0

AKO SANA, KASO


Report

~dedicated sa lahat ng sinaktan, pinaasa, pinaluha, nabigo at sawi sa pag-ibig~
“Happy birthday, Bessy ko!”
Nandito ako ngayon sa isang party. Birthday kasi ng best friend kong si Chelsea and she invited me here in their house.
“Diyan ka muna bes ha, may pupuntahan lang ako. I’ll be right back,”paalam ng best friend ko.
“Okay, bessy.”
Nakaupo lamang ako rito sa isang table kasama ang iba ko ring kaibigan. Umiinom ako ng wine nang mapako ang tingin ko sa isang table ‘di kalayuan sa table namin.
There he is. My ex-boyfriend. Matamis ang kanyang ngiti habang kausap ang katabi niyang babae. Agad na kumirot ang puso ko nang makita ang kamay nila sa ibabaw ng mesa. They were holding each other’s hands.
Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanila. Akala ko kaya ko na. Akala ko kaya ko nang makita siya kasama ang iba. Akala ko kaya ko nang makita na masaya siya kapiling ang iba. Masaya nga siya ngunit hindi na ako ang dahilan ng kasiyahan niya. Akala ko hindi na ako masasaktan. Akala ko okay na ako. Pero akala ko lang pala.
Kung noon ako ang kasama niya sa mga ganitong okasyon, ngayon iba na.
Tumayo ako sapagkat ramdam ko nang tutulo ang luha ko sa sakit na nararamdaman ko.
“Oh? Where are you going, Anne?”tanong ng kaibigan kong si Eva.
“Ah…cr lang ako.”
Pagkarating ko sa cr ay agad kong hinarap ang sarili ko sa salamin. Kita ko mula sa salamin ang hitsura kong unti-unting tumutulo ang luha mula sa nasasaktan kong mga mata.
Ako sana ‘yon e. Ako sana ang kasama niya ngayon. Ako sana ang nakahawak sa kamay niya. Ako sana…at hindi ang babaeng ‘yon.
“That should be me holding your hands…Bryan.”
After kong tahimik na umiyak sa cr, umuwi na ako. Hindi na ako nakagpaalam pa sa best friend kong si Cheska. Pumara agad ako ng taxi at diretsong umuwi ng bahay.
Lumipas ang maraming araw hanggang sa sumapit ang araw ng sabado, inutusan ako ng nanay kong bumili ng groceries at iba pang kailangan sa bahay.
Papasok pa lamang ako sa grocery store nang mahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na mukha. It is him again, Bryan.
Napatigil ako sa paglalakad nang makitang hindi siya nag-iisa. Kasama na naman niya ang babaeng ‘yon. Nakahawak sila sa kamay ng isa’t-isa habang naglalakad papasok rin sa grocery store.
Muli ko na namang naramdaman ang sakit na ayaw ko nang maramdaman pa. Pero imbes na umalis ako, pinagpatuloy ko ang aking paglalakad. Hindi ko nga alam sa sarili ko kung bakit nakita ko na lamang ang sarili ko na sinusundan sila. Kung saan sila pumupunta, doon rin ako.
Kahit wala naman akong bibilhin sa part na pinupuntahan nila, nandoon pa rin ako, nagpapanggap na may bibilhin. Napunta sila sa part kung saan ang mga chocolate at iba pang sweets.
Pipigilan ko sana sila dahil bawal sa sweets si Bryan. Kaso ayaw ko namang maging epal, ayaw ko ring malaman nila na sinusundan ko sila.
Nakatingin lang ako sa candies na nasa harapan ko at nagpapanggap na pumipili kahit wala naman akong balak bumili ng candies. Nasa right ko naman sila at nasa tatlong metro ang layo nila sa ‘kin.
“Mahal, alam mo namang bawal ka sa sweets because of diabetes, right?”rinig kong sabi ng babae kay Bryan.
Mahal? E ayan rin ang endearment namin a! Hindi man lang sila humanap ng ibang endearment?! ‘yong endearment pa talaga namin ang endearment rin nila!
Napabuntong-hininga ako sa aking narinig, ako sana ‘yon e. That should be me prohibiting him from eating sweets. That should be me beside him. But here I am, three meters aways from him.
Hindi ako tumingin sa kanila at nanatili lamang sa mga candy ang mga mata ko pero ang buong atensyon ko ay nasa kanilang dalawa.
