0

Aking Prinsesa Chapter 22

Report

❣️Aking Prinsesa❣️
.
Chapter 22
,
At samantala naman ang magkaibigan ay umalis na din sa lugar na iyon.
.
Betty : pasensiya ka na ha, talagang nag init yong ulo ko kanina, ayoko kasing nakikita kong sinasaktan ka, lalo na yong babae na yun, na akala mo kung sino kung umasta, eh hindi naman pala siya girlfriend ni Nico, kapal ng mukha niya! At samantala naman, Nakarating na sila sa hospital, at parang nagdahilan ang pakiramdam ni Ferdie, umayos na ang kanyang pakiramdam.
.
Belinda : Nico, salamat at isinakay mo kami sa sasakyan mo ah.
Nico : wala po yun.
Belinda : ako nga pala si Belinda, kapatid ko ang mama ni Yna, at ito si Robert ang asawa ko..salamat talaga ha..sana magkita tayo ulit.
Nico : opo..(nakangiti niyang sabi)..opo magkikita po tayo ulit,.
Ferdie : salamat Nico, sana makapasyal ka sa bahay, para magkita at magkausap kayo ni Yna.
Nico : talaga po..pwede po akong magpunta sa inyo?
Ferdie : oo naman, siguro kailangan niong mag-usap ni Yna.
Nico : opo..opo. pupunta po talaga ako, gustong gusto ko po talagang kausapin ang anak nio, mahal na mahal ko po yong anak nio. Kaya po sasamantalahin ko yong pagkakataong ito, humihingi po ako ng permiso, maaari ko po bang, ligawan ang anak nio?
Ferdie : oo naman.(nakangiti niyang sabi)
Nico : talaga po!!
Ferdie : oo..
Nico : salamat po boss ferdie!! Salamat po!!
Ferdie : sandali nga, bakit boss na naman, manliligaw ka sa anak ko, pero boss ang tawag mo sakin, eh paano kung sagutin ka ng anak ko, di magkakatuluyan kayo, kaya ngayon pa lang, magsanay ka na tawagin akong papa.
.
Hindi maipaliwanag ni Nico kung gaano siya kasaya ng mga sandaling iyon dahil sa sinabi ni Ferdie.
.
Belinda : halika na kuya para matingnan ka na ng doktor.
Ferdie : huwag na kaya..parang okay naman na ako.
Belinda : hindi pwede kuya..siya na rin lang na nandito tayo, magpatingin ka na..
Ferdie : sige na nga.
Belinda : o sige Nico puntahan mo na yong nanay mo, salamat ulit ha..
Nico : wala po yun, ma’am.
Belinda : anong ma’am, tita.
Nico : t-tita!!(nahihiya niyang sabi)
.
at hanggang pumasok na sila Ferdie sa clinic ng doktor, at si Nico naman ay nakita na niya ang kapatid na si Camille.
.
Camille : kuya, buti nandito kana?
Nico : kumusta si nanay? Ano ang nangyari sa kanya..
Camille : sumumpong yong allergy niya kuya, okay naman na..nasa loob pa siya kasama ang tatay.
Nico : naku, nakakain na naman pala ng bawal si nanay.
Camille : oo nga kuya, hindi namin alam na may hipon pala yong pasalubong ni lolo.
Nico : ah, dumating naba si Lolo?
Camille : oo kuya, kaninang umaga, ng pagkaalis mo dumating siya.
Nico : alam ba niya na idinala si nanay dito?
Camille : hindi kuya, umalis po siya ng bahay, may pinuntahan daw siya..
Nico : saan ka pupunta?
Camille : may bibilhin lang akong gamot kuya sa pharmacy.
Nico : sige papasok na ako sa loob.
.
At nakapasok na sa loob ng room si Nico.
.
Leo : anak, buti dumating ka na, tinakot ako ng nanay mo.
Conchita : anak, okay ako wag kang mag-alala..si tatay mo naman masyadong nerbyoso.
Leo : sino bang hindi magnenerbiyos, eh hindi ka na makahinga..
Conchita : sorry na!!
Leo : sa susunod kasi, tatawagin mo muna ako, para matikman ko muna yong mga kakainin mo kung pwede sayo..natakot talaga ako.
.
Natutuwa naman si Nico para sa mga magulang,napaka-swerte nila dahil ang ama ng tahanan nila ay mahal na mahal sila..at hanggang sa dumating na din doon si Mr. Conrado Benitez..
.
Conrad : anak, ano ba ang nangyari sayo? Nagpunta ako sa opisina, sinabi ng secretary ko isinugod ka daw dito sa ospital..
Conchita : papa, nakakain lang po ako ng kontra..pero okay na po ako papa..huwag ka ng mag-alala..
Conrad : naku, nag-alala tuloy ako..
Conchita : okay na ako pa..
Conrad : hindi ko maiwasang hindi mag-alala anak, napakadami kong pagkukulang sayo, at gusto ko sana sa mga nalalabing araw ko sa. Mundo ay mamuhay ng maging masaya, kasama ng apo ko at manugang..napakalaki ng kasalanan ko sa inyong mag-anak, lalo na kay Leo at kay Nicolas, at higit sa lahat sayo anak, natiis kita ng mahabang panahon..kaya labis kong pinagsisisihan iyon..
Conchita : papa, tapos na po yun, ang mahalaga po ngayon, magkakasama na tayo…
Conrad : hindi ako titigil sa paghingi ko ng tawad sa inyo ni Leo, hanggang akoy nabubuhay, napakasama ko para hadlangan ang pag-iibigan nio..
Leo : okay lang po yun papa, naiintindihan ko po kayo, kahit ako man po at may anak akong babae, hindi din po siguro ako makakapayag na makapangasawa ng halos ka-edad ko na.
Conrad : patawarin mo ako Leo..pinagsisisihan ko na talaga yong mga ginawa kong pahirap sayo.
Leo : kalimutan napo natin yun papa..ang mahalaga po, tanggap nio na ako sa pamilya ninyo.
Nico : lolo, napakaraming beses na po kayong humihingi ng tawad kay tatay..
Conrad : dapat lang apo..hindi ako magsasawang humingi ng tawad sa tatay at nanay mo at pati na din sayo apo..
Nico : lolo, ayan na naman po tayo..nagdadrama na naman po tayo..ayoko na pong magdrama lolo..pumapangit ako, kapag umiiyak ako..at kayo din lolo..
Conrad : apo hayaan mo na akong pumangit, matanda naman na ako..pero nong kabataan ko naman ay ganyan din ako ka-guwapo sa’yo..hay andami kong sinayang na mga panahon, mas pinili kong tikisin kayo, samantalang ang totoong kaligayahan ko pala ay ang makasama kayo..
Leo : kalimutan na natin yong mga nakaraan papa..alam nio nman Pong nakakasama sa kalusugan ninyo kapag lagi niyong dindala sa dibdib nio yong mga nakaraan, tapos na po yun..ang mahalaga po magkasama na kayo ng anak ninyo, magkakasama na tayo..
