3

Aking Prinsesa Chapter 25

Report

Aking Prinsesa❣️
Chapter 25
Lumipas ang halos isang oras na biyahe ay talagang masama na ang panahon at tila parang babagsak na ang ulan sa kaulapan..malayo pa ang kanilang babagtasin upang makauwi sa bahay nila Yna..at hanggang sa unti-unti na ngang pumatak ang ulan.
Nico : Naku dapat pala sa mga Pulis na kita pinagsabay kanina..aabutan pala tayo ng ulan.
Yna : ayos lang yan, ayoko din naman magpahatid sa kanila, kasi gusto ko ikaw ang kasama ko..gusto ko ikaw ang maghatid sakin.
Nico : talaga ba mahal ko?
Yna : oo naman, at saka hindi din ako mapapalagay kapag hindi kita kasama.
Nico : salamat mahal ko, kung alam mo lang kung gaano ako kasaya ngayon sa mga sinabi mo..ako din gustong gusto kong makasama ka..parang ayaw ko na nga na malayo ka sakin.
at hindi na nga nagtagal ay bumuhos na ang napakalakas na ulan.
Nico : kailangan muna nating sumilong, delikado kung sasalubungin natin ang ulan..makikisilong tayo sa gasolinahan.
Yna : Oo sige sumilong muna tayo.
at iniliko nga ni Nico ang motor sa may gasolinahan at magpatila sila ng ulan, madami din ang mga nakisilong sa gasolinahan na mga nakamotorsiklo din..ngunit matagal na silang nakatambay sa labas ay hindi pa din tumitila ang ulan..ang ibang mga nakamotorsiklo ay nagpasya ng magpalipas ng ulan sa isang hotel na katabi lang ng gasolinahan.
Nico : mukhang hindi hihinto yong ulan.
Yna : oo nga eh.
ginaw na ginaw ang pakiramdam ni Yna dahil sa lamig ng panahon, malakas ang ulan at malakas din ang hampas ng hangin..hinubad ni Nico ang Jacket niya at isinuot kay Yna.
Nico : mabuti pa siguro kung gusto mo magpalipas na muna tayo ng gabi dito sa hotel kung gusto mo lang. kasi mukhang hindi pa hihinto ang ulan.
Yna : oo sige, nanginginig na nga ako sa ginaw eh.
at nagpasya na nga ang dalawa na magpalipas ng sama ng panahon sa hotel na katabi ng gasolinahan na.
Nico : Miss May available pa bang room.
Staff : naku sir iisang room na lang po ang available..at saka wala na pong pang VIP.. ordinary room na lang po.. medyo madami po kasing nag-check-in ngayon..
Nico : ganun ba..sige kukuhanin na namin..
Staff : okay sir.
at hanggang sa sinabi na ng hotel staff ang room number nila at binigay na ang susi ng kwarto.
at ng makarating sila sa room na nakuha nila..pagpasok nila ay my kilig na nadarama si Yna sa isiping kasama niya sa iisang kwarto muli si Nico, naalala niya tuloy yong pangyayari noong gabi na siya ay malasing, at may nangyari sa kanila noon..kinilig ang puso ni Yna dahil sa isiping matutulog sila sa iisang kama at baka hindi na naman niya uli mapipigilan ang sarili sa maaaring maganap muli sa kanila ni Nico..dhil sa mahal na mahal niya si Nico at handa uli siyang ipagkaloob ang sarili sa lalaking minamahal..nahinto ang pag-mumuni-muni niya ng magsalita si Nico.
Nico : tawagan mo muna yong papa mo sabihin mong nandito tayo..sabihin mong malakas ang ulan kaya hindi ka pa makauwi..para hindi na siya mag-alala..nklimutn nating siyang tawagan..
Yna : oo nga pala..phiram ng phone mo.
at kinuha ni Nico ang phone sa bulsa nya..at dinaial ni Yna ang phone number ng ama..nakita ni Yna na nakarehistro na pala ang number ng papa niya sa phone ni Nico..at nagring na nga ang phone ng papa niya hinihintay na lang niyang sumagot ang papa niya, at hindi nga nagtagal ay sumagot na ang papa niya.
Ferdie : hello Nico..si Yna kumusta siya..kasama mo na ba yong anak ko Nico..
Yna : hello papa.
Ferdie : Yna, anak ikaw na ba yan?
Yna : opo papa.
Ferdie : anak mabuti at ligtas ka na anak..sobra akong nag-alala, mabuti na lang at nandiyan si Nico.
Yna : ah papa..hindi pa kami maka-uwi ni Nico diyan..sobrang lakas po ng ulan.
Ferdie : oo anak, dito nga din malakas ng ulan..nasaan kayo ni Nico ngayon?
Yna : a-ah p-papa..nandito po kami nagpapalipas ng sama ng panahon sa hotel..
Ferdie : ganun ba anak..sige saka na tyo mag-usap kapag nakauwe ka na..pka-usap kay Nico anak.
Yna : ah opo papa…(binalingan si Nico)..Nico kakausapin ka daw ni papa.
Nico : ha.. sige..(kinuha ang phone kay Yna)..hello boss Ferdie.
Ferdie : anong boss ferdie..diba sabi ko wag mo akong tatawaging boss..ang itatawG mo sakin ay tito..O kaya pwede na ding Papa.
tuwang tuwa ang kalooban ni Nico ng sabihin sa kanya ni Ferdie na tawagin niya itong papa..nangingiti siya at napakamot ng ulo dahil nahihiya siya..napatingin siya kay Yna si Yna naman ay nagtaka kung ano daw ba kaya ang sinabi ng papa niya ky Nico at nangingiti si Nico.
Nico : sige po..ako po ay nagpapasalamat dhil tanggap nio po ako sa pamilya niyo.
Ferdie : oo naman Nico..utang ko sayo ang buhay ng aking anak.
Nico : wala po kayong utang sakin, dahil ginawa ko po yun dahil mahal na mahal ko po si Yna..si Yna po ang buhay ko..at hindi ko po kakayanin kung May mangyayari sa kanyang masama.
Ferdie : hulog ka ng langit sa buhay naming mag-ama..salamat Nico dahil dumating ka sa buhay namin..sige anak, saka na tayo mag-usap kapag nakauwi na kayo dito..Nico bahala ka na kay Yna huwag mo uli siyang pababayaan..mag-iingat kayo sa pag-uwi nio..sige anak magpahinga na kayo..
Nico : salamat po p-papa!(nahihiya niyang sabi)
halos maiyak si Nico sa kaligayan dahil sa tinawag siya ng ama ng babaeng minamahal na anak..na buong buhay niya ay pinangarap niyang mangyari..pero eto na unti unti ng natutupad ang pangarap niya noong mura pa ang puso at isip niya ng makita niya noon ng matagal na panahon na ang nakakaraan..naging inspirasyon niya si Yna ang anak ng amo ng kanyang ama na si Leo..na laging pinapangarap nong murang isipan pa ay maging kanyang Prinsesa balang araw..at ngayo’y abot kamay na niya ang kanyang prinsesa, titig na titig siya sa magandang mukha ni Yna.
Yna : Bakit n-nakatingin ka sakin, ano ba yong sinabi ni papa?
Nico : ha..secret!(nakangiti niyang sabi)
Yna : ganun..secret talaga! (nangingiti na din niyang sabi)
Nico : oo..wait lang ha order lang ako ng food.
Yna : sige.
Nico : ano nga palang gusto mong kainin..
Yna : kahit ano na lang..ikaw na ang bahala.
at umorder na nga si Nico..at si Yna naman ay naupo sa my kama at sumandal sa may headboard ng kama at itinaas ang paa..at huminga ng malalim at dinama ang pakiramdam na malaya na siya sa pagkakatali ng kanyang mga kamay at paa..tiningnan niya ang mga kamay na may bakat pa ng pamumula dahil sa gasgas ng lubid, hinihilot hilot niya..at nilapitan naman siya ni Nico, tinabihan ni Nico si Yna sa pag-upo at kinuha ni Nico ang kamay ni Yna at hinilot nito.
Nico : masakit ba?
Yna : konti na lang..medyo nangawit..
Nico : May gasgas pala ah..
Yna : oo nga eh, paano akala ko makakalag ko yong tali, kaya pinupwersa kong makalag hindi ko pala kaya.
Nico : hinding-hindi na mangyayari uli sa’yo ito..hanggang nasa tabi mo ako wala ng makakapanakit sa’yo
Yna : namiss ko to.
Nico : ang alin?
Yna : yong pag-aalaga mo.
Nico : namis ko din ito, yong inaalagaan kita. yong minamasahe kita kapag May masakit sa’yo..Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya ngayon na kasama na kita..sa halos mag-aapat na taon na hindi kita nakita halos mabaliw na ako sa kakaisip na sana ay muli tayong magkita..nang panahon na hinabol kita sa airport noon at hindi kita naabutan parang namatay ako noon dahil sa lungkot, na akala ko wala na tayong pag-asa noon, akala ko hindi ko na matutupad ang mga pangarap ko.
Yna : anong pangarap mo?
Nico : ikaw, ikaw yong pangarap ko noon, pangarap ko na mamahalin ko at mamahalin ako, sobra akong nalungkot ng umalis ka..kaya nakilala ko si Melanie..si Melanie na pinagkatiwalaan ko na akala ko ay tunay kong kaibigan, si Melanie na lagi kong idinadaing kung gaano ako nasasabik sa’yo kung gaano ako nalulungkot dahil miss na miss na kita..pero niloko ako ni Melanie, ang sabi niya sakin ulilang lubos na siya ang sabi niya sakin wala na siyang mga kamag-anak..pero hindi pala, kapatid niya pala si Poli..hinding hindi ko siya mapapatawad.
Yna : siguro kaya lang nangyari satin ito..para maging mas matatag pa tayo sa isa’t isa.
Nico : oo..at sana huwag na tayong maghihiwalay.. natatakot ako na mawala ka pa uli sa buhay ko..hindi ako natatakot sa ano mang panganib na dumating sa buhay ko..pero ang mawala ka uli ay hindi ko na kakayanin..
hindi mapigilan ni Yna na lumuha dahil sa ligayang nadarama sa mga narinig kay Nico.
Nico : mahal na mahal kita.
Yna : mahal na mahal din kita Nico.
at unti unting inilapit ang mukha ni Nico sa mukha ni Yna, kay ligaya ng damdamin ni Yna sa mga sandaling iyon dahil naramdaman niyang muli ang mga matamis na halik ng minamahal niyang si Nico..kay Ligaya din ni Nico dahil sa ang pinapangarap niyang mahalikan muli ang kanyang Prinsesa ay abot kamay na niya, matagal din ang halikan nilang iyon at naputol lang ang halikan nila ng may mag-door bell sa pinto..
Nico : ayan na yong pagkain natin.
tumayo na si Nico upang buksan ang pinto, at ng maipasok na ang kanilang order ay kumain na din sila.
Yna : ang dami mo palang in-order, naku mabubundat tayo niyan.
Nico : okay lang yan..gusto ko kasi mabusog ka sa pagkain, plus(+) bubusugin pa kita ng pag-mamahal ko.
Yna : naks!! ngayon pa lang busog na ako..hindi na yata ako kakain kasi busog na ako sa pagmamahal mo..
Nico : ay hindi maari yan, kailangang kumain ka.
at inasikaso ni Nico si Yna, ipinaglagay niya ng pagkain sa plato nito.
Yna : bkit kadami mo namang inilagay na pagkain. baka hindi ko naman maubos yan..
Nico : mauubos mo yan..sige na kumain na tayo.
Yna : sige.
At susubo na sana si Yna ng sarili niya, ng i-alok ni Nico ang kutsara na unang subo.
Nico : para sa’yo ang unang subo ko..
Yna : hmm..ang sweet naman.
at tinanggap naman ni Yna..at ganun din si Yna, ang isusunod niya sana ay kay Nico ibinigay..at masayang tinanggap naman iyon ni Nico.
Nico : hmm…ang sarap..
Yna : talagang masarap yong pagkain nila dito.
Nico : hindi masarap sa pakiramdam kapag, sinusubuan ka ng mahal mo.
Yna : oo nga ang sarap.
masaya silang kumakain, nagsusubuan sila..at habang kumakain ay nagkukwentuhan sila, binabalikan nila ang mga masasayang alaala nila ng sila ay magkasama sa bahay nila mang emong at Esang..at sa may bahay ampunan..at nang matapos kumain ay iniligpit nila ang kinainan, at pagkaligpit ay nagpasyang mag-shower si Nico..at ng makatapos ay nginhawahan ang kanyang pakiramdam.
Nico : ang sarap maligo, natanggal ang paglalagkit na pakiramdam ko..ikaw hindi ka ba mag-sa-shower?
Yna : ha, pwede rin, medyo basa nga yong damit ko..at saka para masarap matulog..sige maliligo na ako.
