2

Aking Prinsesa Chapter 29 (Final Chapter)


Report

Maraming salamat po Admin sa pag approve bawat chapters ng aking kwento..Keep safe and Godbless ♥️🥰
.
❣️Aking Prinsesa❣️
.
Chapter 29 (Final Chapter)
.
Naging masayahin na si Ferdie sa pakiramdam niya ay parang ang lakas lakas niya na parang bumalik siya sa kabataan nya, dahil iyon sa pagmamahalan nila ni Meding, at samantala naman sumapit na din ang araw ng kasal ng mga magulang ni Nico, halos naiiyak sa kaligayahan sina Leo at conching, ganun din ang lolo ni Nico, na kitang kita sa mukha ang saya ng matanda. At hanggang sa paglipas ng mga araw at buwan, ang pinakahihintay nila Nico at Yna ay sumapit na, dumating na ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib, Madaming dumalo sa kasal niLa Yna at Nico, naroon sina manang Veron at Mother Fely, inimbitahan din nila sina ka Imong at pamilya nito pati din si ka selso at ang iba pa, nilang katribo, tuwang tuwa maman sina Yna ng makita nila ang mga pinagkakautangan nila ng loob ni Nico, masayang masaya si Nico dahil ang pangarap niya na maiharap sa dambana ang pinakamamahal niyang si Yna, ang kanyang Prinsesa na kanyang pinangarap ay magaganap na, sobrang excited ang dalawang nagmamahalan, nanginginig ang tuhod ni Nico habang lumalakad siya papunta sa harapan na kung saan ay doon niya hihintayin ang pinakamamahal na babae, sobrang saya ng puso niya dahil ilang sandali na lang ay magiging opisyal na silang mag-asawa ni Yna, kasama niyang nagmamartsa ang mga magulang niya, at nakarating na sila sa harapan, at hinihintay niyang dumating ang minamahal niyang si Yna, halos hindi maalis ang mga ngiti sa kanyang mga labi, at si Yna naman ay sobrang saya rin nang mga sandaling iyon, excited na din siyang makapasok sa loob ng simbahan na kung saan ay naroon na ang minamahal niyang si Nico, na naghihintay sa kanyang pagpasok at hanggang sa isinara na ang pinto ng simbahan ng makapasok na ang kanyang papa at ang kanyang mama Meding, doble ang sayang nadarama ni Yna dahil masaya siya para sa papa niya at sa mama Meding niya, dahil panatag na ang kalooban niya dahil may makakasama at may magpapasaya na sa kanyang papa..kaya talagang para siyang lumulutang sa alapaap sa sayang nadarama..at hanggang sa pinababa na siya sa bridal car at dahil papasok na siya sa loob ng simbahan..si Nico naman ay halos kumakabog ang dibdib niya dahil sa nakita niya na bumubukas na ang malaking pinto at hanggang sa tuluyan na itong nagliwanag at kasabay noon ay nakita na niya ang babaeng kanyang magiging kabiyak na nakasuot ng damit na napakaganda, nanlalamig ang kanyang mga kamay dahil sa ilang segundo na lang ay mahahawakan na niya ang mga kamay nito..at hanggang sa nakarating na si Yna sa kanyang mga magulang, at inaakay na siya papunta kay Nico, at si Yna ay nagbabadya na ang luha sa kanyang mga mata habang papalapit siya sa napaka-gwapong si Nico, at ganun din si Nico, habang papalapit si Yna sa kanya ay nag-iinit na ang mga mata niya, at hanggang sa iniabot na sa kanya ni Ferdie ang mga kamay ni Yna at naiiyak na talaga siya dahil sa tagal ng panahon na pinangarap niya, ay eto na siya ngayon, at hawak na niya ang mga kamay ng babae na pinangarap niyang maging kabiyak, laglag na ang mga luha ni Nico hindi niya napigilan ang luha sa sobrang saya, at nahawa na din sa kanya si Yna sa pag-iyak, at ganun na din sina Ferdie at Meding, at pati na ang mga magulang ni Nico, dahil pare-parehas sila na saksi sa mga kalungkutan na pinagdaanan ng kanilang mga anak..at hanggang sa nasa harap na sila ng Altar at sinisimulan na ang seremonya ng kasal. At hanggang sa nagsusumpaan na sila, at sinusuot na nila ang mga singsing na simbolo na sila ay pinagbibigkis bilang mag-asawa, at hanggang sa sinabi na ng pari na maari na niyang halikan ang kanyang kabiyak..at hiyawan at nagpapalakpakan ang mga tao sa kilig habang hinahalikan niya ang kanyang kabiyak..at hanggang sa natapos na nga seremonya ng kasal..at hanggang sa nagpunta na sila sa reception, at lumipas ang mga oras ay mga nag-alisan na ang mga bisita..at hanggang sa may ibinigay na susi si conrad sa kanila.