Conchita : oo nga po papa..
Conrad : nasaan ba si Camille?
Leo : bumili lang po ng gamot sa botika.
.
at hindi nagtagal ay dumating na si Camille at ang doktor..at Samantalang si Ferdie ay tinitingnan na siya ng doktor…tumaas lang daw ang presyon niya dahil sa pagkakalagnat.
.
Ferdie : huwag nio nang itawag kay Yna na ipinunta nio ako dito. baka mag-aalala lang ng sobra yun. saka na lang natin sabihin kapag nasa bahay na tayo..at saka baka maabala pa si Yna ngayon nasa Benitez group of company siya, at napaka-importante ang ipinunta niya roon.
Belinda : oo kuya, tutal okay ka naman na..salamat kay Nico dahil parang umayos ang pakiramdam mo ng makita mo si Nico.
Ferdie : oo bel, mabait na bata yang si Nico, gusto ko siya para sa anak ko.,kahit na sino pa siya, o kahit na siya pa ang pinakamahirap na tao sa buong mundo gusto ko siya para kay Yna, panatag ang loob ko kung si Nico ang magiging kabiyak ng anak ko.
.
Masaya si Ferdie, sa isip niya na matutuwa si Yna kapag ibinalita nito kay Yna na nagkita at nagkausap sila ni Nico..at samantalang ang mag-anak na Nico ay nagkakatuwaan sila, masaya silang nag-uusap ng pamilya niya ng biglang, nag-ring ang phone niya, at nakita niya sa phone niya na si Melanie ang tumatawag..nagdadalawang isip siya kung sasagutin niya ba ito, at napagpasyahan pa din niyang sagutin dahil may gusto siyang liwanagin dito..nagpaalam muna si Nico sa pamilya niya na lalabas muna siya upang sagutin ang tumatawag sa kanya..at paglabas niya ay naghahanap siya ng pwedeng pagpwestuhan niya yong walang madaming tao, at sasagutin na niya sana ang cp niya ng biglang may tumawag sa pangalan niya.
.
Gino : kuya kulas?
.
Napalingon si Nico sa batang tumawag sa kanya..at gulat si Nico ng makita niya ang batang tumatawag sa kanya.
.
Gino : kuya kulas, ikaw nga!!
Nico : G-gino?
Gino : opo kuya kulas ako nga po si Gino.
Nico : gino ikaw nga!!
,
Sinugod ng yakap ni Gino si Nico..tuwang tuwa naman si Nico dahil nakita niya si Gino roon, at ang tumatawag sa cp niya ay hindi na niya pinagtuunan ng pansin..nireject niya ang tawag ni Melanie.
.
Gino : akala ko po hindi nio na ako kilala..
Nico : muntik na kitang hindi makilala..ang laki mo na ah, at ang gwapo mo pa.
.
Natutuwa si Nico dahil sa isip niya ay nagkaroon na si Gino ng pamilya, at mukhang maykaya sa buhay ang napuntahan nito. Dahil sa maayos ang pananamit nito..at hanggang sa noon lang niya napansin na may kasama si Gino, at muntik na din niyang hindi nakilala.
.
Esang : kuya kulas, kumusta po kayo?
Nico : E-esang! Magkasama kayo ni Gino?
Esang : opo.
Gino : kuya kulas, mabuti po at nakita namin kayo, masaya po ako at nagkita tayo muli.
Nico : ako din masaya.
.
At hanggang sa naroon na din si Mang Temyong.
.
Temyong : kulas, nandito ka pa din pala.
Nico : opo, nandito po kasi si nanay, isinugod din po siya kaya ako nagpunta dito?
Temyong : ganun ba..ano ba ang nangyari kay Conching?, kasama ba si manong Leo?
Nico : opo kasama po ni nanay si Tatay.nakakain po ng bawal…mang temyong, kasama nio po si Gino? ibig sabihin po, ang umampon kay gino ay sila Yna?
Temyong : ah, hindi si Yna, yong tita ni Yna si Mam Belinda..
Nico : ganun po ba.
Gino : opo kuya kulas, sa wakas ay may sarili na din po akong pamilya, may mommy at daddy na din po ako..ang saya saya ko po kuya kulas, ang bait po ng mga magulang ko..
Nico : nakakatuwa naman, magandang balita yan..masaya ako para sayo Gino..
Temyong : swerte nga si Gino kay mam Belinda at sir Robert..nakapunta na kaya ng america yan..
Gino : opo kuya kulas, ang ganda po sa america..
Nico : talaga, naku salamat sa Diyos dahil natupad mo na yong pangarap mo na magkaroon ng mga magulang..at salamat din dahil sa mabait ka napunta.
Gino : opo, sobrang saya ko kuya kulas..
Nico : ako din Gino, masaya ako para sa’yo..
.
At hanggang sa lumabas na si Ferdie dahil tapos na siyang ma-check up ng doktor.
.
Belinda : Gino anak, nandito ka pala?
Gino : mommy, daddy!! tito Ferdie kumusta na po kayo?
Ferdie : okay na ako Gino, salamat sa pag-aalala mo. .
Gino : mom, dad, may ipapakilala po ako sa inyo ang kuya kulas ko..(sabay turo kay Nico)
Belinda : oo anak, nagkakilala na kami ni Nico, sa kotse niya kami nasakay ng maflatan yong gulong ng kotse ni Temyong..
Gino : ganun po ba..mommy alam nio po ba. Mabait sakin si Kuya kulas, kapag pumupunta po siya sa orphanage noon lagi po siyang may pasalubong sakin, lagi niya po akong pinapatawa kapag malungkot ako.
.
Natutuwa naman si Nico dahil ipinagmamalaki siya ni Gino sa mga magulang nito.
.
Nico : kumusta na po ang pakiramdam nio t-tito Ferdie?
Ferdie : maayos na ako.
.
At sa pag-uusap nila ferdie at Nico ay dumating roon si Leo, at gulat na gulat si Leo ng makita ang dating amo, na ama ng pinakamamahal ng anak niya na si Yna..dahil hindi lingid sa pamilya ni Nico ang pagiging malungkutin din ni Nico dahil sa paglayo ng babaeng minamahal ng kanilang anak.
.
Leo : Boss Ferdie!!
Ferdie : uy, Leo!! Naku mabuti naman at nagkita kita tayo ulit..kumusta na?
Leo : eto boss, matanda na..
Ferdie : naku, talagang eto si Leo..laging pinapatanda ang sarili..
Leo : talagang ganun boss ferdie..bakit kayo nandito boss Ferdie?
Ferdie : sumama yong pakiramdam ko eh, nilalagnat kasi ako, kaya nagpa check-up ako.
Temyong : manong Leo, kumusta ba?
Leo : temyong, nandito ka din?
Temyong : oo, ako ang driver ni Don Ferdie..
Leo : ganun ba, naku kainam naman pala..naku, eto na ba si Esang?
Temyong : oo..
