8

𝗠𝗬 π—£π—”π—œπ—‘π—™π—¨π—Ÿ π—Ÿπ—œπ—™π—˜” (𝘊𝘩𝘒𝘱𝘡𝘦𝘳 𝘴𝘦𝘷𝘦𝘯)


Report

𝗠𝗬 π—£π—”π—œπ—‘π—™π—¨π—Ÿ π—Ÿπ—œπ—™π—˜”
(𝘊𝘩𝘒𝘱𝘡𝘦𝘳 𝘴𝘦𝘷𝘦𝘯)
Masayang nanonood ng telebisyon si Ivy at Drake, nakaupo si Drake samantalang nakahiga Naman sa hita nito si Ivy.
Masaya silang nagtatawanan at nagku-kuwentuhan, mag-iisang linggo na rito si Ivy simula ng dalhin siya rito ni Drake.
Ayaw nitong umuwi sa kanilang bahay dahil Galit parin Ito sa kaniyang pamilya at sa kaniyang kaibigan na si Alma dahil sa pagtago ng katotohanan.
“Ang saya pag ganito lang Tayo lagi, we’re just enjoying our lives together, magkasamang masaya at payapa. ” Saad ni Ivy na nakatuon ang tingin Kay Drake at nakangiti.
“Yeah, sana Hindi na lumipas ang mga oras, na sana ganito nalang Tayo lagi, na walang gulo, na walang problema. ” Sagot Naman nito at ibinalik Ang ngiti sa kaniyang mga labi.
Tumayo si Ivy at lumapit kay Drake.
“Masaya ako na bumalik na lahat ng ala-ala ko, na natatandaan ko na lahat. Masaya ako na kasama Kita ngayon, nasaktan man ako sa nalamang Wala na si Daniel, ngayon naman pinasaya mo ako dahil sa pagbabalik mo. ” Saad nito at niyakap nito si Drake.
“I’m very happy too na ngayon nasa bisig ulit Kita Ivy, matagal ko na tong pinangarap, matagal kong inantay na maging masaya kasama Ang babaeng pinakamamahal ko, at ikw iyon. ” Sagot Naman nito at hinawakan nito ang kamay Ni Ivy saka hinalikan sa noo.
Sabay nilang in-enjoy ang buong araw na magkasama, tila ba wala silang ibang iniisil kundi ang isa’t-isa, masaya nilang pinagsaluhan at sinulit Ang bawat pagkakataon na silay magkasama.
SAMANTALANG habang namimili ng relo si Andrea ay natandaan niyang naiwan Niya pala ang wallet Niya kaya lumabas Ito ng store, nagulat siya no’ng paglabas niya ay nagkabanggaan sila Ni Alma na may maraming dala.
Nahulog lahat ng pinamili ni Alma at nagalit Ito, pinulot niya iyon lahat.
Nagulat naman si Andrea no’ng Makita si Alma, Hindi nito inakalang nandoon iyon at magkikita silang muli.
“Alma?” Takang tanong ni Andrea dito.
Pamilyar ang boses na narinig Ni Alma Kaya tumayo Ito at nilingon si Andrea. Nanlaki ang mga Mata nito no’ng Makita si Andrea, mas sexy na Ito kaysa dati at mas gumanda pa.
Hindi mawala Ang mga paningin ni Alma SA mukha ni Andrea dahil sa pagkagulat.
“Andrea?” Tanong nito na gulat na gulat.
“A-Alma Tama ikaw nga.” Saad nito na parang nahihiya.
“It’s been a long time, it’s nice to see you A- Alma.” Saad nito at pilit ngumiti.
“Akala ko ba nasa America ka na? Ba’t ka pa bumalik dito?” Saad ni Alma at ipinagpatuloy ang pagpulot sa MGA pinambili nito.
“Oo, nagpunta ako SA America para itago lahat ng ginawang pambababoy ni Daniel sakin, umiwas ako sa gulo, umiwas ako kase natakot ako. ” Sagot nito.
Nagulat si Alma SA sinabi ni Andrea, napatingin Ito sa kaniya na may pagtataka.
“Pambababoy? Tsk! Andrea nakalimutan mo na ba Ang ginawa mo? Sinira mo ang relasyon nila Daniel at Ivy dati, sinira mo ang relasyon ninyo ni Ivy bilang magkaibigan! ” Sigaw nito .
“What? Anong sinira? Hindi kita maintindihan! ” Gulat na tanong nito Kay Alma.
“Wag ka na mag-maang maangan Andrea! Nakipagrelasyon ka Kay Daniel! Nakipagrelasyon ka kahit Alam mong sila na Ni Ivy! Ikaw Ang dahilan Kung bat naghiwalay sila Ni Ivy at Daniel! Ikaw Ang dahilan Ng pagkawala ng memorya ni Ivy! Ikaw...