.
Conrad : tanggapin nio itong susi..pagpasensiyahan nio na at yan lang ang nakayanan ko..
Nico : lolo, ano po itong susi na ito?
Conrad : susi ng bahay ninyo.
Nico : susi ng bahay lo?
Conrad : oo.
Ferdie : alam kung meron na kayo nito, pero gusto ko pa din na bigyan kayo nito.
Yna : susi din po?
Ferdie : oo susi.
Nico&Yna : susi ng sasakyan!! (Sabayan nilang sabi)
Ferdie : oo hala sige, ayun na ang regalo ko sa inyo..sumakay na kayo, naghihintay si Temyong…si temyong ang maghahatid sa inyo papunta sa inyong pugad.
Nico : salamat po papa, napakaganda ng regalo ninyo.
Yna : salamat po lolo sa bahay na ibinigay mo sa amin.
Conrad : walang anuman apo..sige puntahan nio na ang inyong bahay.
Leo : mga anak ang masasabi ko lang sa inyo, sana lagi kayong magmamahalan ah, iintindihin nio ang isat isa.
Conching : at mga anak, ayos lang kung mag-aaway kayo, pero hindi maghihiwalay ah.
Meding : at kung merong hindi pagkakaunawaan, pilitin itong maayos, huwag kayong matutulog hanggat hindi nio naayos ang hindi pagkakaunawaan, at pagpalain kayo ng Panginoong Diyos, naway, gabayan kayo sa inyong pagsasama..sige mga anak, lumakad na kayo at ng makapag-pahinga na kayo sa inyong bahay.
Ferdie : mga anak gusto namin ng maraming apo.
Leo : oo anak, tamang tama ang bahay ninyo sa madaming anak,.
Yna : tatay, hayaan nio po, bibigyan namin kayo ni Nico ng madaming apo..
Nico : eh ano pang ginagawa natin mahal, halika na umuwi sa bahay natin, para makapag-upisa na tayo..
.
Masaya silang nagtatawanan sa mga kulitan nila, at hanggang sa nag punta na nga sina Nico at Yna sa bahay na ibinigay sa kanila ng lolo conrad nila..at habang nasa biyahe sila ay nagkukulitan pa din sila.
.
Temyong : congrats sa inyong dalawa ha.
Nico&Yna : salamat po mang temyong..(sabayan nilang sabi)
.
At hanggang sa nakarating na sila sa kanilang bahay..namangha si Yna dahil napakalaki ng bahay na ibinigay sa kanila.
.
Yna : wow, mahal ang laki ng bahay na ito?
Nico : ang ganda ano mahal?
Yna : oo mahal ang ganda!!
Nico : pumasok na tayo mahal sa ating bahay.
Yna : sige mahal.
.
At bumukas na ang pinto.
.
Esang : congrats ate yna kuya kulas.
.
Nico&yna : esang..
Gino : ate Yna, kuya kulas!!
Nico : uy, Gino..
Yna : nandito ka din Gino..
Gino : opo ate..
Esang : pag-kagaling po namin sa simbahan, dito na po kami tumuloy, kasama po nila..at tinuro ang iba nilang kasambahay sa bahay nila yna..
.
Kasambahay : hello po mam Yna, at sir Nico, sabi po ni ma’am meding kami po muna ang makakasama ninyo dito.
Yna : ganun ba, salamat sa inyo ha,, kumain na ba kayo?
Kasambahay : opo, maghahapunan pa po ba kayo mam yna sir Nico.