Leo : may dalaga ka na pala..naku buti nalang at nagkita kita tayo.
Temyong : kumusta si Conching?
Leo : maayos na siya..
.
at Samantalang ang phone ni Nico ay ring ng ring..at si Melanie uli ang tumatawag..kaya magpaalam muna si Nico na sasagutin niya muna ang cp sa mga kausap.
.
Belinda : kuya, pauwi na daw si Yna sa bahay..
Ferdie : ganun ba.. naku mag-aalala yun.kapag hindi tayo madatnan sa bahay..
Belinda : sigurado yun kuya..
Ferdie : naku, pano Leo, kami ay uuwi na at ang aking dalaga ay pauwi na sa bahay namin, nag-aalala yun kapag hindi ako nadatnan sa bahay.. pasyal kayo sa bahay ah.
Leo : ay oo boss Ferdie, pupunta talaga kami, lalo na ang binata ko.. mukhang may kailangan sa dalaga mo.
Ferdie : oo, mukhang magiging magbalae tayo.
Leo : oo nga boss Ferdie..
Ferdie : o sige tuloy na kami, pakisabi mo na lang kay Nico umuwi na kami..
Leo : sige, boss ferdie..
Ferdie : Leo naman, hindi mo na ako boss ngayon, mag-kumpadre na tayo..
.
napatawa ang dalawang mag-balae to be, kapwa masaya ang dalawang magulang dahil sa magkikita-kita nilang iyon, dahil Saksi ang dalawang magulang sa mga kalungkutan ng kani-kanilang mga anak..at hanggang sa tuluyan nang umalis sina Ferdie at mga kasama..samanatalang si Nico ay Sasagutin na sana niya ang phone ng biglang sumulpot ang lolo niya sa likuran niya.
.
Conrad : apo nariyan ka lang pala..
Nico : opo lolo..bakit po?
Conrad : apo, baka pwedeng ikaw na ang umattend sa bussines meeting ko, ikaw na lang ang representative ko..medyo hindi pa kasi maganda ang pakiramdam ko.
Nico : sige po lolo ako na ang bahalang umattend..wala pong problema..kailan po ba?
Conrad : bukas ng umaga apo..
Nico : sige po lolo..no problem..
Conrad : eto nga pala ang plane ticket mo.
.
Nabigla si nico sa sinabi ng lolo niya..
.
Nico : plane ticket po lo??
Conrad : oo apo.
Nico : saan po ba yong bussiness meeting natin?
Conrad : sa Hongkong ka pupunta for 3 to 4 days!
Nico : hongkong?
Conrad : oo apo, pasensiya ka na, ikaw lang ang pwede kong pagkatiwalaan..aalis ka na mamaya, kasi maaga bukas ang ang pagtitipon..may konti lang akong ididiscuss sayo pagdating natin sa bahay.
.
Walang nagawa si Nico kundi sundin ang lolo niya, hindi naman niya puwedeng pabayaan ang lolo niya, dahil masasakitin na ito..umalis na sila sa ospital dahil maayos na ang pakiramdam ng nanay niya..namroblema tuloy siya dahil sayang naman daw at wala na siyang oras para puntahan si Yna, dahil malelate siya sa Flight niya, at nanghinayang din siya kung bakit di,man lang niya nakuha ang phone number ni Yna..at pati ang tawag ni Melanie sa kanya ay hindi na niya nasagot ito.. at samantalang si Yna ay naroon na din sa bahay nila..at halos kararating lang din nila Ferdie ng mga sandaling iyon.. diretso agad si Yna sa kwarto ng papa niya..
.
Yna : papa..kumusta po kayo?
Ferdie : eto anak maayos naman na..
.
at hanggang sa pumasok si Belinda sa kwarto at may dala dala itong pagkain.. at si Ferdie at Yna ay kapwa May mga ngiti sa mukha.. parehas sila na excited na ibalita ang isa’t isa na nakita nila si Nico.
.
Ferdie : anak mukhang masaya ka ah.
Yna : opo papa ang saya saya ko po..
Ferdie : naku magandang balita siguro.. pumirma na ba si Mr. Benitez? naku ako din ay may magandang balita na siguradong matutuwa ka.
Yna : wala nga po si Mr. Benitez.
Ferdie : eh yong presidente hindi mo din ba naka-usap?
.
ngunit hindi pa niya sinagot ang tanong ng papa niya, nangingiti pa siya sa tuwa..
.
at hanggang sa naisingit na sabihin ni Belinda na naisugod ang papa niya sa hospital.
.
Belinda : Yna naisugod namin si kuya sa hospital kanina.
.
ang katuwaang nadarama ni Yna ay napalitan ng pag-aalala..napakamot na lang ng ulo si Ferdie dahil naisingit pang sabihin ang pagpunta nila sa hospital.
.
Yna : bakit papa, ano po ang nangyari?
.
si Belinda ang sumagot sa tanong ni Yna.
.
Belinda : bumigat daw yong pakiramdam ng dibdib, at nahirapang huminga.
Yna : ganun po ba.
Belinda : oh Yna ikaw na ang bahalang magpainum kay kuya ng gamot. At pupunta na ako sa kusina upang asikasuhin ko ang ulam natin mamaya.
Yna : okay po tita. Salamat tita, buti na,lang po at nandito kayo.
Belinda : mabuti nga at naisipan na magpapunta ni Gino dito.sige bababa na ako.
Ferdie : sige Belinda, salamat.
.
At lumabas na ng kwarto si Belinda, at naiwan ang mag-ama na nag-uusap.
.
Yna : naku buti po maayos na po kayo ngayon papa.
Ferdie : maayos naman na ako anak.. pero mabuti na nga lang at sumakit ang dibdib ko..
Yna : si papa talaga, ano naman po ang ikinainam nun??
Ferdie : oo..kasi nga na-flat yong gulong ng kotse?
Yna : na-flat pa po? kamalas naman po.
Ferdie : hindi malas anak, swerte at na-flatan ang gulong..
Yna : paano naman pong naging swerte yun?
Ferdie : swerte anak, itanong mo kung bakit?
Yna : bakit po?
Ferdie : kasi nga, nakita namin si Nicolas.
Yna : paano nio pong nakita..
Ferdie : kasi nga anak, na-flat yong gulong ng kotse, at pinara ni Temyong yong paparating na kotse si Nico pala ang nakadrive don..eh nagkataon pala na papunta siya ng ospital, at pupuntaham niya ang nanay niya..kaya anak, nagkausap kami sandali, kaya naliwanagan ko na,ang nangyari kaya hindi ka niya agad napuntahan dito..anak mahal ka ni Nico..kailangan nio talagang makapag-usap, at ng sa ganun ay ibalik nio ang dating kayo..dahil alam ko na mahal nio ang isat isa.
.
at lahat ng mga nalamang dahilan ni Ferdie kay Nico kung bakit hindi agad napuntahan ni Nico si Yna, sinabi din ni Ferdie na sinubukansiyang habulin ni Nico sa airport, sinabi niyang lahat kay Yna, may magagandang ngiti na sumiwang sa mga labi ni Yna..napakasaya ng puso ni Yna sa mga sandaling iyon.
