0

Aking Prinsesa Chapter 4

Report

❣️Aking Prinsesa❣️
.
Chapter 4
.
May dalawang taong nagmamanman kay Yna,
.
Tao 1 : pare iyon ba yong anak na babae ni Mr. Villaroman?
Tao 2 : oo, hindi ako pwedeng magkamali siya iyon!
Tao 1 : pano. Kikilos na ba tayo?
Tao 2 : oo, samantalahin nating nag-iisa siya sa may duyan.
Tao 1 : sige pare tayo na.
Tao 2 : sandali pare!! Ayun na yong lalakeng kasama niya.
.
Umurong ang dalawang tao na lalapitan sana si Yna para dukutin ito..mabuti na lang at lumabas si Nico at tinawag niya si Yna sa may duyan, at pumasok si Yna at Nico sa loob ng bahay..ang dalawang tao ay umatras, nagkubli uli ang mga ito.
.
Nico : Princess, dito mo na ilagay sa bag ko yong ibang gamit mo, kung okay lang sayo, para isang bitbitan ko na lang.
Yna : okay lang naman.
Nico : sige ilagay mo na, para maaga tayong makarating sa bahay ampunan.
Yna : ah, okay.
Nico : yong toothbrush mo huwag mong kakalimutan ah..(nakangiti niyang sabi)
Yna : opo..(nakangiti din niyang tugon)
Nico : baka mamaya, makalimutan mo, maoobliga kang gamitin ang sipilyo ko.(nakatawang sabi)
Yna : hindi ko na makakalimutan.
.
Masaya ang puso ni Nico nang nakipag-ngitian na sa kanya si Yna..sa isip pa ni Nico, hindi na siya sinusupladahan ng dalaga..at habang inaayos naman ni yna ang kaniyang mga gamit sa bag ni Nico, si Nico naman ay pinuntahan si Mang temyong at kinumusta niya ito at tuloy ay nagpaalam na sila na pupunta na sila ng bahay Ampunan..at samantala naman natapos ng isiksik ni Yna ang kanyang mga gamit sa bag ni Nico, at si Nico naman ay pumasok na ulit sa kwarto upang tingnan si Yna kung tapos na ngang ilagay ang gamit nito sa bag.
.
Nico : tapos ka na?
Yna : oo, okay na, nailagay ko na, mabuti pala at malaki yong bag mo.
Nico : oo, mas gusto ko kasi ang malaking bag..nasan yong mga paper bag na pinaglagyan mo ng mga gamit mo?
Yna : ah, nasa ibabaw ng kabinet nila, para hindi nakakalat inilagay ko doon..kailangan mo ba?
Nico : oo paglalagyan ko lang ng mga pasalubong natin sa mga bata.
Yna : ah sandali lang at kukuhanin ko.
Nico : ako na.
Yna : di okay lang, ako na ang kukuha.
Nico : sige salamat.
.
At kinuha nga ni Yna ang mga paper bag..natutuwa naman si Nico dahil mukhang magiging maganda na ang samahan nila ni Yna..at hanggang sa dala dala na nga ni Yna ang mga paper bag
.
Yna : eto na yong mga paper bag.
Nico : salamat!!
.
At noon lang napansin ni yna na halos mga pasalubong lang pala yong laman ng bag ni Nico, kaya pala nong ilalagay na ni Yna ang mga gamit niya ay mga ilang piraso lang yong damit ni Nico sa bag, kaya daw pala parang maraming gamit yong binata sa bag, yon naman daw pala ay mga pasalubong..at nagtaka si Yna ng makita niya ang baril na nakasama sa mga pasalubong, sa isip niya bakit doon lang ilalagay ni Nico ang baril sa may paper bag diba daw dapat ay sa masinop na lalagyan iyon, dapat daw ay sa bag hindi daw dapat isama sa pasalubong iyon dahil baka makita ng mga bata, hindi nakatiis si Yna kaya sinabi niya kay Nico na isinop ang baril.
.
Yna : ah nico, diyan mo talaga ilalagay ang baril sa paper bag?
Nico : oo, bakit?
Yna : diba dapat itago mo yang baril sa bag mo, kasi baka makita ng mga baya yan?
.
Naintindihan na ni Nico ang ibig sabihin ni Yna.,na ang akala ni Yna ay totoo yong baril, dahil nakakapeke nga naman..parang totoo, yun yoong ipinantakot ni Nico sa mga holdaper na homoldap kay Yna, kaya natatawa si Nico sa iniisip ni Yna.
.
Yna : oh bakit natatawa ka, diba totoo naman na dapat isinop mo ng lalagyan yong baril mo.
Nico : hindi naman kasi totoong baril to, laruan lang kaya ito.(nakatawa niyang sabi)
Yna : Laruan lang yan?
Nico : oo, laruan lang ito.
Yna : ganun!!! Grabe akala ko Totoo yan.
Nico : hehe, kahit nga yong mga loko-lokong holdaper akala nila totoo.(sabay tawa)
.
Nagtawanan silang dalawa nang maalala nila ang dalawang holdaper na halos madapa sa kamamadaling tumakbo…at hanggang sa nagpa-alam na sila sa mag-ama.
.
Nico : mang temyong, pupunta na po kami.
Temyong : sige, mag-iingat kayo.
Yna : pagaling po kayo mang Temyong.
Temyong : salamat, princess, balik kayo dito ni Kulas ha.
Nico : hayaan nio po mang temyong, babalik kami ni Princess dito..diba princess..(baling niya kay princess)
Yna : h-ha o-oo!!
Nico : sige po mang temyong.
.
At nagpaalam din sila kay esang..at hanggang sa umalis na nga sila..
.
at samantalang ang dalawang tao na nagkukubli na pagmamanman kay Yna ay wala silang alam na umalis na ang minamanmanan nilang si Yna. dahil sa likod bahay nagdaan sina Yna at Nico..at habang sa paglalakad nila Nico at Yna ay hindi nainip si Yna dahil sa nagkukwentuhan sila ni Nico, at halos may kalahating oras na silang nag-lalakad, nakaramdam na ng pagod si Yna, at napansin ni Nico na pagod na ang dalaga kaya, nagpahinga muna sila sa ilalim ng puno, at sakto naman na may batong malapad na pwede nilang pag-upuan..Sa isip ng dalaga masarap daw palang kausap si Nico hindi siya nainip sa paglalakad nila, makwento si Nico kaya parang magaan na tuloy ang loob niya sa binata, nawala na din ang hiya niya dito dahil kahit si Yna ay napapakwento na din ito tungkol sa buhay niya, at alam na ni Yna ang totoong pangalan ni Nico..nakonsensiya tuloy si Yna dahil nagsinungaling siya kay Nico. hindi niya sinabi ang totoo ang pangalan niya.kaya daw ngayon sasabihin na daw niya ang totoong pangalan niya.
