0

πšπ™°π™Έπ™½ π™΅πš„π™΄π™½πšƒπ™΄π™±π™»π™°π™½π™²π™° ΰΌ„ ✍︎ ℂℍ𝔸ℙ𝕋𝔼ℝ 𝔽𝕀𝔽𝕋𝔼𝔼ℕ ✍︎

Report

“ANG dapat mong gawin diyan, kumbinsihin mo si Angenica na makipagbalikan kay Rain, doon matatapos ang problema, eh.” napatango si Claire sa sinabi ni Lara.
“Ang daling sabihin pero ang hirap gawin, hindi nga natin alam kung may balak pa siyang makipagbalikan kay Rain.”
“May isa pa namang option, eh.” agad napatingin si Claire kay Lara.
“Talaga? Ano yon?! Kahit ano pa yan papatusin ko.” desperada na talaga siyang makawala kay Rain.
“Akitin mo na lang si Rain, siguraduhin mong mai-inlove siya sayo ganon. Tapos na nga ang problema mo, may love life ka pa! Oh, diba!”
Kinuha ni Claire ang notebook at hinampas kay Lara. Akala pa naman niya matinong suggestion.
“Baliw ka talaga!”
“Engot ka, yon na ang the best na solusyon sa lahat.”
“Kahit sa bangungot hindi mangyayari yan. Ikaw na nga ang nagsabi na mala-diyosa ang ganda ni Angenica. Walang wala ako na di hamak maganda lang.” napapailing na sabi ni Claire.
“Tapos parang kahapon lang galit na galit ka kay Rain ah, bakit ngayon boto ka na ulit sakanya?” nakataas na kilay pa niyang sabi.
“Galit pa rin ako sakanya dahil sa ginawa niya saiyo. Pero malakas kasi ang feeling ko na magkakatuluyan kayo balang araw. Ganyan yung nangyayari sa mga pocketbooks, eh.” sabi ni Lara na nakahawak pa sa baba.
Natigilan si Claire nang tumunog ang kanyang cellphone. Tumatawag pala si Mark, agad naman niyang sinagot.
🀳 Hello, Mark?
Napatingin siya kay Lara, binigyan siya ng makahulugang tingin na tila nang-aasar. Napailing nalang si Claire.
🀳 Halika dito sa may flagpole, Cutie girl.
Tumingin siya may flagpole, nandoon nga siya. Kumaway sakanya si Mark.
🀳 Bakit? Anong meron?
🀳 Wala! Magkwe-kwentuhan lang tayo. Naboboring ako, eh.
Napairap siya sa sinabi ni Mark.
🀳 Ayos ka rin ha! Ako ang takbuhan mo pagnabobore ka! Sapakin kita diyan eh.
Natawa lang sa kabilang linya si Mark.
🀳 Halika na dito, ang dami mo pang satsat, cutie girl.
🀳 Oo na, papunta na diyan.
at saka binaba ang tawag.
Naningkit ang mga mata niya kay Lara, nang-aasar pa rin ang mga tingin nito sakanya.
“Grabe talaga! Ang haba ng hair mo, dalawang prince charming.” panunukso pa nito.
“Kung isa si Rain sa dalawang prince charming na tinutukoy mo, nagkakamali ka don. Isa siyang evil villain, hindi prince charming.”
“Ano ka ba? Hindi natin masasabi.”
Napailing nalang si Claire at nagpaalam.
“Cute girl!” agad na lumapit sa kanya si Mark at inakbayan.
“cute girl ka ng cutie girl, sasapakin na kita eh!” natawa lang si Mark.
Umupo sila sa bench at inabot sakanya ang binili nitong juice.
“May sinat ka pa, ah. Kaya mo pa ba yung pagpapahirap sayo ni Fuenteblanca?”
“Kaya pa naman.” pabuntong-hiningang sabi niya.
Natigilan siya nang may maalala.
“Mark, may itatanong nga pala ako sayo.”
“Ano yon?”
“Si Angenica, mabait ba siya?”
“Bakit mo naitanong?”
“Wala curious lang ako.”
“Mabait si Angenica….. pero masama magalit.”
“Panong masamang magalit?” kinabahang tanong niya.
“Mabait siya sayo as long as wala kang atraso sa...