Ang dahilan Kung bakit nagpakamatay si Daniel dahil sa Hindi nito matandaan Ni Ivy! Ikaw Ang dahilan Kung bat nasira Ang buhay Ni Ivy! Ngayon pati pagkakaibigan namin nasira na! Hindi namin matagpuan si Ivy ngayon! Galit na Galit siya samin dahil isinekreto namin lahat ng nangyari simula no’ng nagka amnesia siya! Kase ayokong masaktan siya, pero ngayon ayon! Umalis! Halos dalawang linggo na namin siyang hinahanap pero Hindi namin siya Makita! ” Paliwanag nito habang tumutulo Ang luha sa MGA Mata.
Pinulot na nito lahat at muling tumayo.
“Tsk! Wala na palang saysay tong pag-uusap na to! Bakit ko pa sasabihin lahat sayo Kung Wala ka namang pake SA kaniya! ” Dagdag la ni Alma at mabilis na naglakad papaalis.
“They need to know the truth, they need to know all the lies Daniel told them! Kailangan nilang malaman lahat.” Bulong ni Andrea.
NAGLULUTO ng lunch nila si Ivy habang nagji- gym Naman si Drake. Hindi mapawi ang ngiti ni Ivy sa mukha na talagang nagpapahiwatig ng kaniyang kasiyahang nadarama.
“Malapit na itong maluto, ilang minutes nalang kakain na Tayo. ” Saad ni Ivy habang tinikman Ang kaniyang Tinolang manok na niluluto.
“Ang sarap!” Dagdag pa nito.
“Sige, sabihin mo Lang Kung luto na, para makakain na din Tayo, gutom na ako eh” sagot nito at tumawa.
Pawis na pawis si Drake kaya lumapit rito si ivy at pinunasan Ang katawan nito ng tuwalya.
“Ang sarap namang pumunas ng Mahal ko!” Saad ni Drake sabay pisil Ng tungki Ng ilong ni Ivy.
“Nako siraulo ka talaga! Punasan mo sarili mo!” Sagot nito at ibinato Ang tuwalya sa mukha nito saka humagakhak Ng tawa.
Inihanda na Ni Ivy Ang kanilang pagkain sa lamesa, tinawag Niya na si Drake at kumain na nga sila.
Masaya silang nagku-kuwentuhan habang kumakain, tumatawa at minsan nagiging seryoso Ang usapan. Naputol lamang Ito ng biglang nag ring Ang Cellphone ni Ivy Kaya iniwan Niya muna si Drake at sinagot ang tawag.
“Hello? Ivy’s here sino to?” Saad nito.
“Hello? Ivy?” Pamilyar na boses Ang narinig niya.
“Sino Po sila? Anong kailangan niyo?” Pagtatakang tanong nito.
“Ivy we need to talk, may ise-send akong address, pumunta ka, may kailangan akong sabihin sayo. ” Saad nito sa Kay Ivy na siyang ikinagulat Niya.
“What? Bakit? Sino ka ba? ” Tanong ni Ivy ngunit pinatay agad nito Ang tawag sa kabilang linya.
Nagtaka siya Kung Sino Ang kausap Niya, ngunit pamilyar ang boses nito. Kinabahan siya Kung ano Ang sasabihin ng babaeng tumawag sa kaniya, at nagdadalawang isip ito Kung makikipagkita ba siya.
“Ivy? Matatapos na ako dito may kausap ka pa ba?” Sigaw ni Drake na nasa mesa.
“Ay wait sige papunta na.” Sagot Naman nito at nagmadaling puntahan si Drake.
“Sino ba Yun?” Tanong nito sa kaniya.
“Nothing, si Carmel iyon, may sinabi Lang about work” pagsisinungaling nito at ngumiti Ng pilit.
” Oh sigi na! Kumain ka na! Mauubos ko na Yung niluto mo eh” biro nito at tumawa.
“Ang takaw mo talaga! ” Sagot nito at tumawa.
AT AYON NA NGA! ANO KAYANG SUSUNOD NA MANGYAYARI? SINO ANG BABAENG TUMAWAG KAY IVY? ANO ANG SASABIHIN NG BABAENG TUMAWAG KAY IVY? LAHAT NG IYAN AY MALALAMAN NATIN SA SUSUNOD NA CHAPTER! I’LL UPDATE YOU KAPAG NA POST KO NA ANG NEXT CHAPTER! THANKS FOR READING!! ILOVE YOU😘


8 Comments

  1. I dont think Ive caught all the angles of this subject the way youve pointed them out. Youre a true star, a rock star man. Youve got so much to say and know so much about the subject that I think you should just teach a class about it

  2. I’ve thought about posting something about this before. Good job! Can I use part of your post in my blog?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.