.
Yna : Ah Nico..siya nga pala..hindi ko totoong pangalan ang Princess.
Nico : h-ha.ano talaga ang pangalan mo?
Yna : Yna.
Nico : Yna?
Yna : oo.
Nico : Ah Yna..sayang kasi hindi tayo ngkakilala sa magandang pagkakataon..hindi maganda ang pagkakilala natin sa isa’t isa.
Yna : oo nga eh…e di ulitin natin ang pagkikilala natin.
Nico : Ah maganda nga yun…sige ulitin natin.
.
Tumayo si Nico at isinukbit niya ang bag sa balikat niya at lumayo kay Yna, nagtaka si Yna kung bakit aalis si Nico.
.
Yna : oh bakit saan ka pupunta?
Nico : dito lang sa likod ng puno, basta maupo ka lang diyan!!
Yna : h-ha. Baka naman iwanan mo ako dito!!
Nico : hindi ah..bakit naman kita iiwan, basta maupo ka lang diyan.
Yna : sige.
.
At umikot nga si Nico sa likod ng puno, may nakita siyang magandang bulaklak at pinitas niya ito. At inilagay niya ito sa kanyang likod isinukbit niya sa may bag na dala niya, at hanggang sa bumalik siya kung nasaan si yna.
.
Nico : hi miss!! Pwedeng maki-upo? (Nakangiti niyang sabi)
Yna : sige. Upo ka!!
Nico : thank you!!, ako nga pala si Nicholas De Jesus..ikaw anong pangalan mo?(nakangiti at inilahad ang kamay)
Yna : I’m Ma. Kristina Villaroman,, Yna for short!(nakangiti niyang sabi, at inabot ang nakalahad na kamay ni Nico)
Nico : hi Yna!! Flowers for you (sabay abot sa bulaklak na pinitas)
Yna : oh wow, ang ganda naman!(kinuha ang bulaklak)..thank you!!
.
Nagtatawanan silang dalawa, at nag-apir pa sila, ang saya nila sa mga sandaling iyon, hindi nila naramdaman na sila ay napagod sa paglalakad dahil nagkakabiruan na sila.
.
Yna : grabe, para tayong sira niyan!!(tumatawa niyang sabi)
Nico : oh diba ang saya ng pagkakakilala natin!!
Yna : oo nga ang saya!! Tara na kaya at nauuhaw na ako.
Nico : walang problema may baon akong tubig..boyscout yata ito, laging handa..
Yna : hay, salamat at may kasama akong boy scout!!
.
At nang makalipas ang 20 mins.na pamamahinga nila ay lumakad na ulit sila, at hanggang sa lumipas muli ang maraming mga minuto ay natatanaw na nila ang bahay Ampunan, sa tantiya ni Yna mga kalahating kilometro pa ang lalakarin nila
.
Yna : hay ang layo naman pala,.grabe, ang layo naman pala ng nilalakad ni Esang araw araw!
Nico : oo, papunta at pauwi pa siya naglalakad.
Yna : nakakapagod naman sa araw araw na paglalakad kapag ganun kalayo.
Nico : ganun talaga, tiyagaan lang, kasi kailangan niyang kumita para makapag-aral siya.
.
Sa isip ni Yna, mabuti na lang daw at hindi niya nararanasan yong ganung kahirapan..pero naawa naman si Yna sa kalagayan ni Esang na kailangang maglakad ni Esang ng ganong kalayo para lang mag-kapera at ng sa ganun ay makaipon, para sa pag-aaral, napag-isip isip niya na napakaswerte niya dahil siya di niya kailangang magpakapagod di niya kailangang maghirap na magtrabaho para magkapera,dahil siya ay nasa kanya ang lahat, dahil naibibigay ng papa niya ang gusto nia, Sa pinansiyal man o materyal, ibinibigay ng papa niya, kaso nga lang di naman niya sinusuklian ng kabutihan yong ginagawa ng papa niya sa kanya, di niya pinapahalagahan, masyado siyang maluho,.mamahaling mga gamit ang lagi niyang binibili, bag, sapatos, mga alahas, at kung ano ano pa..wala siyang paki-alam sa pera, ang katwiran niya hindi mauubos ang pera niya dahil mayaman sila..sa isiping iyon ni Yna ay napailing na lang siya dahil naisip niyang hindi tama yong ginagawa niya..nalungkot tuloy siya sa isiping iyon naawa siya sa papa niya, na walang inisip kundi kabutihan niya..at napansin ni Nico na lumungkot ang kanyang mukha.
.
Nico : may problema ba Yna?
Yna : h-ha, wala may naalala lang ako.
Nico : ganun ba, naalala mo ba yong boyfriend mo?
Yna : hindi, naalala ko lang si Papa.
Nico : ah, eh yong boyfriend mo di mo ba siya na miss?
Yna : ha, namimiss!!
.
Nakita ni Yna na parang lumungkot ang mukha ni Nico.
.
Yna : eh, ikaw yong girfriend mo di mo ba namimiss?
Nico : wala naman akong girlfriend eh.
.
Si Yna naman ay natuwa sa isip ng sabihin ni Nico ng walang girlfriend ito.
.
Yna : wla kang girlfriend? Di ako naniniwala!
Nico : wala nga, at hindi ako nahihiyang sabihin na hindi pa ako nagkakagirlfriend!! Ikaw siguro madami ka ng naging boyfriend?
Yna : uy grabe ka! Isa pa lang yong boyfriend ko, si Poli pa lang, 1st boyfriend ko siya.
Nico : mahal mo ba siya?
Yna : pambihirang tanong yan..syempre naman, boyfriend ko nga diba, syempre mahal ko..bakit ba yong lovelife ko yong pinag-uusapan natin? Eh ikaw bakit hindi ka pa nagkakagirlfriend??
Nico : wala lang,..wala pa kasi sa isip ko yong pag-gigirlfriend, at saka kailangan ko munang unahin yong pamilya ko, lalo na si Nanay may sakit siya. At saka gusto ko munang ipagpatuloy ang pag-aaral ko.kaya saka ko na iisipin yang pag-gigirlfriend na yan.
