1

π—›π—œπ—›π—œπ—Ÿπ—œπ—‘π—šπ—œπ—‘ π—žπ—œπ—§π—” π—‘π—š π—£π—”π—¨π—Ÿπ—œπ—§-π—¨π—Ÿπ—œπ—§. π—žπ—”π—›π—œπ—§ π— π—”π—¦π—”π—žπ—œπ—§


Report

π—›π—œπ—›π—œπ—Ÿπ—œπ—‘π—šπ—œπ—‘ π—žπ—œπ—§π—” π—‘π—š π—£π—”π—¨π—Ÿπ—œπ—§-π—¨π—Ÿπ—œπ—§. π—žπ—”π—›π—œπ—§ π— π—”π—¦π—”π—žπ—œπ—§βž ]
Ikaw ba? Palaging humihiling sa mga tala o kaya sa buong kalawakan ng mundo. Na sana may darating sa’yo na isang taong mamahalin ka ng buong-buo. ‘Yung taong para talaga sa β€˜yo?
Kung ako ang tatanungin. Oo, palagi. Hindi lang sa humihiling ako. Pinagdadarasal ko rin. Na sana mahalin niya ako ng totoo. Hindi ako iiwan at mas lalong hindi ako sasaktan.
β€œHindi ka ba napapagod na mahalin ako? Aryan?” aniya. Nakangiti akong hinawakan ang kamay niya sabay tingin sa mukha niya.
β€œAng taong nagmamahal, Kean ng buong-buo. Ang taong umiibig ng totoo. Hindi kailan man mapapagod na magmahal. Sinasabi mang kahibangan, pero ‘yun ang dikta ng puso.” pagpapaliwanag ko sa kan’yang tumulo ang mga luha sa pisngi ko.
β€œPaulit-ulit lang ‘yung sistemang ginagawa ko sa yo, Aryan. Na ang iiwan ka sa ere palagi. Pag komplekado at mahirap na ang lahat,” sabi pa niya. Biglang bumagsak ang mga luha ko. Naalala ko kung paano niya ako paulit-ulit na iniiwan. Taβ€˜s babalik na para baβ€˜ng wala lang.
Palagi nilang sinasabi, bakit mo pa tatanggapin ang isang tao kung palagi lang sakit ang iparamdam sa β€˜yo. Bakit mo pa mahal? Kung palagi ka lang naman iniiwan at sinasaktan. Pero bakit nga ba?
β€œAlam mo ba? Kung bakit ikaw palagi, Kean? Dahil ayoko ng kumilala ng iba taβ€˜s balik na naman sa umpisa. Nasanay na ako sa β€˜yo. Ikaw lang din ‘yung gusto ko.” Hindi ko mapigilan ang emosyon ko. Masyadong nangingibabaw ang bugso ng damdamin ko.
β€œPero alam mo ng masakit ako magmahal. Lalo na pagdating sa β€˜yo, Aryan. Nasasaktan kita palagi sa...


mga ginagawa ko at sa mga sinasabi ko. Patawad. Ngiting may kirot pero may halong haplos ng pagmamahal.
β€œAlam ko, Kean. Kasi mahal kita. Hindi ko nga alam e. Pero heto ka sa harap ko. Nandito ka,” aniya ko sa kan’ya.
Kadalasan, ano man ang ginagawa ng isang tao sa β€˜yo. Mahal mo parin. Tinatanggap mo pa rin. S’ya parin palagi ang taong gusto moβ€˜ng mahalin kahit minsan ang sakit-sakit na niya mahalin.
β€œAryan, sa susunod na buhay ako parin ba ang gusto mo’ng mahalin? Kahit minsan hindi na karapat-dapat ang mahalin mo ako. At ang tulad ko?” Nakangiti akong tumitig sa kan’yang may namumuong luha sa mga mata niya.
β€œOo, Kean. Ikaw parin. Hihilingin kita ng paulit-ulit. Kahit masakit. Hihilingin parin kita.” Pagtangis na aniya ko habang nakatitig sa ibabaw ng langit. β€œAng daya mo, Kean. Sabi mo hindi mo na ako iiwan. Pero bakit iniwan mo parin ako. Bakit nand’yan ka na? Ang daya mo.” dagdag ko pa. Na s’yang ikinahagolgol ko. Sobrang sakit sa dibdib. Araw-araw pakiramdam ko nabubuhay na lang ako sa mundong ito na para ba’ng wala lang. Naghihintay na lang ng katapusan.
Kung may darating man. Sana s’ya na lang ulit. Kung may ibibigay man. S’ya parin sana ulit. Kung may tao mang para sa akin nakatadhana. Sana s’ya parin. S’ya parin sana ulit. Paulit-ulit.
Minsan sa buhay. Hindi mo maipagkakaila o itatanggi. Sobrang daya ng buhay. Kung kailan p’wede na. Doon umayaw ang tadhana sa inyo. Kasabay ang hindi pag pabor sa inyo ng mundo. Masakit dahil ‘yun ang reyalidad at katotohanan.
_____________
BY: PAINLESS PEN MANUNULAT
ENJOY READING!
THANK YOU FOR READING


One Comment

  1. Anu ba naman to rl8t naman ako dto. nakakainis.. sa manunulat na to ganito rin LAGI hinihiling ko.. na Sana sya nakatadhana sakin . na maging kami bandang huli

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.