalala niya ang mga mapapait na nangyayari.
” Aling Ester, may dala po akong pasalubong sa inyo.” Pag iba niya sa tanong nito.
Ayaw na niyang balikan ang nakaraan nila, yong araw na iniwan niya ito. Ayaw na niyang maalala dahil nakikita niya ang hitsura ni Marikit ang pait at ang sakit at takot na rumehestro sa mukha nito. Na tila isang bangongot sa kanya kapag naalala niya iyon. May mga araw din na sinisisi niya ang kanyang sarili dahil wala siyang nagawa tulungan ito.
Inabot niya ang mga mamahaling chocolate at mga damit kay Aling Ester.
” Naku, Amara salamat na hindi mo kami kinalimutan.” maluhaluha nitong sabi.
” Hindi ko po kayo pwedi kalimutan Aling Ester” niyakap niya itong muli
” Aling Ester hindi na po ako mag tatagal may pupuntahan pa ho ako.”
“Mananghalian muna tayo rito Amara”
” Hindi napo aling Ester may pupuntahan pa po kasi ako.” tanggi niya sa alok nito.
Tumayo siya mula sa silya kinaupuan. Binuksan niya ang kanyang bag at kinuha ang maliit na envelope na may lamang pera nag hahalaga sa one hundred thousand.
“Aling Ester, gusto ko ho gamitin niyo itong puhonan sa negosyo.” sabi niyang inabot ang envelope
Tinanggap ni Ester ang enevelope at tinignan nito iyon napahagolhol itong makita ang tig, 1000 na bill ” Naku, Amara ang laking halaga nitong ibinigay mo sa amin. Hindi ko alam paano kita mababayaran.” humihikbi nitong sabi.
” Aling Ester, bigay ko ho yan sa iyo, hindi niyo po iyan kailangang bayaran. Pangarap ni Marikit makapag simula ng negosyo, para po maalis kayo sa kahirapan.
Pero na udlot po ang lahat ng pangarap niya. Dahil——” Hindi niya matuloytuloy ang gusto niyang sabihin naninikip ang kanyang dibdib.
“Kaya ho sana kayo ang magpatuloy sa pangarap na iyon aling Ester.” sabi na laman niya.
Nagiiyak ang ginang sa tuwa sa tulong na ibinigay niya rito. Sa perang inabot niya, maka pagsimula ang pamilya ni Marikit ng panibagong buhay.
” Hindi napo ako magtatagal, aalis na ho ako, kung saka-sakali man may kailangan kayo, wag ho kayong mag atubiling lumapit sa akin aling Ester. Hindi po ako magdadalawang isip na tulungan kayo” hinawakan niya ito sa kamay
” Maraming salamat uli Amara, sana hindi ka magbabago.” Niyakap siya nito nang mahigpit. Ginantihan niya ito nangyakap saka siya tuluyan umalis.
Nagtuloy siya sa lupain nakita niyang for sale sa online. Pagka galing niya kina aling Ester.
“ Maganda ito para sa negosyo ko matao ang lugar.” sabi niya sa kanyang kausap na seller habang nakatingin sa bakanteng lupa.
” Oo, gusto mo ba? Ano pala ang itatayo mong negosyo?” curious na tanong nang seller sa kanya.
” Gusto ko itong patayuan nang sariling kung boutique yong mga signature na bag at damit ang ibebenta ko” saad niya sa tanong nito.
” Maganda nga iyan. Nasa tabi din ito nang daan.”
Hindi niya pinalagpas ang pagkakataon kinuha niya ang lugar na iyon. Nasa tabi iyon nang hiway.
Matapos niya iyon mabayaran aniya iyon binayaran. Agad niyang pinapatayuan nang kanyang sariling boutique. Hindi siya nagsasayang nang oras at panahon inumpisahan niya agad ang kanyang mga pangarap. Para sa kanya madaling maubos ang pera nang hindi mo namamalayan at ayaw niya iyon mapunta sa wala.
Malakilaki ang kanyang perang dala at sa tulong na binigay narin ni Harikasi sa kanya. Bumili siya ng bago nilang bahay sa isang subdvivision.
” ANAK ANG ganda naman ng bahay na ito. ” bulalas nito sa tuwa. Hindi parin maka paniwala ang ina na maganda na ang kanilang kalagayan tila panaginip lang nito ang lahat.
” Nay, para po ito sa inyo.” Niyakap niya ang ina habang nakatayo sila sa veranda sa bagong bahay. Tanaw ang syudad mula sa kanilang kinatatayuan. Over looking ang nakuha niya pwesto.
” Anak, salamat hindi mo kami pinabayaan. ” Naiiyak nitong sabi.
” Naku inay habang buhay pa ako, hinding hindi ko kayo hahayaan.” Nakangiti niyang tugon rito.
Napa luha narin siya sa isipin na ang hirap na pinagdaanan niya sa Japan ang dugo at pawis ay nagbunga nang maganda.
“HELLLO Amara, I missed you si much” Bungad ni Harikasi nang sagutin niya ang tawag nito.
“I miss you too, Hari.” Nakangiti niyang tugon kahit hindi nito nakikita
” How’s everything?” tanong nito sa masiglang boses.
” Well, everything is fine. I got the house already” Masaya niyang pagbabalita.
” I am glad to hear that.” pagka sabi niyon saglit itong tumahimik.
” Still there?”tanong niya nang tumahimik ito.
” Amara, I have seen a nice resort and
I want you to look at it tomorow if it posible.” Sabi nito.
” Okay Hari I will and will let you know as soon as I get there.”
” Did you get your own car?” tanong nito nang maalala ang minsan nitong sinabi bumili siya. Nang hindi siya makikipag siksikan sa jeepney.
Minsan niyang kweninto dito na ang isang puwet niya lang ang nakaupo dahil kahit puno na panay parin pick up ang driver nang jeep nang pasahero. Tawang tawa si Hari sa kwento niya noon.
“ Yes, it’s a small car” natatawa niyang tugon.
nakitawa narin ito sa kany kapag kuwan ay nagpapaalam na ito” Anyway Amara I have to go”
” Okay. talk to you tomorrow Hari” sabi niya rito
“Okay. Amara, I love you. ”
Sabi nito bago binaba ang telepono.
Natawa siya sa huling sinabi nito. Gusto niya sana iyon sagutin pero binababaan na siya nang telephone.
“ Iba din manligaw si Hapon, sabay takbo” natatawa na iiling siya kay Hari.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.