Yna : kabait mo naman.
.
Sa nalaman ni Yna kay Nico, ay lalo siyang humanga sa binata, napakaresponsableng anak pala ni Nico sa mga magulang niya..marami silang napagkwentuhan ni Nico ng kung ano anong mga bagay sa mga buhay nila, kaya hindi nila namamalayan at naroon na sila sa may Gate ng bahay ampunan..at natuwa si Mother Fely ang namamahala sa may bahay ampunan, inutusan niya ang isang bata, para buksan ang gate, at natuwa naman ang bata dahil kilala niya ang nasa may gate.
.
Gino : kuya kulas!!!
.
Tumakbo ang bata upang buksan ang gate at habang tumatakbo ang bata ay tuwang tuwa ito ng makita si Nico.
.
Nico : Gino, huwag kang tumakbo, baka madapa ka?
.
At nakarating na nga sa may gate ang bata, at binuksan na niya ang gate..at pumasok na sila ni Yna.
.
Nico : Gino!! Kumusta ka?
Gino : mabuti naman po kuya kulas..
.
At hanggang sa nakarating na sila sa. Loob ng bahay..at sinalubong sila ni Mother Fely at Manang veron.
.
Mother Fely : kulas iho, kumusta buti at napadalaw ka, akala ko matatagalan ka bago ka bumalik?
Nico : (nagmano)opo, kasi po, namimis ko na itong mga bata na ito eh.
Manang Veron : sino ba yang magandang kasama mo kulas?
Nico : ah si Yna nga po pala, kaibigan ko..ah Yna si Mother Fely at si Manang Veron.
.
Yna : kumusta po..(nagmano kay mother fely at manang veron)
.
At hanggang sa nakita pa ng ibang bata si Nico, nagsuguran ito kay Nico at yumakap ang mga ito kay Nico..at tuwang tuwa ang mga bata nang makita ang binata.
.
Nico : naku, namiss ako ng mga anak ko.
Mother Fely : hay sinabi mo pa.
Mga bata : kuya kulas may pasalubong po kayo sa amin?
Nico : aba, syempre meron!!
Mga bata : yehey!
.
At inilabas nga ni Nico sa paper bag ang mga pasalubong at pinagbibigyan ang mga bata.
.
Manang Veron : oh mga bata, pagpahingahin nio muna sila kuya kulas mo at ang kasama niya si Ate Yna!
Mother Fely : oo sige magsipasukan na kayo sa loob.
.
At pumasok na nga ang mga bata sa loob ng bahay..at si Manang Veron naman ay kumuha ng mamimeryenda sina Nico at Yna, at sina Mother Fely ay naupo sila sa may garden, at sila ay nagkumustahan? At samantala naman, ang dalawang tao na nagmamanman sa bahay nila mang temyong ay inip na inip na, dahil hindi sila makakuha ng tyempo dahil laging kasama ni Yna si Nico, at naiinip na nga ang dalawang tao, dahil mag-aapat na oras na sila roon sa kinalulugaran nila ay hindi pa daw lumalabas ng bahay si Yna.
.
Tao 1 : pare, katagal naman nilang lumabas ng bahay..paano ba natin makukuha ang babae?
Tao 2 : pare pag-isipan muna nating mabuti, planuhin muna natin kung paano natin dudukutin ang babae..kailangang maidala natin kay boss ang babae, dahil malalagot tayo kay boss niyan!!
Tao 1 : todasin na natin yong kasama niya, kapag pumalag!
Tao 2 : mabuti pa kaya ay pasukin natin ang bakuran.
Tao 1 : sige pare.
.
At pumasok na nga ang dalawang tao sa bakuran, tamang tama naman ay papalabas si Esang para kumuha ng kahoy na panggatong..at nagulat si esang kung bakit may dalawang lalake ang nasa bakuran nila.
,
Esang : s-sino po kayo?
Tao 1 : ah magtatanong lang kami, nasan na yong bisita nio yong babae at lalake, nandiyan ba sila?
Esang : sino po si kuya kulas po ba at si ate Princess?
Tao 2 : princess?? Hindi, si Yna Villaroman ang tinutukoy namin.
Tao 1 : oo, nandiyan ba siya si Yna Villaroman?
.
Narinig ni Mang temyong na may kausap ang anak.
.
Temyong : esang sino yang kausap mo?
Esang : ah tatay. May hinahanap po sila.
.
Lumabas si mang Temyong at siya ang kumausap sa mga lalake.
.
Temyong : sige anak, ako na ang kakausap sa kanila.
Tao 1 : ah, manong baka pwedeng maki-inom kami.
Temyong : esang anak, kumuha ka ng tubig na maiinum nila..sino ba ang hinahanap nio?
.
Tao 2 : ah sina Yna Villaroman po.
Temyong : Yna Villaroman?
Tao 1 : opo. Yun pong nakatuloy sa inyo na babae at lalake?
Tao 2 : barkada po kasi namin sila.
.
Palinga-linga ang dalawang lalake na tila may hinahanap..at hanggang sa inabutan na sila ni esang ng tubig na maiinum..at nagpasalamat naman ang dalawa ng makainum..at si Mang temyong ay nagkaroon na siya ng kutob na mukhang may hindi maganda..alam na ni mang temyong ang tinutukoy ng dalawang lalale ito ay sina kulas at Princess daw, at nagtataka si mang temyong kung bakit Yna ang sinasabing pangalan ng mga ito at nagtataka si mang temyong kung talagang barkada daw nila sina kulas at princess bakit hindi daw nila alam ang pangalan ni kulas, at si Princess naman daw ay Yna ang tawag nila..ah sa isip ni mang temyong mukhang may hindi magandang pakay ang mga ito sa dalawa..kaya ililigaw niya ito..pinatuloy niya muna ang dalawang lalake sa bahay nila upang maniwala na wala na daw doon sina kulas At Princess o Yna.
.
Mang temyong : pasok muna kayo sa loob at maupo.
.
At pumasok nga ang dalawang lalake sa loob ng bahay, at naupo sila sa may upuang kahoy, at pinapasadahan ng dalawang lalake ang loob ng bahay, at nakita nilang wala roon ang babae at lalake na sina yna at nico,
.
Temyong : ah yong barkada nio ay umalis na, uuwi na daw sila.