.
Ferdie : tingnan mo anak, ang ganda ng mga ngiti mo. Diba ganda ng balita ko sayo.
Yna : papa, ang saya ko po!
Ferdie : halata nga anak, masaya din ako..anak, kailangan niong mag-usap ni Nico, sinabi ko sa kanya na pumunta siya dito, para magkausap kayo anak.
Yna : papa talaga po, salamat papa.
Ferdie : wala yun anak, basta para sayo anak..siya nga pala, kumusta yong pinuntahan mo?
Yna : papa, wala po si Mr. Benitez..
Ferdie : yong presidente na lang sana yong kinausap mo..
Yna : opo.
.
masaya si Yna kaya di niya mapigilan ang mga ngiti sa labi.
.
Ferdie : anak, tingnan mo ang ganda-ganda mo kapag nakangiti ka.
.
nasisiyahan din si Ferdie dahil sa nakikita na niya na may ngiti sa mga labi ng anak, yong totoong ngiti, dahil kilala niya ang anak. alam niya kung malungkot ito o masaya, alam niya kung totoo at hindi totoo ang ngiti nito.
.
Yna : papa, ang tagal ko ding pinahirapan yong sarili ko, nagsisisi ako kung bakit lumayo pa ako noon..natakot lang po kasi ako na baka hindi ako totoong minahal ni Nico, natakot ako na baka pera lang ang hinangad niya..naiinis ako sa sarili ko papa ang tanga tanga ko..ako ang nagpahirap sa sarili ko..
Ferdie : eh ngayon alam mo na, kaya gumawa ka na din ng paraan para maka-usap mo siya..naku nakalimutan ko nga pala hingin mvan lang yong number niya..at nakalimutan kong itanong ang address nila.
Yna : huwag kang mag-alala papa, alam ko po kung saan pupuntahan si Nico.
Ferdie : ha, talaga anak, alam mo naman pala bakit hindi mo pa siya pinuntahan agad, sana ay nagkausap na kayo.
.
Ngiti lang ang tugon niya sa papa niya, iniisip pa niya kung sasabihin ba niya lahat ng nangyari sa kanila ni Nico..pero ang sinabi niya sa papa niya ay ang pagkikita nila s Benitez building.
.
Yna : alam mo ba pa, nang magpunta ako sa,Benitez group of company, wala si Mr, Benitez, pero nandoon yong president ng company..
Ferdie : nakausap mo ba ang presidente?
Yna : hindi po kami masyadong nagkapag-usap.
.
Habang nagsasalita si Yna ay hindi nawawala ang mga ngiti niya sa mga labi..dahil sa hanggang ngayon ay naiisip pa din niya ang mga halik ni Nico sa mga labi niya..hindi nga sila nagkausap ng presidente ng kompanya, ngunit ang mga puso naman nila ni Nico ang nag-usap..
.
Ferdie : alam mo anak masaya ako dahil nakikita ko na masaya ka, naliligayahan ang kalooban ko kapag nakikita ko na masaya ka..kaya kahit na hindi na muna natin makausap yang si Mr.Benitez ayos lang.
Yna : pero papa..hindi kami nagkausap ng presidente ng mabuti dahil sa h-hinalikan niya ako eh, matagal(kinikilig na sabi)
.
Gulat na gulat si Ferdie sa sinabi ng anak.
.
Ferdie : ano? Paki-ulit mo nga yong sinabi mo?
.
Yna : hinalikan po ako..di na po ako nakatanggi eh(kinikilig na sabi)
.
Hindi alam ni Ferdie ang sasabihin dahil sa narinig sa anak, at mukhang hindi gumanda ang pakiramdam niya..at naglalaro sa isip ni Ferdie may iba na bang nakilala ang anak, at bakit hindi niya alam, hindi nagsasabi sa kanya ang anak, sa isip ni Ferdie paano si Nico.
.
Ferdie : anak, paano si N-nico?
.
Natatawa naman si Yna dahil sa reaksiyon ng papa niya..binibitin bitin pa ni Yna sa ama ang natuklasan niya na ang presidente ay si Nico.
.
Ferdie : anak, bakit ka naman pumayag na halikan ka ng presidente ng kompanya?(nagaalalang sabi)
Yna : mahal ko po siya papa, at walang oras at araw na hindi ko siya naiisip.
Ferdie : ano!!!..eh paano naman si Nico??
Yna : si Nico nga po.
Ferdie : ano? Parang naguluhan ako..
Yna : papa si Nico at ang Presidente ng kompanya ay iisa.
Ferdie : ha? Ang presidente ng Benitez group of Company at si Nicolas ay iisa?
Yna : opo..
.
Halos hindi makapaniwala, si Ferdie.,si Nicolas pala ay isang Prisedente ng isang malaking kompanya.
.
Ferdie : talaga ba anak?
Yna : opo papa, at si Nico din po pala ay apo bi Mr. Benitez..
Ferdie : apo siya ni Mr. Benitez. Paano kaya siyang naging apo ni Mr. Benitez..may mayaman naman palang kamag anak sila Leo.
.
Sa pag-uusap nila Ferdie at Yna ay kumatok si Esang..
.
Yna : Esang bukas yan.
.
At dahan dahan na binuksan ni Esang ang pinto..at ng tuluyan ng makapasok si Esang sa loob ay…namangha si Ferdie sa nakita na hawak ni Esang, hindi nakita ni Yna ang hawak ni Esang dahil nakapatalikod ito, nakita ni Yna ang naging reaksiyon ng mukha ng ama kaya napatingin na din siya kay Esang, paglingon niya ay ganun na lang ang din ang pagkamangha niya, dahil sa hawak na bulaklak ni Esang, isang Boquet of flowers..napakaganda ng pagkaka-arrange nito.
.
Esang : ate Yna, may nagpadala po sa inyo ng bulaklak.
.
Iniabot ni Esang ang bulaklak sa kanya..kinuha naman niya ito..
.
Ferdie : kanino kaya galing yan?
Yna : hindi ko po alam pa..
.
At binukasan ni Yna ang note na nakalagay sa bulaklak. At ng mabasa niya kung kanino galing ay hindi na niya napigilan na matawa ng makuta ang pangalan ni Nico.
.
Ferdie : parang alam ko na kung kanino galing yan..
Yna : galing kay nico papa..
Ferdie : sabi na nga ba..maganda kasi yong ngiti mo eh..
.
nasisiyahan si Ferdie sa nangyayari ngayon sa anak, nag-papasalamat siya dahil sa nakikita na niyang masaya ang anak..at nahiling niya na sana ay tuloy tuloy na ang pagiging masaya ng anak.
.
Ferdie : ang ganda ng mga bulaklak ano anak, kasing ganda ng ngiti ng anak ko.
Yna : salamat papa.
.
nakatitig lang si Yna sa bulaklak, tuwang tuwa ang puso niya, dahil sa kay Nico galing ang bulaklak..at Samantalang si Nico ay nasa airport na at pasakay na ito ng eroplano, at ibinilin niya sa secretary niya ang mga ipapagawa niya habang nasa hongkong siya, at lumipas...


ang mga ilang oras ay nakarating na din di Nico sa hongkong.. Samantalang si Yna, ay lagi nakatingin sa bulaklak na pinadala sa kanya ni Nico..inilagay niya iyon sa may flower vase at ipinatong niya sa lamesita sa tabi ng kama niya.habang nakahiga siya ay inaalala niya ang gabi na may nangyari sa kanila ni Nico..nami-miss na niya si Nico, gusto na niya uling makita ito..at lumipas ang mga oras ay nakatulugan niya ang pag-iisip kay Nico, at hanggang sa lumipas ang magdamag, at sumapit na ang umaga, mabilis na bumangon si Yna dahil mukhang napasarap ang tulog niya..pagbangon ay diretso agad siya sa banyo upang maghilamos..at ng matapos na ayusin ang sarili ay lumabas na siya ng kwarto niya at pinuntahan ang ama..ngunit pagpasok niya sa kwarto ng ama ay wala ito..lumabas din agad siya, at may nakita siyang kasambahay at tinanong niya kung nasaan ang papa niya, nalaman nga niya na nasa garden pala ito, kaya pinuntahan niya ito nakita niyang nagbabasa ito ng dyaryo.
.
Yna : good morning papa!
Ferdie : good morning anak, mabuti at gising ka na. Tamang tama handa na ang breakfast natin, hinihintay talaga kita para may kasabay akong kumain, inaaya kong kumain si Temyong, kumain na daw naman..maaga pala silang nag-aalmusal ni esang..
Yna : kumusta yong pakiramdam mo papa?
Ferdie : maayos na ako anak..
Yna : sigurado ka papa..
Ferdie : oo anak, okay na ako!
Yna ; pero huwag po muna kayong pumunta ng opisina..pahinga po muna kayo papa..ako na po muna ang bahala doon.
Ferdie : sige anak. Alam ko naman na maaasahan kita diyan..kumain na tayo.
.
At nag-umpisa na ngang kumain ang mag-ama, pagkain ni Yna, ay gumayak na din siya agad..at lumipas ang mga oras ay nakarating na din siya sa building nila, at tumuliy na siya sa opisina niya.
.
Secretary : good morning ma’am! (Nakangiting bati niya sa amo)
Yna : good morning daisy!
Daisy : ah. Mam nasa loob na po ng opisina niyo si Mrs. Santos.
Yna : ah ganun ba..kanina pa,ba siya?
Daisy : ahm, mga 20mins. po..
Yna ; okay, paki,check mo yong mga appointments ko ha.
Daisy : opo mam.
.
At pumasok na, nga si Yna sa opisina na, at pag-pasok pa lang niya ng pinto ay may nakita siya sa table niya na isang bouquet ng bulaklak..magtaka siya kung bakit may bulaklak sa table niya, bakit walang sinabi si Daisy sa kanya tungkol dito..at hanggang sa pinagtuunan na niya ng pansin amg panauhin dahil bumati ito sa kanya, pinaupo na niya ang panauhin.
.
Mrs.Santos : ang ganda naman ng bulaklak mo, Ms. Villaroman..
Yna : opo..kanino kaya galing ito.
.
Binuksan niya ang card at gaun na lang ang tuwa ng puso niya ng malamang kay Nico uli galing ang bulaklak.
.
Mrs.Santos : galing siguro sa boyfriend mo?
.
Ngunit ngiti lang ang sagot ni Yna, at inilagay na niya muna sa may ibabaw ng cabinet ang bulaklak, at nakipag-usap muna si Yna sa kanyang panauhin tungkol sa mga bussiness nila…at hanggang sa lumipas ang mga oras ay naging maganda ang mood niya, na napansin naman ng secretary niya ang pagiging maganda ang mood niya..at inireport ni daisy sa ama nito na si Ferdie..sinabi ng secretary ni Yna kay ferdie na masaya ito buong maghapon dahil sa natanggap na bulaklak..at hangang sa natapos na naman,ang buong maghapon ng trabaho..nakauwi na si Yna, at dumating siya sa bahay nila na may ngiti iti sa kanyang labi ng salubungin siya aa pinto ng ama niya..at excited siya na ibalita sa ama, na binigyan uli siya ng bulaklak ni Nico..nagkunwari naman ang ama nito na hindi niya pa alam, dahil nasabi na ito ni Daisy.
.
Ferdie : talaga anak!
Yna : opo papa..(kinikilig niyang sabi)
.
At hanggang sa dumating na naman ang panibagong araw. Pagpasok niya ng opisina ay meron na namang boquet of flowers sa table niya..at dali dali niya uli na binasa ang card, nakabasa na naman siya ng mga sweet message mula kay Nico..naging maganda na naman ang araw niya, ay lagi niyang binabasa ang mga card na mga sweet message ni Nico sa kanya, paulit ulit niyang binabasa iyon, at samantala naman ay may biglaang panauhin si Yna..at ngayon ay kausap ni Daisy..
.
Daisy : good morning ma’am!!
Nico’s secretary : good morning, nandiyan ba si Ms. Villaroman?
Daisy : may appointment po kayo sa kanya ma’am?
Nico’s secretary : wala eh, ako si Mary Joy, secretary ako ni Mr. Nicolas De Jesus, pakisabi mo na lang kay Ms. Villaroman.
Daisy : sinong Nicolas De Jesus po ma’am?
Mary Joy : ah President ng Benitez Group of Company.
Daisy : ah okay po sandali po at sabihin ko,lang sa kanya ha, pasensiya na po at masyado akong matanong.
MaryJoy : okay lang sis, ganyan talaga ang trabaho natin, para hindi tayo mapagalitan.
Daisy : oo nga. Sandali lang ha.
.
At pumasok si daisy sa opisina ng amo.
.
Daisy : ma’am may bisita po kayo, si MaryJoy, secretary daw po siya ni Nicolas De Jesus ang president ng Benitez group of company.
.
Natuwa si Yna ng marinig niya ang pangalan ni Nico..excited siya na malaman kung ano ang pakay ng secretary nito.
.
Yna : ah sige, papasukin mo.
Daisy : okay ma’am.
.
At hindi nga nagtagal ay naroon na ang secretary ni Nico sa loob ng opisina ni Yna..at natandaan nga niya ang mukha ng secretary ni Nico na iyon, nagpapasalamat siya dahil sa mga nalaman niyang inpormasyon tungkol kay Nico, at lalo na sa Janitress na nakapagsabi na siya ang totoong mahal ng amo.
.
MaryJoy : hi ma’am!
Yna : Hello, maupo ka.
MaryJoy : salamat po, ang ganda po ng opisina nio ma’am.
Yna : salamat..ano nga pala ang atin..