Nico : busog pa ako ikaw sweetheart, baka gusto mo pang kumain.
.
Kinilig naman si Yna nang tawagin siyang sweetheart, at dahil dun ay naalala niya nong mga panahon na kasama niya ito sa ilog nang tawagin niyang sweetheart si Nico nung may mga taong mukhang tulisan.
.
Yna : ako din, busog pa ako, hindi na kami maghahapunan..o kayo mga bata kumain na kayo?
Esang : opo..
Gino : ako po sasabay ako kay tatay temyong, hinihintay po ako nila mommy at daddy sa bahay ni tito ferdie,.
Temyong : halika na Gino,pumunta na tayo, at baka, kanina ka pa hihihintay ng mommy mo..
Gino : opo, ate Yna, kuya Kulas, pupunta na po kami..
Esang : ako din po ate Yna, pupunta na din po ako.
Yna : hindi ka ba dito matutulog?
Esang : naku ate, may lakad po kasi kami ng mga kaklase ko bukas ng umaga..saka na lang po ako matutulog dito, at ipagtatanim ko po kayo ng mga magagandang halaman sa labas ng bahay nio..
Yna : ay gusto ko yan, promise mo yan ha esang..
Esang : opo ate, sige po ate, kuya tuloy na po kami.
.
At umalis na nga sina temyong at ang dalawa sina esang at gino.
.
Kasambahay : ah, mam, yna may ipag-uutos pa po ba kayo..
Yna : wala na, sige pagpahinga na rin kayo, siguro napagod din kayong mag-ayos ng mga gamit dito..
Kasambahay : naku mam, sinabi nio pa po..sige po mam salamat po..
Yna : salamat din sa inyo, sige pahinga na kayo.
.
At umalis na nga ang mga kasamabahay nila, at nagpunta na ng quarters nila.
.
Nico : mahal solo na natin ngayon?
Yna : wow, mahal ang laki ng bahay natin ano.
Nico : oo nga mahal, malaki ang bahay natin, natatandaan mo ba yong sinabi ni tatay kailangang damihan natin ang mga anak natin, punuin natin itong bahay natin ng mga anak..
Yna : uy, grabe ka ha..okay lang yun kung ikaw ang manganganak ano!!
Nico : joke ko lang naman yun mahal, syempre ayoko naman na mahirapan ka..
Yna : talaga ba mahal, di mo ako pahihirapan?
Nico : oo naman mahal..
Yna : sige mahal, umakyat na tayo.
Nico : ay gusto ko yan mahal, halika na bilis..(sabay akay kay yna)
Yna : sandali lang mahal.
Nico : bakit mahal?
Yna : diba dapat, bubuhatin mo ako?
Nico : ay oo nga mahal, sige bubuhatin kita.
Yna ; ayan, sige mahal, excited na ako..
Nico : ako din mahal hindi na ako makapaghintay..
.
At buhat na nga ni Nico si Yna paakyat sa itaas, ngunit may problem sila hindi nila alam kung saan sila papasok na pinto, hindi pa nila alam kung saan ang masters bedroom..at ng makarating sila sa pinakamataas na baitang ay natuwa pa silang dalawa dahil sa may mga petals ng bulaklak ang nakasabog sa sahig.
.
Yna : wow mahal, may mga petals pa.
.
Tinuntun ni Nico ang petals hanggang sa makarating sila sa may hangganan na nakasabog na petals at binuksan ni Yna ang pintuan, at pagbukas ng pinto ay namangha sila sa nakita, iyon ang kanilang kwarto, at madaming mga sariwang mga bulaklak, at pati sa kama ay may mga petals na nakapahugis puso, napakaromantic ng dating..
.
Nico : wow naman, ang galing naman ng gimik nila lolo.
Yna : sino kaya ang may idea nito, ang sweet!!
.
Maingat na ibinaba ni...


Nico sa kama si Yna..at may nakita si Yna na isang card, binuklat niya ito, at duon nila napag-alaman na ang tatay Leo at nanay Conching nila ang may idea.
,
Nico : sweetheart are you ready?
Yna : ha?
.
