0

π€πŠπŽ 𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐒𝐀 𝐔𝐍𝐀𝐍𝐆 ππ€π‡πˆππ€, ππ„π‘πŽ π‡πˆππƒπˆ 𝐀𝐍𝐆 π–π€πŠπ€π’


Report

π€πŠπŽ 𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐒𝐀 𝐔𝐍𝐀𝐍𝐆 ππ€π‡πˆππ€, ππ„π‘πŽ π‡πˆππƒπˆ 𝐀𝐍𝐆 π–π€πŠπ€π’.
– Dwyn Morrigan
β€œDrystle anak, sobrang late na you should take a rest” Bungad sa’kin ni Tita Faye, mommy ni Tyler.
β€œOkay lang po Tita, I’m fine.” Inayos ko ang kumot na naka patong kay Tyler bago bumalik sa pagkakaupo sa tabi ng kama niya.
Tyler was my first boyfriend, nakilala ko siya when we’re having a youth camp in their school. Meron siyang kaibigan at nagkataong nasa circle of friends ko rin kaya naging malapit kami sa isa’t-isa.
He courted me for almost one year. Before the graduation, I finally gave him my answer, a yes!
Nag tagal kami ng 7 years. Everything went fine not until the accident happened. It cause him to fall into comma.
Napatingin ako sa spot ni Tyler, para lang siyang natutulog ng mahimbing. Matagal na kaming narito sa hospital at wala pa rin kaming idea kung kailan siya magigising.
Until one day, this happened…
Ramdam ko ang kaguluhan sa loob ng kwarto kaya unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. At nang maalalang nasa hospital nga pala ako ay dali dali akong napatayo at natatarantang bumaling sa hospital bed ni Tyler. Lahat sila ay nag-iiyakan. I got confused and nervous kasi baka kung ano na ang nangyari sa kaniya. Nabunot ang tinik sa aking dibdib nang makitang ang pagka-gising pala ni Tyler ang dahilan kung bakit sila umiiyak.
β€œBabe, you’re awake” hindi ko mapigilang humikbi at dali-daling yumakap sakanya. But I didn’t get any response from him that made me confused. Lumayo ako para tignan siya.
β€œW–who are you?” Napatingin ako kila Tita Faye at Tito Theo na ngayon ay nagtataka na rin.
β€œI-i’m Drystle, your g–girlfriend” Nagtaka siyang bumaling kina Tita.
β€œM–mom, am I hearing it right?”
Lumapit si Tita sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. β€œBaby, she’s right. Drystle is your girlfriend. Hindi mo ba naaalala?”
β€œYou’re joking right?” Nagbabaka-sakali niyang tanong. β€œShe is not my girlfriend, mom. Si Ada ang girlfriend ko?”


/> Halos manlabo na ang mata ko sa sinabi niyang β€˜yun. Ada is his first girlfriend, the girl who cheated on him.
The doctor entered the room and explained Tyler’s condition. Amnesia caused by the head injuries that he got. Gusto kong maalala niya ako kaya ginawa ko lahat.
–
β€œThankyou” Bulong niya sa’kin bago siya pumasok sa loob ng simbahan. Sobrang lapad ng mga ngiti ko habang tinatanaw siya.
Tumunog ang kampana ng simbahan na naging hudyat para ako’y mag simula nang maglakad papasok. When the door opens, I saw him in front of the altar patiently waiting for his bride.
β€œMaybe, in another life I would be your girl”. I whispered.
A flashback comes into my view.
β€œI have something to say, Drystle”
β€œWhat it is?” I looked at him with curiosity.
He cleared his throat. β€œA-ada” he started.
β€œWhat about her?”
β€œMag papakasal na kami” he stated.
Hindi yata nag proseso kaagad ang mga sinabi niya sa’kin. How come na ikakasal na sila kung lagi kaming magkasama? Meron ba silang patagong pagkikita?
β€œT-tyler, no. Naguguluhan ka lang siguro kasi hindi pa bumabalik ang mga alaala mo.” Tumalikod ako sa kaniya para pakalmahin ang sarili ko. Pero mas lalo ata akong nawasak sa sumunod niyang sinabi.
β€œNaaalala ko na. But it doesn’t change the fact na hihiwalayan ko si Ada para maging tayo. I’m sorry Drystle.. sinubukan kong mahalin ka ulit kagaya no’ng dati pero… hindi talaga gumana.”
–
β€œDo you take, Ada Reyes to be your lawfully wife?” tanong ng pari.
β€œYes Father” he smiled lovingly at Ada.
The priest asked Ada the same question.
β€œI do, Father”
β€œI do, Father.” I silently whispered.
β€œYou may now kissed your bride”
When the priest said that, tumakbo na agad ako palabas ng simbahan dahil hindi ko na kayang masaksihan pa ang mga susunod na panyayari. Ang halik, patunay na mag-asawa na talaga silang dalawa. Isa ba akong martir kapag sinabi kong ako ang naging wedding organizer sa kasal ng taong mahal ko.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.