“It’s okay, mahal. Konti lang naman, promise.”
Doon na ako napalingon sa kanilang direksyon nang marinig ko ang boses niya. Ang boses niyang miss na miss ko na ng sobra. Ang boses na palagi kong naririnig noon ngunit ngayon hindi na.
And there, I saw him. Smiling sweetly towards her. How I badly wish I was her. But hanggang hiling na lamang ako.
Muling nanumbalik sa alaala ko ang moment namin noon kung saan nagpapaawa siya sa ‘kin para bilhan ko siya ng chocolates na bawal sa kanya. Lalambingin niya pa ako at yayakapin para lang pumayag ako.
And hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagbabago. Mapilit pa rin siya sa mga bagay na bawal sa kanya. Isa lang naman ang nagbago e, ‘yon ay ang katotohanan na hindi na ako ang kasama niyang bumibili ng sweets. Hindi na ako ang pinapakiusapan niyang bilhan siya ng chocolates. Hindi na ako ang babaeng kasama niya.
“Mahal, hindi nga pwede e.”
“Mahal naman…please…kahit ngayon lang.”
Mabilis kong iniwas ang tingin ko nang makitang malambing niyang niyakap ang babaeng kasama niya at hinalikan niya pa ito sa pisngi.
Nagulat ako nang aksidente kong nahulog ang hawak kong garapon na may lamang candies kung kaya’t naagaw ko ang atensyon ng ibang tao na malapit sa ‘kin.
Dali-dali ko namang pinulot ang garapon at muli itong binalik sa lagayan at mabilis na umalis roon.
Diretso na akong umuwi sa bahay at sinabi ko na lamang kay nanay na biglang sumama ang pakiramdam ko kaya bukas na lang ako bibili ng mga pinabibili niya.
Nagkulong ako sa kwarto ko at doon umiyak nang umiyak habang yakap-yakap ko ang teddy bear na binigay sa akin ni Bryan noong first anniversary namin.
Me and Bryan are in a relationship for already ten years. Sampung taon ko siyang nakasama, naging katuwang sa lahat ng bagay at higit sa lahat, sampung taon ko siyang minahal ng sobra.
Ngunit ang sampung taon na iyon ay bigla na lamang nagunaw na parang yelo. Sa isang iglap lang, wala nang siya at ako. Wala nang ‘kami’. Sobrang sakit.
After that day ay sinubukan ko na lamang i-focus ang sarili ko sa trabaho ko bilang isang accountant.
Isang araw, wala akong trabaho kaya I decided to unwind, relax and rest kaya pumunta ako sa isang beach resort. I wear my bikini and sunglasses bago pumunta sa dalampasigan. Masaya akong lumalangoy nang makita ko ‘di kalayuan sa akin ang tumpok ng mga tao.
Mukhang may pinapanood sila at naghihiyawan pa. Na-curious naman ako kaya agad akong lumapit at nakipagsiksikan sa mga tao para makita ko rin ang pinapanood nila.
Ganoon na lamang ang gulat ko nang tuluyan ko nang makita ang pinapanood nila. Pinapanood nila ang isang lalaking nakaluhod sa harap ng isang babae at may hawak itong singsing. Marami ring roses sa paligid nila na nakahugis-puso. May tumutugtog pa ng romantic song na bagay sa romantic nilang scene.
Lahat ay kinikilig sa kanilang dalawa. Isa rin sana ako sa kikiligin kung hindi ko lang sila kilalang dalawa.
Sila lang naman ang ex-boyfriend ko at ang bago niya. Wow, what a great surprise! Dito pa talaga sila sa lugar kung saan narito rin ako. Saklap naman.
Narito ako para mag-unwind, mag-relax at magpahinga. Ngunit ang sama naman sa ‘kin ng tadhana. Kabaligtaran pala ang mararamdaman ko.
Ba’t ganun? Ba’t kailangan ko pang masaksihan ‘to? Ba’t kailangan pang masaksihan ng mismong dalawang mata ko kung gaano niya ipagsigawan at ipakita sa lahat na mahal na mahal niya siya?
“Will you marry me?”
Agad na nanubig ang dalawang mata ko sa tanong niya.
Ako sana ‘yan e. Ako sana ang tinatanong niya ng ganyan. Ako sana ang nasa harap niya ngayon at natutuwa nang sobra.