MaryJoy : naku, opo nga pala..ikaw ma’am ha, kayo po,pala yong Yna di nio sinabi sakin.
.
Nangingiti lang si Yna sa sinasabi ni MaryJoy.
.
MaryJoy : ah mam. Si Sir Nico po nasa hongkong po siya ngayon, siya po ang representative ng lolo niya, kaya po ibinilin po niya na ibigay ko po sa inyo ito ma’am.
.
May inaabot si MaryJoy na sobre kung saan ay naglalaman ang mensahe ni Nico kay Yna.
.
Yna : (kinuha ang sobre)..nasa hongkong pala siya.
MaryJoy : opo ma’am..umalis din pi siya nong time na nagkita kayo..
Yna : ganun ba.
MaryJoy : opo mam..ah mam Hindi na din po ako magtatagal kasi po, madami pang inuutos sakin si Bossing eh..
Yna : ah okay..salamat maryjoy!!
MaryJoy : you are welcome ma’am..
.
At lumabas na si MaryJoy sa opisina ni Yna, nagpaalam muna si MaryJoy kay Daisy..at samantalang si Yna ay mabilis niyang binuksan ang sobre, at binasa niya ang message ni Nico sa kanya
.
“” mahal ko, sorry kong hindi na ako nakapag-paalam sayo, biglaan ang punta ko sa hongkong, pero pagbalik ko gusto kong mag-kita tayo, mag-usap tayo, miss na miss kita mahal ko, hindi na ako makapaghintay na makasama ka sa buhay ko..mahal na mahak kita…ikaw lang ang hinahanap ng puso ko, at ikaw ang buhay ko, at ikaw ang Aking Prinsesa na kokompleto at magbibigay kulay sa buhay ko..mahal na mahal kita.””
.
Maligayang maligaya ang puso ni yna sa mga sandaling iyon, halos hindi na niya natapos basahin ang letter ni Nico dahil sa hilam na hilam na ang mga mata niya sa luha, dahil sa kagalakang nadarama ng kanyang puso..at hanggang sa natapos ang maghapon, natapos na naman ang maghapon sa pagtatrabaho, masayang umuwi si Yna sa kanilang bahay, at masaya din ibinalita sa ama, na magkikita sila ni Nico at magdidinner sila..dahil iyon ang sabi ni Nico sa sulat.
.
Ferdie : salamat naman at magkaka-usap na kayo..masaya ako para sayo anak…
Yna : masayang masaya ako papa, akala ko wala na talaga kaming pag-asa ni Nico.
Ferdie : meron anak. Kung talaga kayo ang nakalaan sa isat isa, kahit gaano katagal kayong nagkalayo..kayo parin hanggang sa huli.
.
At hanggang lumipas na muli ang magdamag, maagang nagising si Yna dahil sa excited siya sa pagkikita nila ni Nico, at halos hindi siya nakatulog sa sobrang excitement niya, sa wakas, magkakausap na sila ng maayos.
.
Ferdie : anak, ang aga mo namang nagising, abay alas singko pa lang ng umaga ah, dapat nakatulog ka pa niyan, parang gabi ka ng nakatulog kagabi ah,,madaling araw na nakabukas pa yong ilaw mo, nakikita ko sa bintana mo..
Yna : hindi na ako makatulog papa, naiinip na ako kaya bumangon na din ako..
Ferdie ; ganun ba..
.
At habang naghihintay si Yna na magliwanag ng mabuti ay nag-exercise muna siya, na matagal niyang hindi nagagawa..nagpapawis siya ng husto, nag-jogging siya, inikot niya ang buong bakuran nila dahil maluwang naman ito, at halos tagaktak ang pawis niya..at ng sikat na ang araw ay nag, huminto na si Yna, nagpahinga muna siya bago siya naligo, nagpunta siya sa may garden nila at inikot ang mga halaman, tuwang tuwa siya ng makita na hitik sa bulaklak ang mga halaman nila, natutuwa siya at hindi pinababayaan ni yaya Meding niya ang mga halaman nila, na inumpisahan pang itanim ng mama niya ang mga halaman na iyon..at hanggang sa nilapitan siya ng guard nila.
.
Guard : mam Yna, may nagpapabigay po.
.
Nilingon niya ang gwardiya at nakita niya na may hawak uli itong bulaklak.
.
Yna : manong kanino po galing yan.?
Guard : mam sa delivery boy po..hindi po sinabi kung kanino..
Yna : okay po manong, salamat.
.
Agad niya uling tiningnan ang card, at tama nga ang hinala niya, kay Nico galing ang bulaklak..at may message pa ito.
.
” i cant wait to see you..,I love you more than my life..”
.
Napayakap siya sa bulaklak na bigay ni Nico..at gumuhit ang mga ngiti ni Yna..at hindi niya pansin na naroon ang yaya meding niya.
.
Yaya : mukhang masaya ang alaga ko ah.
Yna : yaya.,ikaw pala..opo yaya masaya po ako. Kasi magkikita na kami ni Nico..
Yaya : talaga anak?
Yna : opo ya!!
Yaya : salamat naman, at dininig ng Diyos ang panalangin ko na sana balang araw ay maging masaya ka din.at mahanap mo na ang kaligayahan mo.
.
Napayakap si Yna sa kanyang yaya..
.
Yna : ya, salamat po ah, lagi po kayong nandiyan para sakin, salamat po at hindi nio ako iniwan, buhat po nang mamatay si mama, hanggang ngayon nandito pa po kayo, salamat po dahil hindi mo kami iniwan ni papa..ni hindi na po kato nagka-pamilya.
Yaya : ikaw na ang naging buhay ko Yna..masaya ako na inaalagaan kita, parang hindi ko na din kasi kaya kung lalayo pa ako sayo..nasanay na ako na lagi kitang nakikita at nakakasama, kaya sobra akong natakot ng mapahamak ka, akala ko hindi na kita makikita, salamat sa Diyos at pangalawa kay Nico dahil hindi ka pinabayaan..kaya sana, makilala ko na si Nico ang taong nagligtas sayo sa panganib..
Yna : hayaan mo yaya, ipakikilala ko siya sa iyo..magkikita na kami mamaya.
Yaya : talaga hija!! Naku natutuwa naman ako sa balita na yan..
Yna : thank you talaga yaya ha..
Yaya : salamat din, dahil kahit yaya mo lang ako, ay itinuturing mo akong parang nanay mo..hala tama na ang drama at akoy naiiyak na..ang ganda naman ng mga halaman natin, magaling talagang mag-alaga si Esang ng mga halaman, alam mo ba yong bata na yun kinakausap pa niya yang mga halaman na yan..
Yna : si Esang po ang nag-aalaga nito?
Yaya : oo, mahilig pala siya sa mga bulaklak, paano daw trabaho daw nila ng nanay niya ang magtanim ng mga ibat ibang klase ng mga halaman, kaya kinahiligan niya ang pag-aalaga ng mga halamang namumulaklak.
.