Tao 1 : ano, umalis na??
Temyong : oo..kanina pa sila umalis, nahuli kayo?
Tao 2 : san daw sila pupunta?
Temyong : uuwi na nga daw sila.
Tao 1 : eh kung umuwi na sila, bakit hindi namin sila nasalubong, eh kanina pa kami nakatambay—(naputol ang sinasabi)
Temyong : nakatambay? Saan.?
Tao 2 : ah ang ibig niyang sabihin, napagod kami sa paglalakad kaya tumambay muna kami sa ilalim ng puno para mamahinga, ngunit di namin sila nakita sa daan.
Tao 1 : kaya imposibleng umuwi na yoon.
Temyong : saan ba kayo dumaan?
.
At itinuro ng dalawa kung saan sila dumaan ng papunta sila roon.
.
Temyong : ah kaya naman pala, hindi nio nakita ang magkasintahan dahil sa ibang daan sila dumaan.
Tao 2 : magkasintahan?( takang tanong niya)
.
At nakita ni Mang temyong na nagtataka ang dalawa ng sabihin niyang magkasintahan ang dalawa..kaya halata sa dalawa na nagsisinungaling ang mga ito, sa isip ni Mang temyong na talagang hindi nila barkada si Kulas at princess.
.
Tao 2 : ibig niong sabihin, may iba pang daan?
Temyong : oo. At sa tantiya ko ay malapit na sila sa may kabayanan niyan ngayon, dahil kanina pa nga sila umalis na magkasintahan.
.
Lumukot ang mukha ng dalawang lalake dahil natakasan sila..at hanggang sa nagpaalam na din agad ag dalawang lalake.
.
Tao 1 : paano ba yan pare, nasayang ang pinagpaguran natin, malalagot tayo kay boss niyan!!
Tao 2 : oo nga, sinuswerte yang Yna Villaroman na yan.!!
Tao 1 : at saka, bakit ang sabi nong lalake magkasintahan ang dalawa..diba syota ng anak ni Boss yun na si Poli si Yna Villaroman???
Tao 2 : oo yun ang sabi.
Tao 1 : Bumalik na tayo, panigurado ko nakalayo na sila.
Tao 2 : anak ng putakte naman oh, lagot tayo kay boss niyan!!
.
At nagsisihan ang dalawang lalake dahil bakit nakalayo sa kanila ang babae na si Yna..at samantala naman habang nag-uusap sina Nico at Mother Fely at biglang tumunog ang celpon ni Nico, at bago sinagot ni Nico ang celpon ay lumayo muna si Nico sa dalawang babae na sina mother Fely at Yna, nagtataka pa si Yna kung bakit kailangan pang lumayo ng masyado ni Nico, wala naman daw sana siyang paki-alam kahit na daw ba marinig niya kung ano yong pinag-uusapan nila ng kausap niya sa celpon.
.
Manang Veron : oh magmeryenda muna kayo.
Mother Fely : oo iha. Magmeryenda ka na..
Yna : salamat po..
.
At hindi na nahiya si yna nauna na siyang nagmeryenda kay nico dahil busy naman ito sa pakikipag-usap sa celpon, at sa tingin niya, ay masyadong seryoso ang usapan nila nico at ang kausap nito sa celpon.
.
Yna : meryenda na din po kayo mother Fely, manang Veron, sabayan nio na po akong magmeryenda.
Mother Fely : sige iha, kakatapos lang namin magmeryenda.
Manang Veron : nasabak ka sa matinding lakaran ano? Doon pala kayo tumuloy kila Temyong! Malayo ang daan doon..mas malapit dito sa may Villa.
Yna : ibig pong sabihin, may mas malapit na daan po pala?
Mother Fely : oo iha..sige iha maiwan muna kita diyan at ako ay may pupuntahan eh, kailangan ko ng pumunta ng kabayanan, at pinapapunta ako ni Father Lito.
Yna : ah okay po. Ingat po kayo..
Mother Fely : salamat iha..Veron, bahala ka na muna sa mga bata, nandiyan naman si Kulas may kasama kang titingin sa mga bata, at titingnan ko yong kinukuha nating makakasama natin dito.
Manang Veron : opo sige po mother fely..
.
At umalis na nga si Mother fely, nag-paalam din si Mother Fely kay Kulas, tamang tama naman ay tapos na sa pajikipag-usap sa celpon.
.
Mother Fely : kulas, kayo muna ang bahala dito sa mga bata ah, pinapapunta ako ni Father Lito sa bayan eh.
Nico : sige mother Fely..ingat po kayo!
,
At tuluyan na ngang umalis si Mother Fely, si Nico naman ay pumunta na siya kila Yna at manang Veron.
.
Manang Veron : kulas magmeryenda ka na!!
Nico : salamat manang Veron.
Yna : nauna na akong nagmeryenda sayo, tagal mo kasing makipag-usap sa celpon, napagod ksi ako kaya nakaramdam ako ng gutom.
Nico : okay lang yun, pasensiya ka na ha dahil napagod ka.
Manang veron : magmeryenda lang kayo diyan ha, kasi mag-gagayak na ako ng pananghalian.
Nico : tulungan napo namin kayo manang veron.
Manang Veron : huwag na muna pahinga na muna kayo, dahil alam kong pagod na pagod kayo, mamaya na lang hapon, kayo ang mag-lukuto, kasi uuwi ako mamaya eh, may trangkaso yong apo ko, eh wala pa man din yong anak ko na nanay nung bata, nagtatrabaho sa Maynila, kaya uuwe ako mamaya.
Nico : ganun po ba, sige po.
.
At naiwan na nga sila Nico at Yna sa labas,.naginhawahan ang pakiramdam ni Yna ng maka-inom siya ng malamig na Juice , halos ubusin na niya ang isang pitsel sa sobrang uhaw niya.
.
Yna : hay, ang sarap naman ng malamig.,
Nico : ang sarap nga!!
Yna : sobra kasi ang pagod ko, ang sakit ng mga paa ko at saka mga binti ko..
.
Tinanggal niya ang kanyang mga, at hinila pa niya ang isa pang bakanteng upuan, at ipinatong at iniunat niya ang mga paa sa may bangkuan, at isinandal ni Yna ng mabuti ang likod niya sa sandalan ng kanyang inuupuan, at napapikit siya ng makaramdam ng ginhawa.. naawa naman si Nico kay Yna dahil halata sa itsura ni Yna na sobrang pagod na pagod sa paglalakad..nilapitan ni Nico ang dalaga, kinuha niya ang nakaunat na mga binti at paa, umupo si Nico sa pinaguunatan ni...