Napunta sa babae ang mga mata ko. I stared at her face in front of him. Nakita kong naiiyak rin siya kagaya ko. We are both in tears pero malayong-malayo ang rason nang pagluha namin. Ako, naiiyak dahil sa labis na sakit samantalang siya, naiiyak dahil sa labis na tuwa.
“Yes!”she shouted.
Agad na napuno nang hiyawan ang paligid sa isinagot niya sa lalaking minamahal ko. Agad naman siyang niyakap ni Bryan nang napakahigpit at sinigaw sa gitna ng maraming tao ang pangalan niya kadugtong ng salitang ‘I love you’.
Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili, tuluyan nang tumulo ang aking mga luha. Buti na lamang at naka-shades ako kaya hindi pansin ng mga taong nasa tabi ko ngayon na umiiyak ako.
In this crowd full of joy and excitement, here I am standing, the only person who’s in pain of what’s happening.
Dahan-dahan akong lumayo roon at pinipigilan ko ang sarili ko na huwag matumba. My knees weaken of what happened but luckily, I still managed to go to my room.
Pagkarating ko sa room ko, doon ko na binuhos lahat ng sama ng loob ko. Tinapon ko lahat ng bagay na makikita ko kasabay nang malakas kong sigaw.
“Ahhh! Ako sana ‘yon e! Ako sana ‘yong babaeng pakakasalan mo! Ako sana ‘yong bibigyan mo ng singsing bilang simbolo ng pagmamahal mo! Pangalan ko sana ang sinigaw mo sa harap ng maraming tao! Ako sana ‘yon, Bryan! Ako sana ‘yon!”humagulgol na lamang ako sa labis na sakit na nararamdaman ko ngayon.
“Bakit ang unfair ng mundo?! Bakit hindi na lang tayo?! Bakit kailangan pa tayong paghiwalayin ng tadhana?! Bakit hindi pwde ang salitang ‘tayo’? Bakit hindi na lang ako, Bryan?”lumuluhang sigaw ko.
What happened earlier made me realized something. Tama nga si Naruto, the worst thing in this world isn’t being alone, it’s being surrounded by people who makes you feel alone.
Ang sakit. Ang sakit sakit ng nararamdaman ko ngayon. Parang sinusuntok ng libo-libong kamao...


ang puso ko. Sobrang sakit.
Months passed at ginawa ko ang makakaya ko para maka-move-on sa lalaking minamahal ko na hindi ko na pagmamay-ari. Kailangan kong tanggapin na hindi na kami at wala na akong karapatan pang angkinin siya bilang akin.
Para tuluyan ko na silang makalimutan, pinutol ko na ang connection ko sa kanilang dalawa. Wala na akong balita pa sa kanila.
Mayroon rin ako nakilalang bagong kaibigan. His name is Randy. Randy is kind, cheerful and has a good sense of humor. Palagi niya akong pinapatawa sa tuwing magkasama kami. Walang oras na hindi ako tumatawa sa tuwing kasama ko siya.
Randy also helped me na maka-move-on kay Bryan. Thanks to him, kahit papa’no unti-unti nang gumagaling ang sugatan kong puso.
Pero hanggang kaibigan lang ang turing ko kay Randy. Hindi pa ako handang magmahal muli sapagkat natatakot akong masaktan muli. Mabuti na ‘yong magkaibigan lang kami dahil sa pagkakaibigan, walang breakup. Hindi namin masasaktan ang isa’t-isa.
Isang gabi ay matutulog na sana ako nang biglang tumunog ang cell phone ko. May tumatawag and unregistered number. Bago kasi ang number ko at konti lang talaga ang binigyan ko nito kaya nagtataka ako kung sino ‘tong tumatawag.
Hindi ko sinagot ang tawag dahil hindi ako sumasagot sa mga unregistered caller. Kaso hindi ito tumigil sa kakatawag kaya naiinis ko na lamang itong sinagot para sana bulyawan ang nasa kabilang linya.
“Hello, Bessy ko! Buti naman sinagot mo na!”ayan agad ang bungad sa akin ng nasa kabilang linya.
Handa na sana akong bulyawan siya kaso si Chelsea pala ‘to, ang best friend ko.
“Oh? Ba’t napatawag ka? Tsaka saan mo nakuha number ko?”
Hindi ko kasi naibigay sa kaniya ang new number ko dahil ‘di na kami muling nagkausap pa mula noong birthday niya which is more than two months na rin ang nakalilipas.