At naalala nga ni Yna na madaming mga halaman sa bahay nila esang noong nagpunta sila ni Nico sari saring mga halaman ang nakatanim sa paligid ng bahay nila esang..kaya bago pumasok si Yna sa loob ng bahay nila ay pumunta muna siya sa bahay ng mag-ama sa likod bahay nila..at namangha si Yna ng makita ang mga halaman na nakatanim sa may paligid ng bahay na tinutuluyan nng mag-ama, natatandaan pa niya na kapag pinagtataguan niya ang yaya meding niya ay doon siya pumapasok sa bahay na iyon..nakita niya ang mga halaman na hitik din sa mga bulaklak.
,
Yna : magandang umaga po mang temyong.
Temyong : magandang umaga din Yna..may kailangan ka ba?
Yna : wala po, binibisita ko lang po kayo..matagal din akong hindi napupunta dito sa likod bahay..
Temyong : oo nga, paano lagi kang nasa opisina, halos gabi ka ng dumating.
Yna : si Esang po?
Temyong : nariyan sa likod, nagtatanim yata ng halaman..
Yna : ah, puntahan ko na lang po siya.
Temyong : sige.
.
At nagpunta nga si Yna sa likod ng bahay si Yna, at nakita nga niya na nagtatanim ito ng halaman,
.
Yna : esang.
Esang : ate Yna ikaw pala.
Yna : ang gaganda naman ng mga halaman mo, paano mong napaganda ang mga halaman, pati yong sa garden ang ganda.
Esang : tamang pag-aalaga lang po ate.
Yna : ang tagal nating hindi nagchichikahan ano.
Esang : opo nga ate.
Yna : kumusta naman ang pag-aaral mo.
Esang : okay naman po.
Yna : baka naman napapabayaan mo yong pag-aaral mo dahil sa pag-aalaga mo sa mga halaman ah.
Esang : ah hindi po ate..kapag natapos ko na po yong mga homework ko at natapos na akong makapag-review saka lang po ako nagpupunta sa garden kasi po narerelax ang isip ko kapag nakikita ko sila..ang ganda naman ng bulaklak mo ate.
Yna : ah oo, galing kay Nico.
Esang : mabuti po at nagkita na kayo ni Kuya kulas..alam niyo po, sobra pong nalungkot si kuya kulas ng magpunta po kayo ng america..bago po kasi kami nagputa dito, nagpunta muna si Kuya kulas samin, sobrang lungkot po niya, at hindi niya daw po kayo naabutan sa airport, kung kaya nga lang daw po niyang habulin ang eroplano sa ere hinabol niya, natatawa nga po ako kay kuya kulas parang babae na iyak ng iyak habang nagkukwento po sa amin ni Tatay, mahal na mahal daw po niya kayo.
.
Sobrang ligaya ng puso ni Yna sa mga sinabi ni Esang tungkol kay Nico..hindi niya napigil ang luha na bumagsak, dahil sa awa niya kay Nico..kung nalaman lang niya sana agad na mahal siya talaga ni,Nico hindi na lang sana siya lumayo..
.
Esang : naku, ate Yna pasensiya ka na ha, hindi ko napigilan ang dila ko ang daldal ko kasi..
Yna : hindi Esang, masaya lang ako, kaya ako naiiyak..sige ipagpatuloy mo na yong ginagawa mo, pupunta na ako sa bahay..
Esang : sige po ate Yna..
Yna : Esang salamat ha..
Esang : po, para saan naman po?
Yna : sa pagkukwento mo tungkol kay kuya kulas mo. Gusto ko ding malaman mo, mahal na mahal ko din ang kuya kulas mo.
.
At tuluyan ng umalis si Yna at pumasok na siya sa bahay nila..masayang masaya siya dahil sa mga nalalaman niya kay Nico na mahal siya talaga ni Nico..
,
Ferdie : oh anak, saan ka ba galing. Kanina pa kita hinahanap..
Yna : doon po kila Esang..nagbreakfast ka na pa?
Ferdie : hindi pa nga, hinihintay kita, ayaw naman akong kasabay ni Yaya meding.
Yaya : ay naku, don ferdie hindi ako mabubusog kapag kasabay ka..
Ferdie : abay bakit naman..gwapo naman ako.
Yaya : abay, hindi ako mabubusog kapag naka-kutsara’t tinidor..ayoko yong subo na halos hindi ako matitinga.
Yna : kasi naman papa, kapag gusto mong kasabay si,Yaya, magkakamay ka.
Ferdie : sa,susunod magkakamay na ako, basta ba sasabayan mo akong kumain meding.
Meding : ayoko pa din, nahihiya naman ako sa malaki kong subo..
Ferdie : ayos lang, kahit malaki ang subo mo..makasabay lang kitang kumain Meding.
Meding : ay huwag na don ferdie, maghanap ka na kasi ng makakasama mo sa buhay at ng sa ganun ay may kasabay ka ng palaging kumain.
Ferdie : nakow, hayaan mo na yun, nariyan naman ikaw at si Yna..
Meding : hmp.mabuti pa ay kumain na kayong mag-ama,.at gutom lang yan.
.
Natatawa na lang si Yna sa pangungulit ng ama sa yaya meding niya..at nakadulog na nga silang mag-ama sa hapag-kainan..madaming nakain si Yna, parang noong lang siya ginanahang kumain..at ng makatapos kumain ay umakyat na siya sa kwarto niya at naligo siya, at lumipas ang oras at nakagayak na siya dahil papunta siya ng opisina at meron siyang appointment sa araw na iyon..bago siya umalis ay nagpaalam muna siya sa,papa niya.
.
Ferdie : akala ko ba anak magkikita kayo ni Nico ngayon?
Yna : opo papa, mamaya pa po yun mga 7 am..pupunta po siya dito mamaya susunduin daw po ako at magdi-dinner kami sa labas.
Ferdie : ganun ba anak.sige.
Yna : uuwi din po ako agad kapag naka-usap ko na si Mr. Castro.
Ferdie : okay anak, para naman makapag-ready ka mamaya..siguraduhin mong magandang maganda ka mamaya kapag nakita ka niya..(nakangiti niyang sabi)
Yna : papa maganda na po ako..
Ferdie : alam ko anak, para lalo ka pang gumanda.
Yna : hayaan mo papa nagpapaganda talaga ako ng todo.
Ferdie : masaya ako anak, kasi sa wakas ay natapos na yong paghihirap ng kalooban mo.
Yna : na ako naman po ang may kasalanan kung bakit naghirap ang kalooban ko..at pinahirapan ko din pla ang kalooban ng mahal ko.
Ferdie : o siya sige anak, pumunta ka na at ng makabalik ka.
Yna : sige po papa.
.
yumakap at humalik muna si Yna sa papa niya.
.
Ferdie : hay yong anak ko, mag-aasawa na siya malapit na niya akong iwan dito sa bahay.
Yna : papa!
Ferdie : pasensiya ka na anak..na-mimiss kasi kita..o sige na nga, bkit ba nakaka-isip ako ng kadramahan.