Kinikilig naman si Yna sa sinabi ni Nico, alam na niya kung ano ang ibig sabihin ng kanyang asawa.
.
Yna : ready na ko sweetheart..
Nico : kung ganun, umpisahan na natin ang laban!!
.
Sabay sampa sa kama.
.
Yna : ayy., timeout muna!.
Nico : ha, bakit?
Yna : madami pang sagabal, pwede bang tulungan mo muna akong matanggal ang gown ko..at ang sandals ko, pati ang stocking ko.
.
Napakamot na lang sa ulo si Nico, at natatawa na lang si Yna.
.
Nico : ano ba yan sweetheart madami ngang sagabal.
.
At tinulungan na nga ni Nico na maialis ang gown ni Yna. At ng tuluyan nang matanggal ang mga sagabal ay..
.
Nico : o ayan wala ng sagabal..pwede na..
Yna : oo nga, sige pwede na!
Nico : yesss!!
.
At uumpisahan na nga sana ni Nico ng—
.
Yna : ay wait lang sweetheart, hindi pa pala ready!!
Nico : sweetheart naman?
Yna : baka pwedeng maligo muna ako..
Nico : ganun ba,..s-sige..pero sa isang kondisyon..
Yna : ano yun?
Nico : sabay tayong maligo..
Yna : ha, eh di sige!!
Nico : halika na tayo na sa bathroom..(natutuwa niyang sabi)
.
Sabay na naligo si Yna at Nico, naghaharutan sila habang naliligo, at ang kulitan nila, ay napalitan ng paglalambingan, at ang paglalambingan nila ay nauwi sa nag-aapoy na damdamin ng dalawang nagmamahalan.
.
Nico : Mahal na mahal kita aking Prinsesa!
Yna : mahal na mahal din kita aking prinsipe.
.
At hinalikan ni Nico ang asawa, ipinadama niya sa asawa ang pinakamatamis niyang mga halik, na tumutupok naman sa pagkatao ni Yna, nag-uumapoy ang mga damdamin nila na hindi matupok ng tubig sa dutsa ng shower na bumubuhos sa kanila..dinadama ni Yna ang bawat dampi ng halik ni Nico sa katawan niya, si Nico naman ay ipinagkakaloob sa asawa ang buong pagsuyo niyang pagmamahal, at hanggang sa binuhat ni Nico si Yna at lumabas sila ng banyo, ipinunta ni Nico sa kama, buong ingat niyang inilapag ang asawa..at hanggang sa inangkin na niya ang kanyang minamahal na asawa, ang kanyang prinsesa na ngayon ay Reyna na ng buhay niya.
.
Nico : i love you..
Yna : i love you too!!
.
At luhaan silang parehas dahil sa kaligayahang nadarama, sa wakas sila ay lagi ng magkakasama, matutulog na magkatabi, at paggising nila ay mamumulatan na nila ang isat isa…at lumipas ang magdamag ay nagising si Nico na magandang mukha ng asawa ang namulatan..tila Anghel sa paningin niya ang pinakamamahal..ang amo ng mga mukha na may matangos na ilong at may mapupulang mga labi…pinagmamasdan niya ang tulog na tulog na asawa, dinampian niya ng marahang halik sa noo, at saka siya bumangon at nagtungo sa banyo upang mag-shower…at ng matapos ay bumaba siya sa kusina..at siya mismo ang naghanda ng kanilang almusal, at ng makaluto ay, naghanda na siya ng almusal dahil magbe-breakfast in bed sila ni Yna..at ng maiakyat na niya ang pagkain nila, nakita niyang naktulog pa si Yna, tumabi siya ulit sa paghiga sa asawa, at si Yna ay unti unti na din na nagmumulat ng mata.
,
Nico : good morning sweetheart!
Yna : good morning..gising ka na pala.
Nico : oo.nakaluto na nga ako ng breakfast natin..
.
Napansin ni Yna na bagong paligo na ang asawa, naaamoy niya ang mabangong sabon at shampoo na ginamit nito..At si Nico ay hinalikan niya sa mga labi ang asawa.
.
Yna : mahal bad breath pa ako.
Nico : hindi naman ah..ang bango mo nga eh..
Yna : babangon na ako.