Nico : yong damit mong basa itapat natin sa aircon. para matanggal yong basa.
Yna : ha? (nalilito niyang sabi)
Nico : oh relax ka lang, mahihiya ka pa ba sakin eh..nakita ko na yan!!(sabay kindat)
Yna : ( sa isip…oh my God, ito na nga ba yong sinasabi ko..)…sige..
at hindi malaman ni Yna ang gagawin bakit ba natataranta siya, bumibilis ang tibok ng puso niya..at tinanggal na nga niya ang damit, at ng matanggal ang damit ay agad binalot ng tuwalya ang katawan.
Nico : akin na yong damit mo at itatapat ko sa hangin.
medyo nahihiya pa si Yna na ibigay kay Nico ang damit..at ng iabot ni Yna ang damit niya kay Nico ay agad na siyang pumasok sa banyo..at hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman..mabilis ang kalabog ng puso niya, sa isiping matutulog siya na kasamang muli si Nico, halos naiiyak siya sa sobrang ligaya dahil akala niya hindi na uli mangyayari na makasama niyang muli ang minamahal..at lumipas ang mga minuto na pumasok sa banyo ay lumabas na din si Yna.. bumibilis ang tibok ng puso niya ng makitang nasa kama na si Nico at nanonood ng tv..sa isip ni Yna dapat ay maalis na ang hiya niya kay Nico..at kung tutuusin pa nga daw ay hindi na siya dapat mailang at mahiya dahil, May nangyari na sa kanila ng gabing siya ay malasing na kasama niya ang mga kaibigan..hinding hindi niya makalimutan ang gabing iyon. na paulit-ulit na inaalala ang mga gabing ibinigay niya ang sarili niya kay Nico, at ang pagkakamali lang niya ay umalis siya uli ng walang paalam kay Nico ng sumagi sa isip niya si Melanie na hindi naman pala totoong May relasyon si Nico at Melanie..at lumakad palapit si Yna ng dahan dahan papunta sa kama..at kunwari na walang nararamdamang hiya na lumapit sa kama, inabala ang sarili sa pagpapatuyo ng buhok.
Nico : naginhawahan ba yong pakiramdam mo?
Yna : oo..mabuti buti na ang pakiramdam ko ngayon.
Nico : tulungan na kitang magpatuyo ng buhok mo.
Yna : hindi na, ako na.
Nico : tulungan na kita..halika dito mahiga ka dito sa tabi ko at susuklayin ko ng susuklayin ang buhok mo para matuyo agad.
Yna : ha, ako na lang kaya.
Nico : sige na nahihiya ka pa ba sakin?
Yna : h-hindi ah.
at Lumapit nga si Yna kay Nico, umupo siya sa tabi ni Nico..kumakalabog ang dibdib ni Yna dahil sa hindi mapaliwanag na pakiramdam..may kilig na nadarama, ng makalapit na siya sa tabi ni Nico.
Nico : humiga ka at umunan ka sa hita ko.
Yna : ha!
Nico : para marelaks ka.
sinunod na ni Yna ang utos ni Nico, at kinuha ni Nico ang suklay niya at sinuklay ang mahabang buhok ni Yna..pinakalma ni Yna ang puso niya na kanina pa nagwawala sa kilig..nag-isip si Yna ng topic na pag-uusapan nila..para mawala ang kilig na nadama at ng sa ganun ay mabawasan ang kalabog ng puso niya..at naka-isip naman agad si Yna ng pag-uusapan nila.
Yna : paano mo pala nalaman na nandoon ako.
Nico : ah..kay Melanie.
Yna : kay Melanie?
Nico : oo..kinailangan kong magpanggap sa kanya na hindi ko siya pinagdududahan sa pagkawala mo..kay Betty namin nalaman na nagkaroon pala kayo ng pagtatalo ni Melanie sa isang restaurant..
Yna : si Betty.
Nico : oo?
Yna : paano mo naman nalaman na nakidnap ako.?
Nico : papunta ako sa’yo nun, nang mapansin kong pinukpok ang isang tao na pasakay sana sa kotse..pinukpok siya..at hindi ko akalain na driver mo pala yun..akala ko naman kinarnap lang yong kotse ng lalaki..yun pala naroon ka sa loob ng kotse..nang malaman ko nga na tinangay ka ng mga lalaki sobra-sobra ang takot ko nun para sa’yo dahil baka patayin ka ng mga halang ang kaluluwa..kaya sinundan ko si Melanie..minanmanan ko si Melanie..hanggang sa kanyang unit at nakita ko na may kasama siyang isang lalake..at hanggang sa lumabas sila at may pinuntahan, sinundan ko sila at hanggang sa nakita kong pumasok sila sa malaking gate..kaya tinangka ko din na pumasok at ng malaman ko kung sino at bakit siya pumunta sa ganoong lugar..at gumawa ako ng paraan para makita ko ang loob ng bodega..umakyat ako sa may bahagi ng pader ng bodega at mabuti na lang ay may maliit na bintana at nakita nga kita pati si Melanie na talaga namang ikinagulat ko ng makita ko si Poli..at ang isa pa ay magkapatid pala sila..
Yna : hindi sinabi sa’yo ni Melanie.
Nico : hindi. ang sabi sakin ni Melanie ay wala na siyang kamag-anak.. nagsinungaling siya sakin.. hinding-hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sa’yo.. pagbabayaran nila ni Poli ang pagpapahirap na ginawa nila sa’yo.
masaya ang damdamin ni Yna dahil sa ramdam niya ang labis na pag-aalala at pagmamahal ni Nico..sa katunayan noon pa niya nararamdaman ang pagmamahal nito kaya lang medyo napagdudahan lang niya dahil sa kagagawan ni Poli na niloko siya..natakot siya uli na masaktan..pero noong lumayo siya ay talagang pinagsisisihan niya ng sobra..siya din mismo ang nagpahirap sa puso at kalooban niya..dahil labis na ikinalungkot niya ang ginawa niyang paglayo sa lalaking minamahal..hindi tuloy niya mapigilan ang luha na tumulo..
Nico : oh bakit ka umiiyak?
Yna : wala.masaya lang ako..kasi nandito ka na sa tabi ko..
Nico : ako din mahal ko, masayang masaya ako dahil kasama na kita ngayon, kay tagal kong hinintay ang pagkakataon na ito.. nagkaroon ako ng pag-asa noong nakita kita sa labas ng bar..Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya noon..at ng kung alam mo lang din kung gaano ako kasaya ng maramdaman ko ang pagmamahal mo ng ibigay mo sakin ang sarili mo..hindi masusukat kung gaano ako kaligaya ng mga sandaling iyon, napatunayan ko kung gaano mo din ako kamahal..at kung alam mo lang kung gaano din ako nalungkot ng nagising ako ng wala ka na sa tabi ko..
patuloy lang ang agos ng luha sa mga pisngi ni Yna..luha ng kaligayahan. kagaya ni Yna, si Nico ay walang kasing ligaya ng nga sandaling iyon dhil matagal na panahon din na inasam niya ng pagkakataong iyon sa buhay nila ni Yna.
Yna : tuyo na yong buhok ko.
Nico : oo nga..pwede na tayong matulog..sige mahiga ka na sa sofa na ako mahihiga.
Yna : sa sofa?
Nico : oo.. ayaw ko naman samantalahin ang pagkakataon, hindi porke kasama kita ngayon sa iisang kwarto sasamantalahin ko na..pwede naman akong mag-hintay..
Yna : talaga ba..eh bakit nong gabing nalasing ako___(hindi na itinuloy ang sinabi..at nginitian na lang niya si Nico.)
napakamot sa ulo si Nico..hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya.
Nico : k-kasi eh..sa sobrang pagmamahal ko, at sa sobrang pagkasabik ko sayo dahil sa matagal na hindi kita nakita, hindi ko napigilan ang sarili ko..mahal na mahal kita eh..kaya baka kapag tinabihan kita, hindi ko na naman mapipigilan yong sarili ko.
kinikilig ang puso ni Yna dahil sa sinabi ni Nico..pero si Yna ay handa naman siya uli na ibigay sa pangalawang pagkakataon ang sarili..dahil mahal na mahal niya si Nico..at dahil sa pagmamahal ni Yna kay Nico, si Yna na ang gumawa ng hakbang dahil gustong iparamdam ni Yna kay Nico na mahal na mahal niya ito.
Yna : mahal na mahal mo ako diba..
Nico : oo naman..mahal na mahal kita..
Yna : ako din, mahal na mahal kita.
at inilapit ni Yna ang mukha niya sa mukha ni Nico..at dinampian niya ng mga halik ang labi ni Nico, halik na walang kasing tamis, at dahil doon ay nagdiwang ang puso ni Nico sa halik sa kanya ng pinakamamahal na babae..ng kanyang Prinsesa, na pinangarap niya buong buhay niya..at tinugon naman ni Nico ang halik sa kanya ni Yna, kapwa dinadama nila Nico at Yna ang mga matatamis na halikan nilang iyon..at hanggang sa ang marahan na halik ay napalitan ng mapusok at madiin, na bumuo ng apoy sa kanilang pagkatao, at si Nico ay nagiging pangahas na, dahil sa natutupok na ang kanyang pagkatao dahil sa apoy na namamagitan sa kanila, at sinimulan niyang tinatanggal ang roba na suot ni Yna, at samantala handa na uli si Yna na ipagkaloob sa ikalawang pagkakataon ang kanyang sarili sa pinakamamahal na lalaki, at dahil sa di na mapigilang ang mga damdamin ng dalawang nagmamahalan, na nag-uumapaw sa kaligayahan ang mga puso dahil sa mahal nila ang isa’t isa, kaya muli nilang nilasap ang mga matatamis na pag-ibig, pag-ibig na sa kanila’y namamagitan ay muli na namang pinagsanib ang kanilang mga katawan sa ikalawang pagkakataon, na walang sinayang na sandali ang dalawa, kundi damhin lang ang walang kasing ligayang pagmamahalan, si Nico ay labis labis ang ligaya ng kanyang puso dahil sa eto siya ngayon pinapadama sa kanyang minahal ang wagas niyang pag-ibig..sa kanyang Prinsesa..si Yna naman ay napakaligaya ng puso niya dahil muli niya uling nadama ang wagas na pag-ibig ni Nico, at hanggang sa marating na nila ang minimithing walang kasing ligayang nararamdaman dulot ng kanilang pag-iibigan.
Nico : i love you!
Yna : i love you too!
halos maiyak sa sobrang ligaya ni Yna at Nico ng mga sandaling iyon, dhil sa tinagal din ng panahon na nagkawalay sila ay eto sila ngayon magkasamang muli, mahigpit ang mga yakapan nila., at muling dinampian ng halik ni Nico ang labi ni Yna..
mahal na mahal ni Nico si Yna handa niyang panagutan ang nangyari sa kanila ni Yna dahil noon pa lang sa murang isipan niya ay pinangarap na niya na sana daw sa pagdating ng araw na siya ay magkakaroon ng kabiyak ay si Yna na anak ng amo ng tatay niya ang ninanais niya, na khit imposible na mangyayari ay pinangarap pa din niya, pero isang napakahiwaga ng kanyang naging kapalaran na dating pinapangarap lang niya ay eto at naisakatuparan na ito..kumalas sa pagkakayakap si Nico at tumayo siya sa kama.
Nico : sandali lang mahal ko may kukuhanin ako..
Yna : sige.
sobrang ligaya ang nararamdaman ni Yna, dahil wala na daw siyang mahihiling pa ang pagmamahal ni Nico ay sapat na sa kanya, yoon lang ang pangarap niya na muling silang magkita at ipagpatuloy ang naudlot nilang pagmamahalan na sinira ng kanyang maling akala.. pero ngayon ay napawi na ang lahat ng lungkot sa kanyang damdamin at napalitan ito ng walang kasing saya na nararamdaman ng kanyang damdamin. Bumangon si Yna at sumandal siya sa may headboard ng kama, at sa isip ni Yna ano kaya yong kinuha ni Nico sa bulsa ng pants nito, at ng bumalik si Nico sa kama ay may mga matatamis na ngiti ang nakaguhit sa mga labi nito na lalong nakapagpadagdag ng kagwapuhan kay Nico na, at muling tumabi si Nico kay Yna.
Nico : mahal ko hindi ko na mahintay ang pagkakataon na ito..dahil noon pa lang ay pinangarap ko na ito..mahal na mahal kita Yna, kaya hinihiling ko sa Panginoong Diyos na makasal sa’yo.
sa pagkarinig ni Yna sa sinabi ni Nico ay nag-init ang mga mata ni Yna dahil sa nakabadyang mga luha, luha ng kaligayahan dahil sa sinabi ni Nico na hiniling niya sa Diyos na makasal ito sa kanya..at may kahon na maliit na hawak si Nico at binuksan niya ito..at ganun na lang ang ningning ng mga mata ni Yna sa nakita, isang...


napakagandang singsing..
Nico : mahal ko,, Will you marry me?
Yna : N-nico..!
Nico : Ms. Ma. Kristina M. Villaroman, Aking Prinsesa..Will you marry me?
laglag ang mga luha ni Yna ng alukin na siya ng kasal ni Nico..hilam na hilam ang mga mata niya sa luha..dahil sa sobrang ligayang nadarama.
Yna : Yes mahal ko, pakakasal ako sa iyo..
Nico : salamat mahal ko..salamat!!
at kinuha ni Nico ang singsing sa kahon at isinuot niya ito sa daliri ni Yna..si Yna ay halos mapahagulgol sa iyak ng makita niyang tumulo ang luha ni Nico, dahil sa sayang nadarama ni Nico ng mga sandaling iyon ay hindi niya din napigilan ang luha, bumagsak ito dahil masayang masaya siya dahil unti unti na niyang naaabot ang mga pangarap na maging kabiyak si Yna..at ng maisuot ni Nico ang singsing kay Yna, ay hinalikan niya ang kamay na sinuotan niya ng singsing.
Nico : i love you..
Yna : i love you too.
kapwa may mga luha sa mga pisngi sina Nico at Yna sa labis na kaligayahan..at muling nagsanib ang kanilang mga labi at nilasap nilang muli ang mga matamis na halik..
Nico : matulog na tayo..maaga pa tayo bukas kasi may kailangan pa akong aasikasuhin..
Yna : sige, inaantok na nga ako.
Nico : good night mahal ko.
Yna : good night!
Nico : wala ba akong good night kiss?
Yna : naku ha, nakadami ka na.
Nico : kulang kaya yun..syempre kailangan kung sulitin yong mga araw na nagkahiwalay tayo.
Yna : ganun!!
Nico : syempre naman mahal ko, kaya pahalik uli ako.
Yna : sige na nga..!!(kinikilig niyang sabi)
at muli na namang naglapat ang kanilang mga labi, at kapwa dinadama muli ang mga masuyo at matatamis na mga halik..at ang masuyong halik ay nakabuo na naman ng apoy sa pagitan nila na nauwi na naman sa pag-iisang katawan ng dalawang nagmamahalan..at ng maabot ang luwalhating ligaya ay kapwa May mga ngiti sa kanilang labi..at sabay silang nakatulog na may ligaya sa mga damdamin na dati ay binabalot ng lungkot, mahigpit silang magkayakap na tila mo’y ayaw na nilang malayo sa isa’t-isa, parehas na takot na isiping sila ay nagkakahiwalay..at lumipas ang mga oras ay sabay silang nagmulat na mata, at kasabay na namulatan ang minamahal..at tila nagniningning ang mga mata ng mamulatan ang isa’t-isa..
Nico : Good morning mahal ko..
Yna : good morning din mahal ko..
Nico : kumusta ang pakiramdam mo?
Yna : okay na..masarap yong naging tulog ko kasi katabi kita eh..
Nico : ako din masarap yong tulog ko kasi pinagod mo ako.
Yna : ay grabe siya, kasalanan ko pa? (kinikilig niyang sabi)
Nico : he-he-he..joke lang.
Yna : ikaw talaga mahal, binibiro mo pa ako..(nakangiti niyang sabi)
Nico : ang ganda talaga ng aking Prinsesa..
Yna : salamat, at ang gwapo din naman ng aking mahal, ng aking prinsipe.
Nico : ang saya saya ko talaga..dahil hindi magtatagal ay magiging kabiyak na kita, kailangan ipaalam na natin kay papa at tatay na magpapakasal na tayo.
Naligayahan si Yna ng marinig niya ang salitang papa at tatay, nagtatanong ang isip niya sino ba yong sinasabi ni Nico na papa..
Yna : papa?
Nico : oo si papa Ferdie ang tatay ng magiging kabiyak ko..at si tatay Leo natin..kailangan na nilang malaman..
Yna : oo mahal, ipaalam na natin..
Nico : pasensiya ka na pala ha..
Yna : pasensiya saan?
Nico : hindi ako nakapaghanda sa proposal ko sayo..wala man lang akong bulaklak na ibinigay wala man lang akong gimik para sa wedding proposal sa’yo..hindi ko na kasi mahintay
Yna : mahal ko ano ka ba..ikaw ang mahalaga sakin..hindi importante ang kung ano anong gimik sa pag-aalok ng kasal, hindi importante ang mga bulaklak o kung ano ano pa man, masayang masaya ako dahil ang nag-alok ng kasal sakin ay ang lalaking mahal na mahal ko, yun ang importante sakin, ikaw ang pagmamahal mo yan ang importante sakin, at yoong kung ano yang nilalaman ng puso mo, wala na akong mahihiling pa sa buhay ko dahil ikaw ay sapat na at di lang sapat, sobra sobra pa, sobrang blessed ako dahil ikaw ang binigay ng Diyos sakin..at wala na akong hihilingin pa sa Kanya..kung may hihilingin man ako sa Kanya, yoon ay ang makasama ka habang buhay…
Nico : oh..mahal ko pinaligaya mo din ako, alam ng Diyos kung gaano kita kamahal, lahat gagawin ko para maging maligaya ka sa piling ko, pakamamahalin kita, dahil ikaw ang ligaya at buhay ko, ikaw lang ang tanging pinangarap ng puso ko, mula pa noong mura ang isipan ko., kaya mula noon ng una kitang makita na hiniling ko na sa Kanya na maging kaibigan kita, hanggang sa nagbinata na ako pinangarap na kitang maging girlfriend ko, at ibinigay Niya ang hiling ko, at hinigitan pa Niya, at ngayon nga ay magiging kabiyak na kita, magiging katuwang sa buhay, bubuo tayo ng isang malaking pamilya, pamilya na may matatag na samahan, at laging may pagmamahalan, at lagi natin isentro sa ating buhay ang Panginuon Diyos na tayoy pag-bibigkisin habang tayo ay nabubuhay..mahal na mahal kita..
Yna : mahal na mahal din kita.
At lumipas ang mga oras ay naka-uwi na si Yna, sa bahay nila, kasama niya si Nico, masaya siyang sinalubong ng kanyang ama.
Ferdie : anak ko.
Yna : papa!!
Yumakap si Yna sa kanyang ama, at nag-iiyakan ang mag-ama sa sobrang saya dahil ligtas na sila sa kasamaan ni Poli..at ikinukuwento ni Nico kung paano niya natuntun ang kinaroroonan ni Yna.