.
sa usapan ng mag-ama ay biglang dumating si yaya Meding.
.
yaya : Yna, nakalimutan mo yong celphone mo sa kwarto mo..
Yna : ay salamat po, ya tingnan mo si papa nagdadrama.
Yaya : hayaan mo ng magdrama yang papa mo.
Ferdie : paanong hindi ako magdradrama baka mamaya kapag umalis ka dito sa bahay ay iwanan na din ako ni Meding.
Yna : oh yaya, huwag mo daw iiwanan si Papa dito ah.
Yaya : naku bahala na, sasama ako sa’yo anak.
Ferdie : o tingnan mo na, iiwanan talaga ako.
Yaya : kasi naman Don Ferdie, manligaw ka na kasi para magkaroon ka na ng makakasama mo dito sa bahay para kapag ng kapamilya na si Yna meron kang makakasama sa buhay, diba sabi mo nga nakita mo na si Eloisa na kaibigan mo.. bakit Kya di mo siya ligawan dalaga pa din naman.
Ferdie : ayoko nga di Eloisa di ko siya gusto.
Yna : hay naku, maiwan ko na po kayo diyan na dalawa at ako po ay tatanghalin na.
Yaya : o sige anak, mag-iingat ka..
Yna : opo yaya, ikaw na bahala sa kadramahan ni papa..
Yaya : oo, bahala siya magdrama mag-isa at ako ay pupunta na sa kusina.
Ferdie : huwag mo akong iwanan Meding .
.
natatawa na lang si Yna kapag kinukulit ng papa niya ang yaya niya, halos mag-kasing edad lang ang yaya niya at ang papa niya..si Yaya Meding niya ay matagal na daw naninilbihan ito sa mga magulang niya, si Yaya Meding ang pinaka-una unahang naging kasambay ng papa at mama ni Yna, naging magkaibigan ang mama ni Yna at si Meding na kahit minsan ay hindi katulong ang turing ng mama ni Yna kay Meding kundi para na nila itong isang kapamilya nila..at ng bago mamatay ang mama ni Yna ay hiniling kay Meding na huwag daw iwananan si Yna.. kaya sinunod ni Meding ang bilin ng ina ni Yna.. hindi na nakapag-asawa si Meding dahil buong buhay niya ay iniukol niya kay Yna sa pag-aalaga niya dito.,.at samantala naman, si Nico ay palapag na ang eroplanong sinasakyan niya, masaya siya dahil mga ilang minuto na lang ay makikita na niya ang babaeng minamahal..at halos hilahin na nga niya ang mga oras para makauwi na agad siya, kaya ngayon ay eto na siya..kaya nga ng makita niya ang sundo niya ay tuwang tuwa siya dahil mapupuntahan na niya si Yna..at sinabi ni Nico sa driver na magtaxi na lang ito at pupuntahan na niya si Yna..at sumakay agad siya sa kotse at pinaandar niya agad at mabilis na siyang umalis sa lugar na iyon, excited na siyang makita si Yna..sabik na sabik na siyang mayakap at mahalikan muli ang minamahal, ang babaeng laman ng puso at isipin niya..at ang kanyang Prinsesa..at hanggang sa lumipas ang kulang isang oras ay natatanaw na niya ang building na pag-aari nila Yna..at hanggang sa di inaasahan ay may natatanaw siya na lalaki na pinukpok sa ulo, at napabagsak ang lalaki sa kalsada, kinilabutan si Nico sa nakita, at ang kotse ng lalaki ay tinangay ng mga apat na kataong lalaki, mabilis itong tumakas..nakaramdam tuloy ng kaba si Nico..marami na daw talagang masasamang tao sa mundo..at hanggang sa malapit na talaga siya sa building nila Yna. At nakaramdam siya ng sobrang kaba. dahil sa nakita niyang pangyayari at sa tapat pa mismong building nila Yna.. inihinto na ni Nico ang kotse niya at bumaba na sa kotse naki-isyuso siya sa mga tao na nakapalibot sa lalake.. at ang lalake ay unti-unti nang nagkakamalay.. at tinulungan ito ng Guard na makatayo.. at nasa pag-aalala ang lahat ng tao doon, at hanggang sa mga naglabasan na ang mga tao sa building at ang lahat ay natataranta.. May tila anong kaba ang naramdaman ni Nico.. at hanggang sa lumapit siya sa lalaki na napukpok, at napag-alaman niya na driver pala ito, at ganun na lang ang gimbal niya ng marinig niyang sinabi na..
.
lalaki : tumawag na kayo ng pulis at baka kung mapaano si Mam Yna..tinangay siya ng mga lalaki..
Guard : tumawag na kami..
.
at hanggang sa narinig niya ang isang babae na tinatawagan si Ferdie..at narinig niyang sinabi ng babae na kinidnap ang amo.
.
maliwanag na maliwanag ang pagkakarinig niya si Yna ay kinidnap, at sakay si Yna ng kotse..gimbal si Nico sa nalaman.
.
Nico : Yna!!!
.
dali daling sumakay si Nico sa kotse niya at pinatakbo niya ng mabilis ang kotse.. bumubusina siya ng bumubusina upang maalarma ang mga ibang sasakyan, na ibig sabihin ay isang emergency..kaya lumilihis naman ang mga ibang sasakyan..at hanggang sa napansin naman ito ng mga awtoridad na nasa kalsada, kaya sinundan naman siya ng mga ito at ngunit napahinto siya ng makita ang kotse na pag-aari ni Yna, hininto niya agad ang kotse niya at agad na bumaba para tingnan ang loob ng kotse ni Yna, inaninag niya ito dahil sa tinted ang bintana, mahirap makita ang loob..ngunit walang tao ang loob, at sinubukan niyang buksan ang kotse bukas ito..at nakita niya ang bag ni Yna sa likod.,binulatlat ni Nico ang laman ng bag, naroon ang celpon ni Yna at nakita pa niya ang mga card na may nakalagay na pangalan niya, iyon ang mga card na nakalakip sa mga bulaklak na ibinibigay niya na inuutos niya sa secretary niyang si MaryJoy.
.
Nico : Diyos ko po, wala naman po sanang mangyareng masama kay Yna.
.
At hanggang sa nilapitan siya ng mga pulis at sinita siya kung bakit mabilis siyang nagpapatakbo..at sinabi niya naman ang dahilan, naniwala naman ang mga pukis dahil kinontak sila ng ibang unit na pinahahabol ang plate number ng kotse, at nakompirma ng mga pulis na inabandona na ang sasakyan, pero wala ang babaeng may ari nito.
.
Hindi alam ni Nico ang gagawin, halos maiyak siya sa takot para sa babaeng minamahal..napasuntok na lang siya sa pader dahil sa galit sa mga masasamang tao..at parang nawalan ng pag-asa si Nico, kung kelan na maaayos na nila ni Yna ang problema nila, ay saka naman nangyari ito.
.
Itutuloy..


Leave a Reply

Your email address will not be published.