“Kay Randy ko nakuha ang number mo. You know naman na friend rin siya ng kuya ko. Ay oo nga pala! Kaya ako napatawag sa ‘yo ay dahil may good news ako!!! Eeehhh bessy kinikilig ako! Hehehehe.”
Halata nga sa boses nito na kinikilig siya at sobrang saya niya. Mukhang excited siya sa good news niya sa ‘kin.
“Ano ba ‘yang good news mo, Bessy?”
“Ikakasal na ako, bessyyyyy!!! Hehehe sa susunod na linggo na ang kasal namin ng boyfriend ko! Hehehe bridesmaid ka ah! Hindi ka pwedeng mawala sa kasal ko! Hehehe.”
Hindi na ako nagulat sa ibinalita ng best friend ko. Nong nakaraang buwan ko pa nalaman na engaged na siya sa boyfriend niya.
“I’m happy for you, Bessy ko. Congratulations in advance! Don’t worry, I’ll be there. Ako pa ba? Hindi ako pwedeng mawala sa kasal ng best friend ko.”
Marami pa kaming pinag-usapan ng best friend ko hanggang sa sumapit na ang hatinggabi. Pinatay niya na ang tawag nang marinig kong tinatawag na siya ng boyfriend and soon-to-be-husband niya.
Mabilis na lumipas ang mga araw. Today is already the day of my best friend’s wedding.
Pagkarating ko sa simbahan, marami ng tao ang nandoon ngunit wala pa ang bride and groom. Umupo muna ako sa upuan at pagkalipas ng ilang minuto ay dumating na raw ang groom.
Pinalabas na kaming mga bridesmaid, groomsmen at ang lahat ng may role like the flower girls, ring bearer and all.
Partner ang bridesmaids and groomsmen sa pagma-martsa. Mabuti na lang narito rin si Randy kaya siya ang naka-partner ko, siya lang rin kasi ang close friend ko sa groomsmen.
Nang kami na ni Randy ang susunod, sabay kaming lumakad papasok sa simbahan at papalapit sa uupuan namin. Habang naglalakad, nagtama ang mga mata namin ng groom na nakatayo sa harap ng altar para hintayin ang bride niyang nasa labas pa ng simbahan.
The moment his eyes and mine met, unti-unti nang nanubig ang mga mata ko.
Kahit papa’ano ay nakamove-on na rin ako sa kaniya pero bat ganun? Sa tuwing nakikita ko siya, muling nanunumbalik ang pagmamahal ko sa kaniya.
Yes, the man in the end of the aisle is the man I love so much. And yes, Chelsea which is my best friend is the new girl of Bryan. Kami pa lamang ni Bryan noon, alam ko nang inlove ang best friend ko sa kaniya. And I didn’t expect, na sila pa pala ang magkakatuluyan sa huli.
My best friend’s groom is the man I thought would be my groom. Ikakasal na ang lalaking minamahal ko ngunit masakit lang dahil hindi sa akin.
Habang naglalakad ako, pinapangarap ko na lamang na ako ang bride niya at ako ang hinihintay niya sa harap ng altar. Ngunit nasira ang pangarap kong ‘yon nang sabay kaming lumiko ni Randy upang tumungo sa kaniya-kaniya naming upuan.
Ginawa ko na lamang ang lahat nang makakaya ko na hindi humagulgol habang papalapit ang best friend ko sa lalaking mahal na mahal ko. Habang nakikita ko sa kanilang mga mata ang saya na ikakasal na sila.
Nang sabihin na ng pari ang mga katagang parang palaso na sabay-sabay na tumama sa ‘kin, hindi ko na napigilan pang tumulo nang sunod-sunod ang mga luha ko. Gustong-gusto ko nang umalis sa pwesto ko ngayon kaso wala akong lakas para gawin ‘yon.
“You may now kiss your bride.”
Natulala na lamang ako nang makita kong masaya niyang hinalikan ang best friend ko sa harap ng maraming tao– at sa harap ko pa mismo.
My best friend and him. They are already husband and wife. Ako sana ‘yan e! Ako sana ang asawa niya ngayon! Ako sana kaso pinagkaisahan nila ako.
Napuno nang palakpakan at masayang hiyawan ang simbahan dahil sa kanilang pag-iisang dibdib.
And here I am again, in the middle of this crowd full of joy, excitement and rejoicement, I’m the only one who’s in pain of what’s happening.