Ferdie : anak salamat sa Diyos at hindi niya tayo pinabayaan..
Yna : opo papa, napakabuti niya po dahil ibinigay niya sa buhay natin si Nico.
Kumalas sa pagkakayakap si Ferdie sa anak, at nilapitan ni Ferdie si Nico..
Ferdie : Nico salamat ah. Utang namin sayo ang buhay namin..kung wala ka siguro hindi na kami nagkita ng anak, ko. Madaming beses mo ng iniligtas ang buhay ng anak ko, kaya maraming salamat sayo Nico anak..
Nico : p-papa, wala po kayong utang na loob sakin, hindi nio po dapat tanawin na utang na loob nio sakin ang buhay nio, dahil obligasyon ko po na iligtas si Yna dahil mahal ko po si Yna at obligasyon ko po na protektahan ang pinakamamahal ko dahil siya po ang buhay ko..at obligasyon ko din po na protektahan ang ama o kahit na sino pang mahal sa buhay ni Yna dahil ayokong nasasaktan ang kalooban niya, ginawa ko po iyon dahil sa lgabis kong pagmamahal sa anak ninyo.
Sa tuwa ni Ferdie kay Nico ay napayakap si Ferdie kay Nico.
Ferdie : salamat anak…salamat.!
Nasiyahan si Yna sa kanyang narinig mula kay Nico, hilam na hilam ang mga mata niya sa luha, lalo na nang yakapin ng ama niya ang minamahal na si Nico, lumapit si Yna sa dalawang lalaki na minamahal niya..
Yna : sali naman ako.
At sumali siya sa yakap, napaka-ligaya ni Yna at Nico sa mga sandaling iyon, at pati sina Meding at belinda ay naiiyak sa sobrang saya dahil wala ng paganib sa buhay ng mag-ama, at dahil iyon kay Nico..
Meding : naku, talaga kayong tatlo nakakaiyak naman kayo.
Ferdie : Meding baka gusto mong sumali sa group hug namin..
Meding : naku, syempre sali ako..
At lumapit si Meding sa pagitan nila Yna at Nico, at yumakap ito, sa dalawa, dinampian niya ng halik ang buhok ng alaga, at tinapik tapik niya ang likod ni Nico at nagpasalamat.
Meding : salamat Nico..
Nico : wala po yun..
Belinda : ang ganda naman ninyong tingnan..parang sumisimbolo ng isang masayang pamilya.
At hanggang sa naghiwa-hiwalay na sila sa kanilang yakapan..at nagtinginan si Nico at Yna, sa isip nila ay yoon na ang tamang panahon upang sabihin na nila ang kanilang balak..naghawak kamay sina Nico at Yna.
Yna : papa, may sasabihin po kami ni Nico sa inyo.
Ferdie : anon yun mga anak.
Nagkatinginan muna sina Nico at Yna.
Nico : p-papa, nagmamahalan po kami ni Yna, kaya hinihingi po namin ang inyong basbas, dahil may balak na po kaming magpakasal.
Wala ni isa na nakapagsalita ng sabihin ni Nico ang balak nilang pagpgapakasal ni Yna..hindi dahil sa tutol ang mga ito, kundi halos hindi sila makapagsalita dahil sa sobrang sayang nadarama, lalo na si Ferdie, na saksi sa labis na pagmamahal ng anak kay Nico..saksi siya sa labis na kalungkutan ng anak ng magkahiwalay ang mga ito.
Yna : papa ayos lang po kung hindi pa po kayo pabor sa pagpapakasal namin..
Ferdie : anong hindi pabor, mga anak, hindi ako agad nakapagsalita dahil sa sobrang saya ko, hindi nio lang alam kung gaano ako kasaya ngayon, sa wakas tinupad na ng Diyos ang panalangin ko na maging masaya ka na Yna, at eto na yun, alam ko na magiging masaya ka na anak dahil sa halos mag-aapat na taon na kayo ay magkalayo ni Nico, kapag nalulungkot ka ay mas doble pa don ang lungkot ko sa nararamdaman mo, dahil ayokong nakikita kita anak na nalulungkot, sinubukan ko nun na hanapin si Nico ngunit hindi ko siya matagpuan..at eto na kayo at magkasama, at balak ng pakasal,ay napakaligaya ko, mga anak ibinibigay ko ang aking basbas, payag na payag ako na makasal kayo..
Nico : papa salamat po..
Ferdie : salamat din anak, salamat sa pagmamahal mo sa aking nag-iisang anak..masaya ako dahil ikaw ang makakasama sa buhay ng anak ko.. panatag ako dahil alam ko na hindi mo pababayaan si Yna, panatag ako dahil alam ko na mahal na mahal mo yong anak ko, kaya alam ko’ng lagi mong poprotektahan ang anak ko..masayang masaya ako para sa inyong dalawa.. at sana huwag kayong mag-babago lagi kayong magmamahalan..
Nico : opo papa, pinapangako ko po na aalagaan at pakamamahalin ang inyong anak..
Yna : papa salamat..(niyakap ang ama).
Ferdie : masaya ako anak, dHil sa wakas mag-aasawa na din ang aking napakagandang dalaga.
kumalas sa pagkakayakap si Yna sa ama at ipinakita ang singsing na suot na ibinigay ni Nico sa kanya.
Yna : look papa, maganda ba, bagay ba sakin?
Ferdie : wow ang ganda naman.bagay na bagay sa’yo..magandang mamili si Nico ah.. siguro Nico sa ibang bansa mo pa binili ito..
Nico : opo, sa hongkong po..mabuti nga po hindi ko naiwala, kasi noong sundan ko po si Melanie ay hindi ko pa pala naialis sa bulsa ko.
sa isip ni Yna, kaya pala..naalok na siya ni Nico ng kasal dahil dala na ni Nico ang singsing.
Belinda : Nico, Yna congrats sa inyo, masaya kami para sa inyo.
Meding : naku, excited na ako ulit na makapag-alaga ng baby!!
Yna : ya, baby na agad!!
Ferdie : oo nga naman..nasasabik na kami ni Meding na magka-apo..
Meding : ikaw ang lolo., ako naman ay yaya..
Belinda : naku ate Medina.. mukhang may ibig ipahiwatig si Kuya.
Meding : naku, talagang yang si Don Ferdie..kung ano anong sinasabi..
Ferdie : ikaw naman Meding, syempre parang anak mo na nga si Yna.. ikaw na nga ang tumayong nanay niyang batang iyan.. syempre apo mo na din yun..
