1

aasa pa ba ko?

So eto na guys, Hi ako nga pala si jessica. dito nagsimula yun. First day ng class at ako ay grade 8 student na sa isang kilalang private school samin (di kona babanggitin) old student nako, papasok nako sa classroom nun kasama ang mga kaibigan ko na sina Kim, kyla etc. Masayang masaya ko kase magkakaklase ulit kami dahil kaklase ko sila nung grade 7. Dumating na ang adviser namin, at may dalang listahan ng mga pangalan ng student at ang sabi ni ma’am kung sino daw di mababanggit ibig sabihin hindi daw doon ang section at pumunta sa office para tignan ang pangalan kung saang section talaga, syempre kinakabahan kami kase baka may malipat so ayun na nga natawag silang lahat samantalang ako hindi, paiyak nako nun kase ibig sabihin diko na sila kaklase, so sabi ko baka di ko lang narinig pinaulit ko pa nga kay ma’am e pero hindi daw talaga ko dun so lumabas nako at pumunta sa office, napakaraming estudyante dun...


at syempre pinilit kong makasingit at nakita ko ang pangalan ko sa section na “Quartz” umakyat ulit ako sa building namin at hinanap ang section na yun, sa unang room sa first floor may babaeng nakatayo sa tapat nun at tinanong ko kung anong section yun at ang sabi niya ay quartz so pumasok nako, andami naming nakatayo sa likod kase maraming nalipat, napangiti ako nung nandoon si Mira yung isa ko pang kaibigan at yun tinignan ko sila isa isa at ang umagaw sa pansin ko ay ang isang chinito, maputi, matangkad at cute na lalake. Pero iniwas ko din kase agad yung tingin ko dahil kagagaling ko lang sa break up at yun. Akala ko pa nga transferee siya dahil first time ko lang siyang nakita at yun na. Dun ako umupo sa tabi ni mira, at nagsimula na nga ang unang araw ng klase namin. Inayos agad ang proper seat at sa di inaasahang panahon, katabi ko si cute boy……… (continue)


One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *