1

π…πˆπ‘π’π“ π‹πŽπ•π„, π…πˆπ‘π’π“ 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 ππ‘πŽπŠπ„


Report

π…πˆπ‘π’π“ π‹πŽπ•π„, π…πˆπ‘π’π“ 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 ππ‘πŽπŠπ„
Ang sabi nila’y, kapag nagmahal ka raw ay iyon ang pinakamasayang pakiramdam.
Pero parang hindi naman. Sabagay, kaya ko lang siguro nasasabi ang mga bagay na iyan dahil wala pa naman akong experience sa mga ganiyan-ganiyan.
Pero totoo nga kaya?
Pero kahit na. Ayaw ko pa ring subukan. Saka na ako magmamahal β€˜pag natapos ko na ang aking pag-aaral. Puwede namang ipagpaliban ang mga bagay na iyan basta β€˜wag lang ang pag-aaral dahil syempre hindi mo naman hawak ang β€˜yong kinabukasan, kaya kailangan kung magsipag para balang araw makakamit ko ang mga pinapangarap ko.
Kailangan kung tutukan ang aking pag-aaral.
Ngunit sa paglipas ng buwan tila ba’y kinain ko ang aking mga sinabi.
May isang lalaking bigla na lamang na dumating sa buhay ko sa hindi inaasahang pagkataon.
β€”
Nanggaling ako sa cafeteria para bumili ng pagkain at ngayo’y pabalik na ako sa room.
Habang naglalakad ay bigla akong natigilan. Para kasing may tumatawag sa akin.
At hindi nga ako nagkamali, paglingon ko sa likuran ko, may nakita akong lalaking tumatakbo papunta sa aking direksyon.
β€œMiss ang wallet mo nahulog!”
Hinihingal itong huminto sa harapan ko at napahawak sa tuhod.
β€œAkin na.” inilahad ko ang aking kamay
β€œWala man lang bang thank you?” mapang-asar nitong tanong sabay na inabot sa akin ang wallet kung..wala namang laman.
May 4Γ—4 na picture ko pa sa loob .Sana’y β€˜di niya na lang sinuli. Remembrance niya sa kagandahan ko.
Mabilis kung hinablot ang wallet at inilipit sa kanang kili-kili. Hirap kasi ako sa pagbit-bit nitong mga dala ko. Hindi lang naman kasi sa akin β€˜to lahat. Napag-utusan lang ako.
Akmang tatalikod na ako nang magsalita ulit ito.
β€œGusto mo tulungan kita?”
Tinapunan ko siya ng tingin saka tinaasan ng kilay β€œAlam mo kung totoo kang maginoo hindi mo na dapat iyon tinatanong pa!”
β€œS-Sorry naman. Akin na nga”
Inabot ko sa kaniya ang dalawang paper bags na ang laman ay pagkain at ang dalawang plastic naman ay hawak-hawak ko.
β€œAng suwerte ko naman. May aso na akong tagadala, hindi na ako mahihirapan pa” parinig ko
β€œGrabi naman β€˜to. Sa gwapo kung ito, sasabihan mo lang ako ng aso?”
Aba mahangin din!
β€œTeka lang, alam mo ba saan ang room namin?” pag-iiba ko ng topic kasi ang hangin niya kabonding
β€œMalay ko ba! Dapat ko pa bang alamin eh nakasunod lang naman ako sa’yo?” sinagot niya ng tanong ang tanong ko
Napairap na lang ako sa kawalan. Para siyang tanga!
Maya-Maya lang ay nakarating ako sa room namin na nangungunsumisyon. Paano ba naman, eh ang ingay nitong lalaking β€˜to. Kahit anu-ano na lang ang pinagsasabi, parang ginutom ng isang buwan.
β€œPuwede ba akong pumasok sa room niyo?” tanong ulit nito sabay abot sa akin ng mga pinabitbit ko sa kaniya
β€œAno naman ang gagawin mo sa loob? Malapit na ang time kaya malamang maya-maya lang magbebell na”
β€œSige na. Sisilip lang naman ako, saglit lang”
Hindi pa nga ako nakakapagsalita ay pumasok na ito. Nagfefeeling close ang gago, ang kapal pa ng mukha.
Agad naman akong sumunod sa kaniya.
Ewan ko ba kung bakit bigla na lang nagsitilian ang mga tao sa loob. Halos lahat sila’y sa aming dalawa nakatingin nitong lalaking β€˜to. Ang iba nama’y mapanukso akong tiningnan.
β€œBumalik ka na kasi sa room niyo!” bulong ko tama lang upang marinig niya
Nagtungo na rin ako sa upuan ko. Ngunit bago pa man ako makaupo ay biglang may tumulak sa akin dahilan ng aking pagkatumba.
Hanep ang sakit niyon.
β€œHoy sino β€˜yon?? Ikaw ha, napakasinunggaling mong babae ka! Bf mo β€˜yon ano? Ang sabi mo magtatapos ka muna pero ano itong—”
Mabilis kung tinakpan ng kamay ko ang bibig ni Yeja.
β€œAno’ng pinagsasabi mo diyan? Tinulungan lang naman ako ng tao”
β€œTinulungan ha? Alam mo hindi talaga maiiwasang mapagkamalan kayong may relasyon β€˜pag magkasama kayo kasi naman bagay na bagay kayo sis” sandali itong humito saka pumadyak-padyak β€œNew transferee ba β€˜yon? Ngayon ko lang siya nakita. At sa tingin ko ka batch lang natin. Kaya ano pa’ng hinihintay mo sis”
β€œTigil-tigilan mo akong babae ka! Tatlong buwan na lang at gagraduate na tayo kaya ‘wag kang ano!” sita ko rito
β€”
Gaya ng kahapon ay nagkita ulit kami niyong hunghang na lalaki. Hindi ko alam kung ano ang pangalan niya, hindi naman ako interesadong malaaman.
Hindi sa nag-aassume ako pero parang inaabangan niya talaga ako dito sa gate. Nakasandal kasi ito sa poste habang nakatutok sa cellphone niya.
May mga dumadaan at nagpapapansin sa kaniya ngunit kahit tingin lang hindi niya pinukulan ang mga β€˜to. Pero no’ng dumaan ako, umalis siya sa posisyon niya at sumunod sa akin.
Hindi na ako mabibigla kung bakit habulin siya ng babae, ganoon talaga siguro kapag mahitsura.
β€œGood Morning, Trazy!”
Mabilis pa sa mabilis akong napalingon sa kaniya.
β€œP-Papaanongβ€”papaano mo nalaman ang pangalan ko?! Stalker ka ano?!” dinuro-duro ko siya sa mukha
Wala naman akong naaalalang nasabi ko sa kaniya ang pangalan ko kahapon ah!
β€œTanga! Syempre tiningnan ko ang loob ng wallet mo kahapon”
Napatingin ako sa ibang deriksyon. I-Ibig sabihin pala, nakita niya..nakita niyang walang laman yung wallet ko?
Mabilis akong naglakad at iniwan ito. Sobrang nakakahiya!
β€œHoy...