Yna : siya nga naman po yaya, nanay.. kasi noon ko pa gustong tawagin kang nanay.. yaya ang ipinipilit mong itawag ko syo..
Belinda : oo nga naman ate Medina. bgay kayong maging mag-ina ni Yna tingnan mo sa salamin medyo magkahawig kayo ni Yna..
Meding : ganun ba.. eh paano nman na hindi ko magiging kahawig si Yna eh, pinaglihan ako ng mama ni Yna..
Belinda : oo nga pala noh, tagal mo na ding nakatira dito kila kuya, ipinagbubuntis palang ni Ate si Yna nandito ka na.at saka naging mag-bestfriend kayo ni ate diba..
Ferdie : oo mag-bestfriend sila ng ate mo.. kaya nga sana huwag naman akong iwanan ni Meding dito sa bahay..malulungkot ako kapag iniwan ako ni Meding.
Meding : naku ang mabuti pa ay ihahanda ko na ang almusal ninyo para makapag-almusal na kayo..Nico dito ka na mag-almusal..
Nico : Naku pasensiya na po..hindi na po muna siguro sa ibang araw na lang po, May kailangan pa po akong puntahan..
Ferdie : ganun ba..eh baka mamayang dinner baka pwede ka..
Nico : opo..mamaya nalang po..at isasama ko po yong mga magulang ko dito..para po mapag-usapan napo natin yong kasal namin ni Yna..
Ferdie : ah sige, mabuti kung ganoon.. hihintayin namin kayo mamayang gabi..
Nico : opo.sige po aalis na po muna ako..
Yna : pa Ihahatid ko lang po si Nico sa labas..
Ferdie : sige anak.
at hinatid nga ni Yna si Nico sa labas ng bahay.
Nico : mahal ko aalis muna ako ha.. may aasikasuhin lang ako..
Yna : oo mahal ko mag-iingat ka..
Nico : oo mahal ko, mag-iingat ako para sa’yo.. mamimiss kita..
Yna : babalik ka naman mamaya diba..
Nico : oo, kasi gusto ko kasi bawat minuto at bawat segundo gusto ko nakikita kita..
Yna : naks naman, mahal ko talaga.. baka mamaya niyang pagsawaan mo na yong mukha ko..
Nico : hindi ah.. yang mukha na yan ang hinding hindi ko pagsasawaang tingnan..yang mga ngiti mo na lagi kong hinahanap hanap.
Kilig na kilig naman si Yna sa mga sinasabi ni Nico, sobrang saya ni Yna dahil nararamdMan niya uli ang mga ganoong pakiradam.
Yna : sige na, lumakad ka na, para makabalik ka kaagad..
Nico ; namimis mo din ako ano?
Yna : syempre naman..
at sumakay na si Nico sa motorsiklo, at pina-andar na niya ito.. at hanggang sa tuluyan na itong pinatakbo, nananatiling nakatayo si Yna at hinihintay niyang makalabas ng gate si Nico bago siya papasok sa loob ng bahay.. ngunit nagtaka si Yna dahil bumabalik si Nico.
Yna : bakit bumabalik ka?
Nico : May nakalimutan ako!
Yna : ano?
Nico : yong kiss ko..
Yna : ano??
Nico : wala ba akong kiss?
Yna : kiss?
Nico : oo kiss, halik..(at iminumustra ng nguso ang halik)
Yna : uy, grabe ka nasa labas tayo, nakakahiya..
Nico : anong nakakahiya doon? masanay ka na kasi kapag kinasal tayo, hahalikan kita sa harap ng maraming tao..
Yna : ganun!!
Nico : oo, kaya i-kiss mo na ako..
Yna : sige na nga.
lumapit si Yna kay Nico at hinalikan niya ito sa mga labi.
Yna : o sige na, at baka may makakita pa sa atin..
Nico : I love you!
Yna : I love you too!
at tuluyan ng umalis si Nico..daka lang pumasok si Yna ng makalabas ng gate si Nico..si Nico ay papunta siya sa istasyon ng pulis..at isinuplong niya din si Melanie..at ng matapos siyang pumunta sa pulis ay pumunta siya sa unit ni Melanie.. nag-doorbell ito..at hindi nagtagal ay bumukas na ang pinto at nakita niya si Melanie na bagong gising lang ito..dahil magulo pa ang buhok at nakapantulog pa ito..
Melanie : Nick!!
tuloy tuloy na pumasok si Nico sa loob.
Melanie : akala ko mamayang gabi ka pupunta?
hindi pa kumibo si Nico dahil tinitimpi ang galit na galit na kalooban, dahil baka ma pagbuhatan niya ng kamay si Melanie.
Nico : bakit Melanie? bakit mo ginagawa sa akin ito?
Melanie : anong ibig mong sabihin?
Nico : bakit ka nagsinungaling sa akin, ang sabi mo wala ka ng kamag anak.
Melanie : w-wala naman talaga____
Nico : sinungaling!!! (sigaw nito)
natakot si Melanie kay Nico dahil nanlilisik ang mga mata ni Nico sa kanya.
Nico : bakit mo nagawa kay Yna na ipadukot siya, bakit? (sigaw niyang muli)
Melanie : wala akong alam sa sinasabi mo.
hindi na nakapagtimpi si Nico, nasampal na niya ito.
Melanie : Aray!! how dare you Nick!!
Nico : akala ko kaibigan kita, pinagkatiwalaan kita buong buhay ko..pero lolokohin mo lang pala ako, ang sabi mo sakin, sa Amerika na maninirahan sila Yna at hindi na babalik, pero gawa-gawa mo lang pala yun, dahil ba gusto mo kaming hindi nagkatuluyan ni Yna ha?
Melanie : oo.. dahil mahal kita..
Nico : mahal?? alam mo naman na si Yna lang ang mahal ko, alam mo yun..
Melanie : hindi ka niya mahal, iniwan ka nga eh.. diba..
Nico ; mahal niya ako, at si Poli na kapatid mo ang may kasalanan kung bakit siya lumayo..dahil sa panloloko ni Poli at Mitch sa kanya ang nagtanim sa utak niya na baka lokohin ko din siya dahil naging bodyguard niya ako na hindi ko sinabi sa kanya..na ang akala niya ay hindi ko siya mahal..