I watch him slowly making his dreams into reality. The dreams I should be the one he’s with. The cruel reality slap me the fact that he and me ain’t meant to be. I watch them being happy and it kills me slowly like crazy.
Ang mga pangarap na akala ko’y sabay naming aabutin, unti-unti niya nang naaabot kasama ang iba. Ang pangarap naming maikasal sa simbahan, natatamo niya na ngunit hindi ako ang kaniyang nobya. Ang pangarap naming magkaroon ng maraming supling, sa ibang babae niya na tutuparin.
Sa pamilyang siya ang ama, hindi ako ang ina. Hindi na ako ang magiging ina ng magiging salinlahi niya. Hindi ako dahil ang best friend ko.
Ang sakit sakit…sobra.
Patapos na ang kasal nila nang hindi ko na mapigilan ang sobrang sakit na iniinda ng puso ko. Dahan-dahan akong lumakad papalabas ng simbahan, papalabas sa lugar kung saan labis akong nasaktan.
The moment I turned around, walang humpay nang tumulo ang napakaraming luha na kanina ko pa pilit na kinikimkim. Mga luhang malayang tumulo at hindi alintana kung sino man ang makakakita.
Ako sana, kaso may iba na siya.
Ako sana, kaso hindi na ako ang laman ng puso’t isipan niya.
Ako sana, kaso kasal na siya.
Ako sana, kaso hindi kami ang nakatadhana para sa isa’t-isa.
Kakalabas ko lamang sa simbahan nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko.
“Anne!”
Agad kong pinunasan ang mga luha ko ngunit useless lamang ito sapagkat hindi pa rin ito tumitigil sa pagtulo.
“Anne…”
Naramdaman ko ang marahang kamay na humawak sa balikat ko. Agad ko naman itong nilingon at labis ang gulat ko nang makitang si Bryan ito…ang lalaking minamahal ko.
Hindi ako makapaniwala na nandito siya sa harap ko ngayon at tinatawag ang pangalan ko. Nandito siya sa tabi ko imbes na manatili siya sa tabi ng bagong kasal niyang asawa.
“N-naaalala mo na a-ako?”
The reason why we broke up was because he forgot me. Nagka-amnesia siya at wala siyang maalala kahit ang sariling pangalan niya. At ang sampung taon na pinagsamahan namin ay nakalimutan niya rin na parang bula.
Ako sana ang asawa niya ngayon kaso ‘di niya na ako maalala.
Nabura na lamang sa isang iglap ang pagmamahal niya sa akin dahil sa aksidenteng iyon na naging resulta ng pagka-amnesia niya.
“Yes…y-you’re Anne. I-ikaw ang babaeng palaging nagfla-flash sa memory ko noon pa man. I-ikaw…i-ikaw ang dati kong kasintahan, hindi ba?”
Nagulat ako sa mga sinabi niya. I-ibigsabihin, muli nang bumabalik ang memorya niya? Ngunit huli na…kasal na siya sa iba at sa best friend ko pa mismo.
Napako ang mga mata ko sa babaeng nasa likod ni Bryan. There she is, my best friend Chelsea. She smiled bitterly towards me before she uttered the words ‘sorry, bessy.’
Mas lalong tumulo ang mga luha ko at nadagdagan ang sakit na nararamdaman ko. I feel betrayed. Pinatapos niya lamang ang kasal nila bago niya hinayaang magkausap kami ni Bryan.
“M-mahal…”
Muling napunta kay Bryan ang mga mata ko sapagkat tinawag niya ako sa endearment namin na endearment rin nila ng best friend ko.
“M-mahal…bakit hindi mo man lang ako ipinaglaban?”mga katagang nagmula sa labi niya na labis na nagpawasak sa sugatan ko nang puso.
“P-paano kita ipaglalaban k-kung tadhana na mismo ang pilit na humihiwalay sa ‘tin…m-mahal ko…”lumuluha kong wika.
Hindi siya nakasagot sa sinabi ko ngunit batid kong sang-ayon rin siya rito.
“Tayo sana Bryan kaso nakalimutan mo ako. Ako sana ang para sa iyo kung hindi ka lang nagkaroon ng amnesia. Ako sana ang asawa mo ngayon kung hindi lang ang best friend ko ang pinakasalan mo…”
“Ako sana, kaso…ayaw ng tadhana.”
The End.

I’m still thinking if gagawan ko ‘to ng part 2 o hindi, hehe ❤ comment below if u want part twoooo.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.