teka lang!” hinawakan niya ako sa balikat ngunit agad ko ring tinanggal ang kamay niya
β€œWyd ang pangalan ko”
β€œAhahaha yung pangalan mo, parang mukha mo lang wide” peke akong tumawa
β€œGrabi hindi naman malapad ang mukha ko ah, gwapo pa nga”
Here we go again.
β€”
Isang buwan na ang lumipas at naging magkaibigan kami niyong lalaking mahangin.
Lagi niya akong inaabangan sa gate at hinahatid sa room ko. β€˜Pag recess naman ay pinupuntahan niya rin ako. Minsan naman kapag hindi ako nakakalabas ng room ay dinadalhan niya ako ng pagkain.
Hindi ko tuloy maiwasang mag-assume. Bakit ba kasi ang bait niya sa akin kahit ilang beses ko na siyang pinagtulukan?
β€”
Dalawang buwan na ang lumipas at sa wakas sunod na buwan ay makakakagraduate na ako.
N-Ngunit..ngunit parang napako ang aking pangako.
Nagising na lang ako isang araw na hinahanap ko na ang lalaking minsan ng gumulo ng buhay ko.
Isa siya sa naging dahilan para sipagan ko pa ang aking pag-aaral. Gumigising ako nang umaga para muli siyang makita.
Hindi ko maunawaan ang nararamdaman ko. Parang nalulungkot ako kapag hindi ko siya nakikita kahit isang araw. Nababaliw na yata ako.
Payapa akong nakikinig sa guro namin nang bigla na lang may kumurot sa akin.
β€œHoy Trazy! Ayos ka lang? Bakit ka ngumingiti nang mag-isa?”
β€œH-Ha? Ngumiti ba ako?” pabalik kung tanong”
β€œOo kanina pa, para ka ngang timang eh”
Ito na nga ba ang sinasabi ko.
β€œTinamaan ka na yata sis” dagdag niya pa
Maya-Maya lang ay tumunog na ang bell, hudyat na recess na. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nakaramdam ng saya. Dahil ba kasi alam kung pupunta na naman siya dito?
Kainis! Sira na talaga itong ulo ko.
Hindi nga ako nagkamali, hindi nagtagal ay pumasok sa room namin ang lalaking inaasahan ko.
Ngumiti ako sa kaniya at ngumiti rin naman ito pabalik. May kinawayan siya na agad ko namang sinundan ng tingin. Si Yena ang kinakawayan niya, ang president namin.
Ewan ko ba at bigla na lang may kumirot sa dibdib ko, parang may kung anong kumurot. B-Bakit niya kinakawayan si Yena? C-Close ba sila?
Pero sabagay, hindi na ako magtataka. Friendly si Wyd at approachable kaya siguro’y madali lang sa kaniya ang makipagkaibigan.
Gaya ng nakasanayan ay sabay kaming nagrecess at masayang nagkuwentuhan.
β€”
Habang mas tumatagal ay mas lalong nahuhulog ang loob ko sa kaniya.
Masaya ako kapag nakikita ko siya at bumibilis ang pagtibok ng aking puso sa tuwing kasama ko siya. Senyales na ba ito na mahal ko na nga siya?
G-Gusto niya rin kaya ako?
Hindi ko malalaman kung hindi ko siya tatanungin kaya kokomprontahin ko siya bago ako umamin.
Kabado akong naglakad papasok ng campus. Nakakpanibago lang at wala ng Wyd na nakaabang at babati sa akin ng Good Morning.
Nasaan na ba kasi ang lalaking iyon?
Dumeritso ako sa room. Nakakapagtaka lang dahil malayo pa lang ako ay dinig na dinig ko na ang ingay at sigawan na nagmula sa room. Ano’ng nangyayari roon?
Mas binilisan ko pa ang paglalakad hanggang sa makarating ako sa tapat ng pinto. Ngunit bago pa man makatapak ang aking mga paa papasok ay may biglang sumalubong at pumigil sa akin.
β€œS-Sis p-puwede bang mamaya ka na pumasok? At kung puwede..bumalik ka na lang sa bahay niyo” salubong ni Yaje sa akin
β€œBakit? May problema ba sa loob?” sumilip-silip ako ngunit kaagad niya rin akong hinarang
Ano ba ang problema ng babaeng ito?
β€œP-Panigurado..h-hindi mo magugustuhan ang maririnig mo”
β€œAno ba kasi iyon?!” nagpumilit akong pumasok kaya kahit anong pilit niyang pigil sa akin ay wala itong magawa.
Pagpasok ng room ay naabutan ko si Yena na nakatayo sa gitna katabi si..si Wyd?
Nandito na pala ang gagong β€˜to?
β€œAamin na β€˜yan” iyan lang naman ang sigawang naririnig ko sa loob ng room
Nangunot ang noo ko. Anong aamin?
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang bumilis ang pagkabog ng dibdib ko. Nanatili lang akong nakatayo at nakikinig lang sa kanila.
β€œOkay..okay guys shut up na! Ito na aamin na!” simula ni Yena β€œHonestly, Wyd and me are dating since yesterday. He courted me for almost two months and kahapon lang sinagot ko na siya.” pagkasabi niya niyon ay mas lalo pang umingay ang loob ng room ngunit kabaliktaran ang naging reaksyon ko.
M-May r-relasyon sila??
P-Paano naman akoβ€”ang nararamdaman ko?
Kusa na lang na bumagsak ang aking mga luha at mga paa kung kusa ring tumakbo palabas ng silid.
β€œS-Sis!!”
Bakit ganito? Ang sakit! Sobra!
Masyado akong nag-assume na ako ang gusto niya pero iba pala, iba ang babaeng gusto niya at kahit kailan ay hindi magiging ako kasi simula pa lang, ginamit na niya ako.
Ginamit niya ako para matiwasay siyang makapasok sa room namin. Kung baga ginawa niya lang akong prop niya para mapalapit kay Yena, nakakatawang isipin β€˜di ba? Ang akala ko’y ako ang sadya niya sa room namin ngunit iba pala. Pinakisamahan niya ako sa loob ng mga buwan para mapalapit sa babaeng gusto niya, at hindi ako iyon. Paano niya naatim na gawin iyon? Ang akala ko ay iba siya ngunit..ngunit hindi pala.
________________
π–Άπ—ˆπ—‹π—„ π—ˆπ–Ώ π–Ώπ—‚π–Όπ—π—‚π—ˆπ—‡


One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.