kanya. Kapag may ginawa kang mali sa kanya aabutin talaga ng ilang buwan o taon bago ka niya patawarin. Spoiled brat kasi siya kaya ganun.”
πŸ’­ Paano yan eh, ang laki ng atraso ko sakanya? πŸ’­
πŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œ
NANGHIHINANG umupo si Claire sa bench malapit sa hide out ng BTS Group. Wala kasing masyadong tao doon.
Apat na beses kasi siyang pabalik balik sa canteen. Inutusan siyang bumili ni Angenica ng makakain nila at sumabay pa ang mga kaibigan nito. Nagtataka na nga yung canteen staff kung bakit ilang beses siyang bumili doon.
Pinilit niyang tumayo pero muntik na siyang matumba, sobrang sakit ng ulo niya.
“Idi*t.” napalingon si Claire sa masungit na boses na tumawag sa kanya.
Pinilit niyang tumayo at hinarap siya, pakiramdam niya ay umiikot ang mundo niya.
“Anong nangyayari sayo?” nakakunot noong tanong nito.
“M-Magsisimula na ang klase ko, kailangan ko nang pumasok.” pinilit niyang maglakad pero nanghihina siya.
“Wala ka bang utak? Ni hindi kana nga makapaglakad eh.” panenermon ni Rain.
Napasinghap si Claire nang buhatin siya ni Rain na para bang bagong kasal.
“R-Rain, anong ginagawa mo? M-May klase pa ako.”
Napakunot noo si Rain. “Shut up.” sabi niya at naglakad na habang buhat siya.
Dinala siya sa hide out. Buti nalang at wala ang BTS Group sa loob, kundi kakantyawan sila ng mga yon.
Dinala siya sa kuwarto niya at marahang inihiga doon. Nakatingin lang si Claire kay Rain habang kinukumutan siya.
“Rain, bakit ang bait mo ngayon?” tanong niya.
Sinalat niya ang kanyang noo at napapitlag pa siya nang dumampi ang balat nito sa noo niya.
πŸ’­ Bakit may kuryente akong naramdaman? πŸ’­
“Hindi ka pwedeng magkasakit, bawal ka magkasakit.”seryosong sabi niya at lumabas ng silid.
Ipinikit nalang niya ang mga mata. Bumalik din agad si Rain, may dala siyang palanggana. Umupo sa tabi niya si Rain, saka piniga ang bimpo.
πŸ’­ Nakakainis to, kaya siguro ayaw niya akong magkasakit dahil hindi niya ako mapapahirapan kapag may sakit ako. πŸ’­
“Punasan mu yung sarili mo.” sabi niya at saka inabot sakanya ang bimpo.
Bumangon si Claire at kinuha mula sa kanya ang bimpo saka pinunasan ang sarili.
“Akin na nga! Wala ka talagang utak!” kinuha ni Rain ang bimpo mula sakanya.
Muli siyang pinahiga sa kama, at siya na ang nagpunas kay Claire. Marahan siyang dinampian ng bimpo sa pisngi.
Natigilan siya at napatitig sa mga mata ni Rain habang siya naman ay nagfofocus sa pagpupunas.
Natigilan din si Rain at saka napatingin sa mga mata niya.
πŸ’­ Bakit sa tuwing ganito kami kalapit ni Rain, hindi ko maiwasan ang hindi siya titigan. πŸ’­
Naramdaman ni Claire na bumigat ang paghinga niya, pati yata siya.
πŸ’­ Bakit ganito ang epekto niya sakin? πŸ’­
“Why are you always looking at me like that?” tanong ni Rain.
“H-Ha?”
“You’re giving me that look as if you want to be kissed.” tila paos na sabi niya.
Napalunok si Claire ng bumaba ang titig niya sa labi ni Rain.
————-
Kaloka!!! Pati ako habang nagta-type kinikilig sa istorya 🀣🀣🀣🀣 TO be continued .. hehehe πŸ˜πŸ˜…


Leave a Reply

Your email address will not be published.