Melanie : bakit ba laging si Yna na lang ang laging hinahanap ng puso mo.bakit ba hindi mo ako matutunang mahalin, ginawa ko ang lahat upang mapansin mo man lang ang nararamdaman ng puso ko.. lahat ginawa ko para lang matakpan ang kalungkutan mo dahil Jan sa Yna na yan.. nong time na lugmok na lugmok ka sa kalungkutan sino ang laging nandyan para pasayahin ka diba ako.. pero wala pa din, kulang pa din, ano bang meron sa Yna na yan na wala ako..
Nico : dahil si Yna lang ang pangarap ko..siya lang ang buhay ko, at hindi mababago yun kailan man..at alam na alam mo yun dahil lagi kong sinasabi sayo..kaya hindi kita mapapatawad sa ginawa mo kay Yna kayo ni Poli na kapatid mo pala.
Melanie : hindi ko alam yang sinasabi mo..
Nico : Sinungaling!! (Bulyaw niya kay Melanie.)
Natakot si Melanie kay Nico dahil parang isang mabangis na hayop ang mukha ni Nico na ano mang oras ay susunggaban sya.
Nico : huwag ka ng magkaila, dahil nandoon ako, kitang kita ko kayo ni Poli..at dinig ko lahat lahat ng pinag-usapan nio ng hayop na Poli na yun, hayop ka, pinaglaruan mo ako..kahit kailan hinding hindi ako iibig sayo Melanie, dahil iisa lang ang gusto ko, at iisa lang ang laman ng puso at si Yna lang yun..kaya pagbabayaran mo yong ginawa mo sa pinakamamahal kong babae..mabubulok kayo sa kulungan ng kuya mo!!!
Melanie : Nico patawarin mo ako, nagawa ko yun dahil___
Nico : dahil sa ano, sa pera ko!! Hinding hindi kita mapapatawad, magdusa ka, kayo ni poli..magkapatid nga kayo ni Poli mukhang pera (sabay alis)
Hindi nagtagal ay dumating na ang mga pulis at dinampot na siya, pinosasan na siya ng mga pulis, nagpupumiglas siya at nagwawala ngunit sukol na siya ng mga pulis kaya wala na siyang nagawa kundi sumama sa mga ito, at napag-alaman din ni Melanie na nakakulong na din pala uli si Poli. At hanggang sa lumipas ang maghapon, at sumapit na ang gabi, si Nico at ang mga mahal niya sa buhay ay papunta na sa bahay ni Yna upang mamanhikan..sobrang saya ng pakiramdam ni Nico dahil malapit ng maging kabiyak ang kanyang minamahal na babae, ang kanyang prinsesa na si Yna, at si Yna ay sobrang saya din, kanina pa siya nakaharap sa salamin at nagpapaganda, sinisigurado niya na magiging maganda siya sa paningin ni Nico..at hanggang sa narinig na niya na may bumubusina na sa may gate nila, sumilip siya sa may bintana at nakita niya na ipinagbubukas na ng gwardiya ang bumubusinang sasakyan, at hinintay niya muna na huminto ang sasakyan at nakita nga niya na bumaba na,doon si Nico at pati mga kasama nito..bumilis ang tibok ng puso niya ng makita ang minamahal..bumalik uli siya sa may salamin, at tinitingnan niya kung talagang bagay ba o maganda ba talaga ang damit niyang suot, at nag-spray uli siya ng pabango, at sinigurado uli na maayos ang pagpapahid niya ng make-up..at hanggang sa kinatok na siya ni Meding.
Meding : Yna, nandiyan na sila Nico sa baba, hinihintay ka na nila doon.
Yna : opo ya, lalabas na po ako.
At binuksan na nga ni Yna ang pinto niya.
Meding : wow, ang ganda naman ng anak ko.
Yna : talaga ba ya. Bagay po ba sakin yong damit ko. Maganda po ba?
Meding : oo naman bagay na bagay, at napakaganda.
Yna : salamat ya, sabay na po tayong bumaba ya..
At hanggang sa nakababa na si Yna. At sinalubong siya ni Nico sa may hagdan..
Nico : Hi, mahal (sabay halik sa pisngi).ang ganda mo. At ang bango..(bulong nito)
Yna : ikaw talaga binola mo pa ako..
At ipinakilala na ni Nico si Yna sa mga magulang niya at pati sa lolo conrad niya.
Conching : abay napakaganda naman pala nitong si Yna, parang kelan lang nong huli ko siyang makita dalaginding palang, ngayon eto na siya at ang ganda ganda.
Yna : salamat po tita.
Conching : anong tita, nanay na..malapit na nga kayong ikasal nitong si Nico ko eh..
Yna : ah sige po nanay..
Leo : boss Ferdie___
Ferdie : anong boss, magbalae na tayo ngayon ah..
Leo : oo nga pala..kumusta na balae.
Ferdie : naku eto, muntik na kaming nawala ng anak ko sa mundong ito. Kundi dahil sa anak niong si Nico ay baka wala na kami ngayon..patay na kami. Kaya labis ang pasasalamat ko kay Nico.
Conrad : kaya sobrang proud ako sa apo ko na yan, at may tibay ang loob, susuungin ang kapahamakan, mailigtas lang ang minamahal..
Ferdie : opo nga Mr. Benitez,.
Conrad : napakalaking tulong din para sakin ng kuhanin mong bodyguard ang apo ko.,dahil naging daan yun upang matuntun ko ang aking mga anak, at apo. Nong makidnap si Yna noon at na-TV…kaya ito kami at magkakasama, nagkahiwalay kasi kami ng anak kong si Conchita ng matagal na panahon, dahil hindi ko matanggap si Leo noon dahil___
Leo : papa, ikukuwento nio pa po ba kay balae yong kwento natin..
Conhing : oo nga naman pa, baka umiyak ka uli dito. Nakakahiya naman sa magiging apo niong si Yna..
Conrad ; oo nga pala..hay, pasensiya na kayo, tingnan mo nga naman, ikaw pala ang ama ng babae na sobrang minamahal ng apo ko, walang bukang bibig yan kundi ang kanyang prinsesa..magiging magkakapamilya pa pala tayo, kaya wala ng dahilan para hindi matuloy ang bussiness partners natin..at hindi din magtatagal ay ang apo ko nang si Nico ang mamamahal ng lahat ng aking mga negosyo..at masaya ako dahil wala ng iba iba satin, pamilya na tayo. At tiyak na magiging mas matagumpay ang ating mga negosyo..
Ferdie : opo, ako din po ay masaya dahil sa magiging magkakapamilya na tayo..
Leo : mabuti pa ay, pag-usapan na natin ang kasal ng mga bata..
Ferdie : mabuti pa nga..
Itutuloy..


3 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published.