Yna na bangko at ipinatong ni Nico ang mga paa ni Yna sa kanyang mga hita, nagulat si Yna sa ginawa ni Nico, napaayos ng upo si Yna.
.
Yna : ayy!! Anong ginagawa mo?
Nico : hihilutin ko lang.
Yna : huwag na, nakakahiya naman..
Nico : hindi okay lang..marunong akong maghilot.
.
At hinilot nga ni Nico ang mga paa at binti ni Yna, nahihiya man si Yna ay hinayaan na lang niya si Nico na hilotin siya nito, at isa pa ay nakaramdam siya ng ginhawa sa ginagawang paghihilot ni Nico sa binti at paa niya, at ang harot naman niyang puso ay tuwang tuwa naman ito, mabilis ang tibok nito dahil sa parang may kuryenteng gumagapang sa kalamanan ni Yna na nakakapagpabilis ng tibok ng puso niya..at dahil sa sobra siyang nagigihawahan sa ginagawa ni Nico ay pinapakalma na lang niya ang sarili na huwag pansinin ang kuryenteng nararamdaman, at hanggang sa nahinto ang paghihilot ni Nico sa kanya dahil, may narinig silang batang umiiyak..at nakita nga nila sa isang sulok ang batang lalake na umiiyak, at pinuntahan ito ni Nico.
.
Nico : Gino bakit ka umiiyak?
Gino : kasi po ayaw po nila akong isali sa mga laro nila..(umiiyak niyang sabi)
Nico : ganun ba.
Gino : opo.
Nico : gusto mo ba tayo na lang ang maglaro?
Gino : talaga po kuya kulas.
Nico : oo naman.
Gino : sige po kuya kulas.
Nico : ano bang gusto mong laruin natin?
Gino : baril-barilan po..sandali lang po at hahanap ako ng kahoy na baril natin..
Nico : huwag ka ng maghanap..kasi meron ka ng baril..sandali at kukuhanin ko lang ha.
.
At kinuha nga ni Nico ang laruang baril..at ng makuha ay ibinigay na niya sa,bata iyon, tuwang tuwa naman si Gino dahil meron na siyang laruan na gustong gusto niya.
.
Gino : salamat po kuya kulas.
Nico ; welcome Gino, kaya kapag ayaw ka nilang kalaro, huwag kabg iiyak, maglaro ka na lang na mag-isa, kunwari may mga kalaban ka na babarilin mo..pero hanggat nandito ako, ako ang magiging kalaro mo..
Gino : yehey!!
Nico : sige game na..kunwari pulis ka at ako yong bad guy!!
.
At naglaro nga ang dalawa, masayang masaya si Gino dahil may kalaro siya, at masaya si Gino dahil meron siyang magandang baril-barilan, tuwang tuwa din naman si Nico sa pakikipaglaro niya kay Gino,.nalilibang din si Yna sa panunuod kila Nico at Gino sa paglalaro,.at hanggang sa napansin ng ibang bata na naglalaro si Nico at Gino, at nainggit ang ibang bata, kaya sumali sila sa laro nila nico at gino..kaya mas masaya na si Gino dahil madami na siyang kalaro,..humanga naman si Yna kay Nico dahil malapit ito sa mga bata..at hanggang sa nakardam na si Nico ng pagod.
.
Nico : hooo..pagod na ako, pwedeng kayo na lang ang maglaro. Nakakapagod!!pawis na pawis na ako!!
.
At pumayag naman ang mga bata, si Gino ay libang na libang na dahil nakikipaglaro na sa kanya ang ibang bata…
.
Nico : hay grabe napagod ako dun ah..
Yna : oo nga basang basa na yong damit mo sa pawis..
Nico : oo nga!!(at hinubad ang damit)
.
Nahiya naman si Yna, dahil tinanggal ni Nico ang damit niyang basa ng pawis, ibinaling ni Yna ang paningin niya sa iba..at napansin naman ni Nico na nailang sa kanya ang dalaga kaya agad naman niyang binuksan ang bag, upang kumuha ng damit na pamalit niya, ang kaso nga lang, halos di niya makuha ang mga damit niya dahil naka-ilalim ang mga damit niya, dahil ang nakapa-ibabaw roon sa bag ay ang mga damit ni Yna..at napansin naman ni Yna na hirap na hirap si Nico sa pagkuha ng damit nito dahil sa dami ng damit ni Yna na nakasiksik sa bag ni Nico, kaya tinulungan ni Yna na makakuha si Nico, pilit pinapakalma ni Yna ang puso dahil sa bumibilis ang tibok ng puso niya dahil sa nagkakasagian ang kanilang mga kamay, at hanggang sa nakakuha na si Nico at isinuot na niya ang damit, at hindi nag-tagal ay may tumawag na naman sa celpon niya, nagmamadali siyang lumayo kay Yna..tinatanong ni yna sa isip niya kung sino nga kaya daw ang kausap ni Nico na mukhang napakaseryoso daw talaga ng pag-uusap nila, at hanggang sa tinatawag na sila ni Manang Veron dahil magtatanghalian na daw sila.
.
Veron : Yna, tayo na kumain, mga bata magsipaghugas na kayo ng inyong mga kamay at kakain na.
.
at ng marinig ng mga bata si Manang Veron nag-uunahan pang makapunta ng kusina ang mga bata.
.
Veron : o huwag kayong magtakbuham at baka may, madisgrasya sa inyo…halika din dun yna..sabay sabay na tayong kumain..
Yna : opo.
.
At si Nico naman ay natapos ng makipag-usap.
.
Veron : kulas tayo na sa loob at kumain na tayo, yong mga gamit nio ipasoknio na din.
Nico : opo manang Veron.
.
At nagsipasukan na nga sila sa loob…at dumulog na nga silang lahfat sa hapagkainan, at ng makatapos silang kumain ay tulong tulong silang lahat na nagligpit ng kanilang pinagkainan..at si manang veron ang nahugas ng pinagkainan tutulong sana sina Nico at Yna ngunit di na pumayag si Manang Veron.
.
Veron : huwag na, ako na lang mamaya na lang kayo, kasi nga uuwi ako, ayusin nio na lang yong tutulugan nio, dun sa bungad na kwarto, kasi medyo matagal na hindi nalinis yun eh, maalikabok, kulas bahala ka ng kumuha ng mga gamit sa cabinet alam mo naman kung saan nakalagay yun..