Nico : sige sweetheart para makapag-breakfast na tayo, hanggat mainit pa ang pagkain..
Yna : okay mahal.
.
Bumangon na si Yna at pupunta siya sa banyo, at hindi pa siya nakakarating sa banyo ay nakaramdam siya ng medyo pagkahilo, pero hindi niya pinansin iyon, nakapasok na siya sa banyo, at nagsisipilyo na siya, at ng matapos magsipilyo ay naghilamos na lang siya, mukhang hindi maganda ang pakiramdam niya, palabas na siya ng banyo ng makaramdam ulit siya ng pagkahilo..at parang mabubuwal na siya, kumapit lang siya sa may pinto at tinawag na niya ang si Nico at nagpatulong.
.
Yna : Nico, sweetheart tulungan mo ako, nahihilo ako.
.
Agad naman na pinuntahan ni Nico ang asawa..at sobrang nag-alala si Nico sa asawa..binuhat niya ito papunta sa kama.
.
Nico : naku sweetheart magpa-check-up ka sa doktor sasamahan kita mamaya baka kung ano na yan.
Yna : huwag na mahal, baka sa sobrang pagod lang ito..at sa puyat, ikaw kasi pinuyat mo ako kagabi.
.
Napakamot sa ulo si Nico.
.
Nico : mabuti pa kumain na tayo, baka nagugutom ka lang..
Yna : baka nga, nagugutom na nga ako..sige kumain na tayo..
.
At inilapit na nga ni Nico ang pagkain kay Yna..
.
.
Yna : wow mukhang masarap yan sweetheart ah.
Nico : syempre naman mahal, ako ang nagluto niyan eh.
.
At ipinaglagay ni Nico ng pagkain sa plato si Yna, at ng titigan ni Yna ang pagkain na inihain ni Nico ay parang hinalukay ang kanyang sikmura, at hanggang sa parang naduduwal na siya.
,
Yna : sweetheart, parang nasusuka ako, ilayo mo sakin yan, parang ang baho, bilis ilayo mo sakin at nasusuka ako..Mabilis na tumayo si Yna at nagpunta siya sa banyo at nagsusuka siya..natakot si Nico para kay Yna..ano na daw ba kaya ang nangyayari sa asawa niya. Kaya tinawagan niya ang mama Meding nila..at agad naman ng pinuntahan ni Meding si Yna.
.
Nico : mama, buti po dumating kayo.
Meding : nasaan ang asawa mo?
Nico : nasa kwarto po siya..tayo po sa taas.
.
At umakyat na nga sila sa taas.
.
Meding : Yna, anak ano ba ang nangyari sayo?
.
at sinabi nga ni Yna ang nararamdaman.
.
Meding : anak, baka naman buntis ka na..magpachekc-up ka kaya para makasiguro kayo..
.
Bumilis ang tibok ng puso ni Nico sa isiping magkakaanak na sila ni Yna, nagbunga na ang kanilang pagmamahalan..at masaya din si Yna sa isiping nakabuo na sila ni Nico..at nagpacheck-up nga si Yna kasama niya si Nico..at hanggang sa nalaman na nila ang resulta..at ganun na lang ang tuwa nila ng malaman ang resulta, buntis nga si Yna, nahalikan ni Nico sa tuwa ang asawa..at hanggang sa nagbabayad na sila sa counter sa pagpapa-kunsulta ni Yna, at sa pagbuklat ni Nico ng wallet niya ay nakita ni Yna ang isang pamilyar na larawan..at hanggang sa naka-uwi na sila sa kanilang bahay..at dumiretso na agad si Yna sa kwarto nila, dahil hindi niya gusto yong naaamoy niyang niluluto ng mama meding niya, nababahuan siya na parang nasusuka sa amoy.
.
Nico : sweetheart ano ang gusto mong kainin?
Yna : wala,.
Nico : kumusta ang pakiramdam mo?
Yna : medyo okay naman, ah sweetheart siya nga pala kanina nong binuklat mo yong wallet mo may nakita akong picture parang pamilyar kasi sa akin yun eh..
Nico : ah, yun ba.
.
At kinuha ni nico ang wallet niya..at ibinigay niya ito sa asawa.
