0

𝗠𝗬 𝗕𝗒𝗬𝗙π—₯π—œπ—˜π—‘π—— π—ͺπ—˜π—”π—žπ—‘π—˜π—¦π—¦ π—¦π—œπ——π—˜


Report

𝗠𝗬 𝗕𝗒𝗬𝗙π—₯π—œπ—˜π—‘π—— π—ͺπ—˜π—”π—žπ—‘π—˜π—¦π—¦ π—¦π—œπ——π—˜βž.]
Isang araw may isang mapupunta sa ’yong mahinang tao. Ay sa unang tingin natin sinasabi nating malakas sila. Na akala natin matapang sila. At ’yun ’yung akala natin sa kanila.
Kumbaga sa pader. P’wede rin tayong malugmok. Gaano man tayo katibay. Gaano man tayo katapang, pag dumating ang malaking pagsubok at kung ipaparanas sa atin ang bigat at sakit. Lalo na ang kung ano ang kahulugan ng buhay at pagmamahal. Nagiging mahina talaga tayo at mas lalong nawawalan ng lakas.
May boyfriend akong magaling magpanggap na ayos lang ang lahat. Magaling magtago ng nararamdamang bigat at lungkot, minsan. Pero, siya ’yung boyfriend ko na β€˜di marunong magsinungaling sa nararamdaman niya. Sinasabi kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Kahit minsan masakit ang mga salita niya. Alam ko nagpakatotoo lang siya sa sarili niya at sa akin.
β€œMahal, sorry. Ito ako mahina. Naiintindihan ko naman kung ano ang tunay na kahulugan ng buhay pero, nakapapanghina minsan Mahal.” Wala akong ibang nasabi sa oras na ’’yun. Maski ako, ’di ko alam. Ang alam ko lang ngayon. Ayokong nakikitang mahina siya at masasaktan.
β€œAng buhay, minsan. Mapaglaro talaga. Lilinlangin tayo. Ngayon, ok tayo bukas hindi na naman,” sabi ko sa kan’ya.
“Ang daya, nakakainis. Hindi ko mapigilang malungkot ngayon o kaya pigilan ang emosyon ko,” Sagot lang nitong parang bata.
“Minsan paulit-ulit lang yung nangyayari. P’wede raw magpahinga. Kaso nga lang minsan. Kahit anong pahinga mo. Pagod ka parin. Pero, ito lang naman ang gusto ko sabihin sa ‘yo. Hanga ako sa tapang mo. Sa pagharap palagi sa bawat pagsubok.” Mahabang lintaya ko sa kan’yang umaagos na parang waterfalls ang bawat luha ko sa pisngi ko. Nando’n ako sa part ng buhay niya na sobrang sakit maramdaman ang mga nararanasan niya.
β€œPasensya ka na. Gusto ko lang naman maintindihan lahat ng bagay sa mundong ’to. Kaso, minsan. Ang sakit-sakit. β€œMahal, naiinis at nagagalit parin ako. Araw-araw, gabi-gabi. Hindi ko matanggap kung paanong p*t@ng-*n* nagkasakit ang, Lola ko ng malala. Sa simpleng lagnat lang sa hospital na β€˜yon,” giit nitong nakayukom ang mga kamao sa galit ng nararamdaman niya. At umiiyak.
Masakit isipin ang mga bagay na hindi pa sana natin kayang mawala o tanggapin na naglalaho bigla. Isa lang ang p’wede nating masabi kundi, tanggapin ang katotohanan kahit masakit. Kaso, minsan darating ka sa puntong akala mo wala na meron pa pala. Akala mo di na masakit....


Masakit pa pala.
β€œNaiintindihan ko, Mahal. Pero, sana maintindihan mo ring masakit makita na nalulungkot ka at umiiyak. Kagaya ngayon. Ramdam na ramdam ko kasi ‘yung sakit,” naiiyak kong wika sa kan’ya. Nakatitig sa isang batang umiiyak sa gilid. Ang lalaking patawa lang ang laging binibigay sa akin. Pero ito siya malungkot.
β€œOk, lang na manghina ‘di ba? Ok, lang na umiyak ako. Ok lang din naman na para akong bata ngayon. Umiiyak sa harap mo. Ok, lang na nakikita mong madungis ako ngayon dahil sa mga luha ko. Ok lang naman sa’yo na ganito ako. Minsan. Mahal mo parin naman ako di ba?”Tanong sa huli na nagpabagsak sa namumuo kung luha sa mga mata ko. Mga saysay na para bang may pinaghalong sakit at saya.
β€œLoko-loko. Oo naman. Mahal kita. Ano man ang sabihin mo. Ano man ang gawin mo. Ano man ang ugali mo. At kung ano at sino ka. Mahal kita. Nandito lang ako hindi lang girlfriend mo, kundi kaibigan mo rin at isang nanay o kaya ate sa ’yo.” aniya ko sa kan’ya tumutulo ang luha sa bawat isa habang nagkatitigan ang mga mata namin sa saya at lungkot.
Lalaki sila pero mas lamang sila sa mga babae kung masaktan. Minsan nga e, ang galing mag panggap na ayos lang sila. Ngingiti sa harap mo na para bang wala lang. Hindi nagpapahalatang nasasaktan. At kadalasan nagmanhid-manhidan. Kahit alam nila. Sa puso nila. Sasabog na ang puso nila sa kinikimkim nilang sakit.
β€œMahal, alam ko. Ganito lang ako. Ito lang ako pero ’di ako magloloko sa taong naiintindihan ako at tanggap ako.” sabi nito.
β€œOo, ako din. Lagi lang ako nandito. Ako ang maging lakas pa Pag sa tuwing nanghihina ka. At pahinga pag ramdam mong pagod ka nakangiti kong aniya. Niyakap ng mahigpit.
β€œMahal kita, ikaw ang lakas ko pag nanghihina ako. Ikaw din ang pahinga ko. At mas lalong ikaw lang ang gusto ko takbuhan sa tuwing hirap na hirap ako. Salamat, Mahal.” Napangiti na lang ako. Alam ko, susubukin kami ng tadhana. Dasal ko lang palagi. Sana h’wag niya kaming hayaan na mawala sa isa’t isa.
Minsan ang mga lalaki. Kailangan mo lang sila maintindihan. Kailangan nila ng may makinig sa kanila. Dahil minsan lang sila magsabi ng totoo nilang nararamdaman. At namimili lang din sila ng taong p’wede nilang pagkakatiwalaan.
_____________
BY: PAINLESS PEN MANUNULAT
ENJOY READING!
THANK YOU FOR READING


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.