Nico : sige po manang Veron..
.
At inaya na ni Nico si Yna na umakyat sa taas ng bahay, napapailing na naman si Yna sa isiping matutulog na naman daw sila ni Nico sa iisang kwarto, magiging abnormal na naman daw ang tibok ng puso niya..kung bakit daw ba naman kasi nagkakaganun ang puso niya, na laging natataranta at laging masaya kapag nasa malapit si Nico sa kanya, at mukhang hindi na nga niya namimis si Poli, na dati lang ay gustong gusto na niyang makita si Poli, dahil sa matagal na nga silang hindi nagkikita kaya namimis na niya ito, pero ng makilala niya si Nico ay nag-iba na ang puso niya..ah sa isip ni Yna hindi daw tama yong nararamdaman ng puso niya, mukha daw pinapalitan na ng puso niya si Poli, mukhang naibabaling na kay Nico ang puso niya..kaya sabi ni Yna sa puso niya, na hindi daw dapat mangyare yun, kailangan pigilin niya ang nararamdaman niya kay Nico..at ng makarating na sila sa kwarto, natuwa si Yna at apat naman pala ang kama roon..
.
Nico : naku, masyado na ngang maalikabok.
.
Binuksan ni Nico ang malaking bintana, at ng mabuksan ay pumasok ang sariwang hangin na nakapagpaginhawa sa kanila..
.
Yna : mapresko pala dito..
Nico : oo, at saka tingnan mo maganda ang view..
.
At lumapit si Yna sa bintana upang tingnanangsinasabi ni Nico na magandang View..at ng makalapit si Yna ay tama nga naman si Nico dahil sa mga bundok na nakapaligid doon.
.
Yna : oo nga, ang ganda..at ang sarap ng hangin.
.
Napapikit si Yna sa ginhawa ng pakiramdam ng masamyo ang sariwang hangin, na nakapag-parelax sa kanya..nagkaroon naman ng pagkakataon na titigan ni Nico ang magandang mukha ni Yna, na may maganda ang hubog ng mukha, na may magagandang mata, na malalantik ang pilikmata,at may matangos na ilong, at higit na nakapagpaakit sa kanya ay ang mga mapulang labi ng dalaga, na talgaga na daw kay sarap halikan, na minsan na niyang nagawa sa dalaga,.na hanggang ngayon ay hindi niya padin makalimutan..at hanggang sa bigla na lang nagmulat ang mga mata ni Yna, at huling huli ni Yna na nakatingin sa kanya si Nico..at agad namang ibinaling ni Nico ang tingin niya sa iba, napapailing na lang sa isip si Nico.
.
Nico : lilinisin ko lang itong kwarto.
Yna : tulungan na kita.
Nico : okay lang ba kung tutulungan mo ako, kasi baka mapagod ka..
Yna : hindi okay lang yan..para mabilis!!
Nico : sige kung yan ang gusto mo.
.
At nagsimula nga silang maglinis sa kwartong iyon..at nang makatapos maglinis, ay parang hindi manlang sila nakaramdam ng pagod dahil sa kapwa sila nalilibang sa paglilinis dahil sa habang naglilinis sila ay wala silang ginawa kundi magtawanan. Dahil madaming kwento. Madaming jokes si Nico..na dahilan naman na tuwang tuwa si Yna. At bagay din naman na ikinasisiya ni Nico na mapatawa o mapangiti si Yna, dahil nasisiyahan si Nico kapag nakikita niya si Yna na nakangiti..at ng nakapagpahinga na si Yna ay nagpunta si Yna sa banyo upang maligo..at si Nico naman ay inikot niya ang buong compound ng bahay ampunan,..at nakita nga niya na medyo malalago na ang mga damo sa gawing likod ng bahay.at masukal ang mga ilalim ng puno, dahil sa mga laglag ng dahon.kaya napagpasyahan niyang linisin iyon, nakita siya ng mga bata na naglilinis doon, nagprisinta naman ang mga bata na tumulong sa kanya.kaya katukatulong na niya sa paglilinis ang mga bata, at samantala ng makatapos naman si Yna na makapaligo ay umakyat uli siya sa kwartong tutulugan nila, sobrang naginhawahan ang kanyang pakiramdam., lumapit siya sa may bintana dahil naririnig niya ang mga bata na nagkakasiyahan, at naririnig din niya ang boses ni Nico, kaya dumungaw siya sa bintana upang alamin kung ano ang ginagawa ng mga bata at ni Nico..at nakita nga niya na naglilinis daw pala ang mga bata na kasama si Nico. Nagkaroon tuloy siya ng pagkakataon na matingnan si Nico na kahit medyo malayo siya ay kitang kita niya ang gwapong mukha ni Nico, abala si Nico sa paglilinis kaya hindi alam ni Nico na tinitingnan siya ni Yna..humanga na naman si Yna kay Nico, sa kasipagan at kabaitan ng binata, sa isip ni Yna tiyak na responsableng anak si Nico, at tiyak daw na magiging responsableng ama kapag nagkaroon na ito ng mga sariling anak, dahil sa nakikita ni Yna na mapagmahal sa mga bata si Nico.,at hanggang sa biglang nagkubli si Yna sa gilid, dahil napadako ang tingin ni Nico sa gawi ng bintana, kaya dali dali siyang kumubli, at ng makakubli siya ay nagtungo na lang siya sa kama at dahil sa mapresko doon sa kwarto na iyon ay nakaramdam siya ng Antok, dahil sa pagod na din sa mahabang lakaran ay nakaramdam ng antok si Yna..kaya nahiga siya sa isang kama,dahil gusto niyang iunat ang kanyang likuran, dahil buong katawan niya ay masakit, lalo na ang binti at paa niya..at sa pagkakahiga niya ay di nga nagtagal ay nakatulog siya, at lumipas ang kulang dalawang oras ay natapos na sina Nico sa paglilinis ng bakuran..nagpahinga muna si Nico ng mga sandaling oras at naisip niya si Yna kung nasan na daw kaya. Bakit hindi pa daw niya nakikita ito, hindi daw ba kaya bumaba, ang pagkakaalam niya ay naligo ito, at hindi daw maganda ay baka daw kaya umalis ito at tinakasan siya ah..kung bakit daw ba kasi nalibang siya sa paglilinis, at dahil