.
Nico : sweethert oh ikaw na ang magbuklat ng wallet ko.
.
At kinuha nga ni Yna ang wallet, at ng pagtingin niya sa wallet ay ganun na lang ang gulat niya ng makita niyang picture niya iyon.
.
Yna : sweetheart bakit meron kang picture ko nong bata ako..
Nico : sweetheart pasensiya ka na, noong pinaglinis kasi ako ng kotse ni tatay noon..kinuha ko iyan sa kotse nio, na minamaneho ni Tatay, yaan yong lagi kong tinitingnan kapag gusto kitang makita..kasi nga crush na kita noon pa ..noon pa lang pinangarap na kita..
Yna : oh ang sweet, sobra mo akong pinaligaya, mahal na mahal kita..(sabay yakap kay Nico)
Nico : napakaligaya ko din ngayon, dahil natupad ko na ang mga pangarap ko..at eto ngayon magkaka-anak na tayo bubuo tayo ng masayang pamilya na kailanman ay di maghihiwalay, at laging magmamahalan..
Yna : oo sweetheart..mamahalin kita ng buong puso’t kaluluwa, mahal na mahal kita..
Nico : mahal na mahal din kita Aking Prinsesa..(at hinalikan ang asawa)
.
At lumipas ang mga buwan ay isinilang na ni Yna ang panganay na anak nila ni Nico..masaya ang mga lolo at mga lola dahil nakita na nila ang unang apo nila..ang lahat ay nagkakasundo parang bola ang bata na pinagpapasapasahan ang kanilang apo.
.
Nico : sweetheart dapat yata dagdagan natin ang apo nila..
Yna : alam mo sweetheart tama ka, dagdagan na nga natin para may kasama din tayong mga bata dito sa bahay, hindi na napipirmi satin yong anak natin, sinarili na nila.
Nico : oo nga sweetheart, gawa na tayo ulit.
Yna : sige sweetheart
.
At hanggang sa nabuntis nga muli si Yna, na ikinatuwa muli ng mga lolo at mga lola…at doble ang tuwa ng mga ng malamang kambal ang dinadala ni Yna..at hanggang sa naisilang na nga ni Yna ang mga kambal…maliga
yang maligaya sina Nico at Yna..dahil meron na silang tatlong anak.
.
Nico : sweetheartbmasaya ka ba?
Yna : oo,naman sweetheart, bakit mukha ba akong hindi masaya.
Nico : hindi naman, salamat nga pala ah, dahil binigyan mo ng kulay ang aking mundo, masaya ako dahil ikaw ang ibinigay ni God sakin, napakabuting asawa at napakabuting ina..wala na akong mahihiling pa sa Panginoon, kundi ang makasama ka habang akoy nabubuhay..
Yna : ako din sweetheart, yun ang lagi kong dinadasal na sana hanggang sa tayo ay nabubuhay ay magkasama parin..at kahit na maputi at mga kulubot na ang mga balat natin, sana ay magkasama pa din tayo at nagmamahalan.
.
Naging malaki nga ang pamilya ni Nico at Yna, ang tatlong anak nila ay nadagdagan pa ng dalawa, at ngayon ay mga dalaga at binata na ang kanilang mga anak, ang lahat ng mga anak nila ay pinalaki nila sa pagmamahal kaya ang magkakapatid ay puno ng pagmamahalan ang bawat isa, ang lahat ay magkakasundo dahil nahubog nila sa magandang pagpapalaki, tinuruan ng mga magagandang asal, at higit sa lahat ay may takot sa Diyos..
.
WAKAS…♥️♥️♥️
Maraming salamat po sa mga hindi bumitiw sa kwento nila Nico and Yna, salamat po sa mga nagli-like and share, at sa mga masipag mag comment, sarap nio pong kakwentuhan.., salamat po sa pagbabasa at sana po nagustuhan ninyo ang aking kwento, Keep safe and Godbless us all.
I Love you guys all!!♥️♥️♥️


2 Comments

  1. ilang beses akong umiyak sa kwento na to can i have season 2hehehe sobrang ganda po kasi plssss🙏🙏😅🥰

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.