sa isiping umalis ang dalaga at nilayasan siya ay dali dali siyang pumanhik sa taas..at agad niyang pinihit ang seradura ng pinto ng kwartong tutulugan nila, at nakahinga siya ng maluwag dahil naroon daw pala ang dalaga n a nakahiga sa kama at payapang natutulog..napanatag ang kalooban niya..at hanggang sa nilapitan niya si Yna at nagkaroon din siya ng pagkakataon na titigan ang maganda at maamong mukha ng dalaga, at napadako ang mga tingin ni nico sa labi ng dalaga,..pinagsawa niyang tingnan ang mapupulang labi ni Yna, na animoy naka-lipstick kahit wala, na sa di inaasahan ay nadampian na ng mga labi niya ang labi na iyon,at magpahanggang ngayon ay pilit pa din niyang inaalala ang mga sandaling magkalapat ang kanilang mga labi, naisip tuloy ni Nico na ano daw ba kaya ang pakiramdam kung totoo ang mga halik na iyon, yong tipo na tumutugon din ang mga labi na kanyang hinalikan..ah sa pag-iisip niya ay kinagalitan niya ang sarili, bakit daw ba kung ano ano ang iniisip niya, pahamak daw talaga ang kanyang puso at isip..lalong nagsusumiksik sa isip niya ang mga sandaling hinalikan niya ang dalaga, at hanggang sa medyo gumalaw si Yna kaya dali daling lumayo si Nico, pero hindi pa nagising si Yna tuloy pa din sa pagtulog ito..kumuha na lang siya ng damit dahil maliligo na lang siya, at ng makatapos maligo ay kinuha niya ang mga damit nila ni Yna na marurumi at nilabhan niya, at ng makatapos maglaba at naisampay na niya, umakyat uli siya sa kwarto upang tingnan si Yna kung gising na, ngunit si Yna naman ay tulog pa din sa mga oras na iyon..bumaba uli si Nico dahil narinig niya ang boses ni Mother Fely na dumating na..at si Manang Veron ay nagpa-alam ng uuwi..
.
Veron : Oh Nico maiwan ko muna kayo..ikaw muna bahala sa mga bata, samahan mo muna si Mother Fely ah..
Nico : opo manang Veron..
Mother Fely : kelan ang balik mo Veron?
Veron : siguro po sa isang araw na ako babalik..
Mother Fely : ganun ba, o sige mag-iingat ka sa pag-uwi mo..
Veron : salamat po Mother Fely..
.
At naka-alis na si Manang Veron, napatingin si Mother Fely sa orasan ay nakita niya na kailangan ng mag-gayak ng iluluto para sa hapunan.
.
Mother Fely : ay naku, hapon na pala, kailangang mag-gayak na ng iluluto..
Nico : ah ako na po ang mag-gagayak mother Fely.
Mother Fely : talaga ba iho..sige nga at may aayusin lang akong mga papeles..siya nga pala nasan si Yna?
Nico : ah nasa taas po, nakatulog, siguro po sa sobrang pagod.
Mother Fely : ganun ba, sigurado ka ba na ikaw na ang bahala?
Nico : opo mother..hindi na po kayo nasanay sakin, alama nio naman po ako masarap akong magluto.
Mother Fely : oo naman iho, namimis ko na nga ang luto mo..sige bahala ka na sa kusina.
.
At nagpunta na nga sa kusina si Nico upang magluto ng hapunan..binuksan ni Nico ang ref at naghanap ng pwede niyang iluto.. at samantalang si Yna naman ay hindi pa din gising, sobrang napasarap ang tulog niya..dahil sa sobrang presko sa kwartong tinutulugan niya, malaki ang bintana kaya malaya ang ihip ng hangin na makapasok sa loob ng kwarto na tumatama kay Yna, kaya napasarap ang tulog niya..at hanggang sa malapit ng matapos magluto si Nico, at si Yna naman ay nagmulat na ng mata, pero hindi pa siya bumangon dahil antok na antok pa yong pakiramdam niya, mabigat pa ang talukap ng mga mata, kaya ipinikit pa niyang muli, at hanggang sa nakatulog siya uli..lumipas ang mga minuto, nag-aagaw ang dilim at liwanag na, at nakatapos na ding magluto si Nico.
.
Mother Fely : iho, mukhang masarap yang ulam na niluto mo ah, nagugutom na tuloy ako.
Nico : ah masarap po talaga Mother Fely..ginisang upo, at nagprito ako ng isdang galunggong!
Mother Fely : ah masarap nga yun,.sige at sasabihin ko na sa mga bata na maglinis na sila ng katawan at kakain na tayo..
Nico : sige po mother Fely at maghahain na po ako..
Mother Fely : si Yna ba, nakatulog pa ba?
Nico : siguro po..hindi pa po kasi siya bumababa eh..
Mother Fely : gisingin mo na din, para sabay sabay tayong kumain..
Nico : opo, pagkatapos ko pong iset ang table.
.
At naghain na nga si Nico..nang makapaghain ay pumanhik na siya sa itaas upang gisingin si Yna..at nang makarating na siya sa kwarto ay nakita nga niya si Yna na nakatulog pa ito..nilapitan niya si Yna at muli pa niyang pinagsawang tingnan ang magandang mukha ng dalaga, at dahan dahan pa niyang hinawi ang buhok na nakatabing sa mukha ng dalaga, at hindi niya napigilan na hawakan ang pisngi ng dalaga, pero hindi man lang nagising si Yna, naupo si Nico sa tabi ni yna, nagdadalawang isip pa nga si Nico kung gigisingin ba niya ito, o hahayaan na lang muna niyang matulog ito..pero napagpasyahan pa din niya na gisingin ito dahil sobrang tagal naman na ng tulog nito, tiyak na wala ng itutulog si Yna pag-dating ng gabi.
.
Nico : Yna gising na!!
.
Pero hindi panagising si Yna, kaya minsan pa niyang ginising ito.
.
Nico : ( kinakalabit ng bahagya ang pisngi)..yna gising na!!
.
At sa wakas ay unti unti ng nagigising si yna, at hanggang sa unti unti na niyang iminumulat ang mga mata.
.
Nico : gising na aking Prinsesa..(nakangiti niyang sabi)
.
Pero mabigat pa din ang mga mata ni Yna, at muling nagsalita si Nico, para gisingin ang diwa ni Yna.
.
Nico : Gumising na po kayo aking prinsesa, malapit na pong gumabi!(hinahawi ang buhok ni Yna na nakatabing sa mukha)
.
At hanggang sa tuluyan na ngang nagising ang diwa ni Yna, at hanggang sa napabalikwas siya ng bangon dahil narinig niyang sinabi ni Nico na malapit ng gumabi, at ang isa pa ay nailang siya dahil nasa malapit lang sa kanya si Nico, at inaayos ang buhok niya na nakatabing sa mukha niya.
.
Yna : gabi na?
Nico : opo, at kakain na tayo..
Yna : napasarap ang tulog ko..
Nico : oo nga, wala ka ng itutulog mamaya niyan.
Yna : oo nga eh..ang presko kasi dito, sarap matulog..
Nico : at saka napagod ka kasi kaya napasarap ang tulog mo, masakit pa ba yong binti mo?
.
At hinilot muli ni Nico ang mga binti ni Yna, nagulat na naman si Yna ng hawakan ni Nico ang binti niya pero hindi na siya nakakibo dhil sa pagkabigla, nakaramdam na naman siya ng kuryente na dumadaloy sa kalamnan niya..pero ng makabawi siya sa pagkabigla ay nagsinungaling na lang siya na okay na siya kahit hindi..
.
Yna : ay huwag mo ng hilutin okay na, hindi na masakit..
Nico : sure ka ba?
Yna : oo..tayo na sa baba, akala ko ba kakain na.
Nico : ah oo nga. Sige tayo na..
.
Bago bumaba sila Nico at Yna ay kinuha muna ni Yna ang towel na isinampay niya sa malapit sa bintana, at pati ang sipilyo at Toothpaste at facial wash niya din..at ng makababa sila ay nagtuloy muna siya ng banyo, dahil nag-hilamos muna siya at nag-sipilyo..si Nico naman ay nagtuloy na sa kusina…at kasalukuyan ng naghihilamis si Yna, ng makatapos maghilamos ay agad ng nagsipilyo, at ng makatapos magsipilyo ay laking gulat niya ng mapansin niyang mali ang nakuha niyang sipilyo, hindi iyon ang sipilyo niyang ginagamit.
.
Yna : oh my God! Ang tanga ko naman..ang tanga tanga ko.
.
At nagulat siya ng biglang nagsalit si Nico sa labas ng banyo, di pa man din niya sinara ang banyo.
.
Yna : ay kabayo!!(itinago ang sipilyo sa kanyang likuran..)
Nico : anong problema?
Yna : ah eh w-wala!!
.
Nag-aalala si Yna na baka makita ni Nico na hawak niya ang sipilyo nito..at isa pa ayaw niyang malaman na nagamit niya ito ng di sinasadya.
.
Nico : akala ko kung ano na..
Yna : wala, sige aakyat na muna ako, iaakyat ko lang itong tuwalya.
Nico : ako na ang mag-aakyat niyang mga yan, (sabay kuha sa tuwalya at facial wash niyang hawak..
.
Yna : ay, hindi huwag!! Ako na lang, tuloy magsusuklay ako..
Nico : okay sige, hintayin kita sa may kusina..
Ÿna : sige iakyat ko muna ito.
.
At nagmadaling umakyat si Yna sa taas, ng makarating na siya sa kwarto ay agad niyang itinaktak ang sipilyo ni Nico, para daw matanggal ang basa, at pinunasan pa niya ng tuwalya ang sipilyo at ng masiguro na niyang hindi na ito basa, ay inilagay na niya sa lalagyan, kung bakit daw ba kasi magkasama ang sipilyo nilang dalawa, ayun daw tuloy nagamit na niya ang sipilyo ng binata..at noon lang niya napansin na wala ang maruming damit niya, hinanap niya roon sa pinaglagyan niya ang damit na marumin at hinanap niya buong kwarto ang damit pero wala hindi niya nakita..tandang tanda daw niya na doon niya lang inilagay iyon na katabi ng pinaglagyan niya ng mga gamit niya sa katawan at mukha..pero wala naman daw doon, kaya sabi niya ay itatanong na lang niya iyon kay nico kapag baba niya, kung napansin daw ito ni Nico..at ng makapagsuklay na si Yna ng buhok ay bumaba na din siya agad..at ng makarating siya sa Kusina ay naroon na ang lahat na nakadulog na sa hapag-kainan..
.
Mother Fely : Yna, halika na kumain..
Yna : opo mother Fely..
Nico : halika, dito ka na sa tabi ko..(aya ni Nico)
.
At lumapit naman si Yna kay nico. At tumabi siya sa binata..at ng makaupo na si Yna ay nagdasal na sila..nahiya naman si Yna dahil hinintay pala siya ng mga ito..hindi pa sila nagsimulang kumain hanggat wala siya..at hanggang sa nakatapis ng magdasal, at nagsimula na nga silang kumain..gusto na sanang itanong ni Yna kay Nico ang mga damit niya ngunit nahihiya siyang magsalita dahil, walang nagsasalita doon, ang lahat ay nakatahimik, kaya mamaya na lang daw niya itatanong kay Nico..at samantala naman na ang dalawang lalake ng makontak nila ang amo ay nasabi na sa amo nila na hindi na nila nasundan ang babae na si Yna nga,..galit na galit ang amo ng dalawang lalake.
.
Sa celpone…

Noel(amo) : mga gonggong, bakit anong nangyari at hindi niyo nasundan.(galit na sabi)
Tauhan 1 : eh boss, ang akala namin naroon pa sa bahay na tinutuluyan nila eh..
Noel : Anong sila? May kasama ba si Yna?
Tauhan : boss meron, boyfriend niya yata eh..
Noel : ganun ba..ibig sabihin kasama si Poli?
Tauhan : naku boss hindi naman si sir poli yong kazama eh..
Noel : ha!! Sino yong kasama? Kung hindi si poli ang kasama eh sino?
Tauhan : hindi namin alam boss.
Noel : ayan na nga ba ang sinasabi ko eh…sige sige, huwag kayong magpapakita sakin hanggat hindi niyo naidadala sakin ang anak ni Ferdinan..at hanggang sa tinapos na ni Noel ang pag-uusap nila ng tauhan niya.
.
Itutuloy
.
Maraming salamat po sa patuloy na pagsubaybay sa kwento nila Nico and Yna.


Leave a Reply

Your email address will not be published.