0

π—Ÿπ—œπ—§π—₯𝗔𝗧𝗒


Report

π—Ÿπ—œπ—§π—₯𝗔𝗧𝗒
Hindi mawala sa isip ko ‘yong mga taong nagsabi na kapag daw nambabae ang haligi ng tahanan ay sa panganay na babaeng anak mapupunta ‘yong kabayaran.
I was once a fan of those kinds of beliefs because I am the eldest child and more especially, a woman.
Galing ako sa watak na pamilya nang dahil sa pambababae ni Papa. Walang araw na lumipas na hindi nagtatalo ang mga magulang ko. Na kesyo kulang na ang ibinibigay ni Papa na sahod sa amin dahil doon niya ipinapadala ‘yong ibang pera sa kabit niya.
At first, I was just ignoring them not until my mom grabbed a knife. Mabuti na lang ay agad ko ‘yong nakita. Dali-dali akong tumakbo at sinalubong siya ng mahigpit na yakap.
I also remembered what I uttered the time when my arms were still wrapped on her, β€œMa, paano kami?” After that, my ears finally heard her loud misery.
Hindi napigil si Mama sa pag-iyak noong oras na ‘yon. Pero nang dahil sa ginawa ko ay nahimasmasan siya at tuluyang binitawan ang matalim na kutsilyo.
β€œHal, naghihintay na si Mama sa labas.” Nilingon ko ang asawa ko. Hawak niya ang kamay ng tatlong taon naming anak.
Seeing them always makes my heart flutter. Sino ba naman ang mag-aakala na ‘yong dating takot magmahal dahil baka magkatotoo ‘yong sabi-sabi na sa sa akin mapupunta ‘yong karma ay magkakaroon pala ng masayang pamilya?
‘Yong asawa ko na pinatunayan na hindi totoo ang mga ganoong bagay. Sinubukan namin. Sumubok ako. Hindi naman ako nagsisi dahil nakabuo kami ng pamilya at pinakasalan niya ako.
Umalis ako sa pagkakaupo at kinuha ‘yong lumang kahon kung saan nakalagay ‘yong mga nakatagong litrato nila Mama at Papa noong panahong masaya pa sila sa isa’t isa.
Ibinalik ko roon ‘yong huling litrato nila na magkasama sa dalampasigan. Matapos kasi ng litrato na ‘to ay doon nalaman ni Mama ‘yong sikreto ni Papa.
Since I already have my own family, I want my parents to forget the chaotic events before. Kahit sa maikling oras man lang.
β€œSaan ba talaga tayo pupunta, ‘nak?” tanong ni Mama. Kasalukuyan na kaming nasa loob ng kotse patungo sa isang lugar kung saan sila nagkakilala ni Papa.
As we arrived in the place, my mom’s reaction went blank as she saw a familiar man who ruined our family.
Imbis na magsalita si Mama ay tiningnan niya lang ako. Her eyes were longing yet she didn’t hesitate to show the curve on her lips.
Lumabas kami sa kotse at nagtungo kung saan nakapuwesto...


ang mga kapatid ko. Inalalayan namin si Mama.
It was all my Dad’s plan. He told me that he promised to Mom on their wedding day back then that as their age turned 50s, he will going to marry the woman who carried me in her tummy for nine months, again.
Alam ni Papa na malabo nang mangyari ‘yon dahil may alitan sila ni Mama. Yet, with the help of me and my siblings, we officially made this scenario happened.
My Dad is going to have his proposal.
Nagsimulang tumugtog ang musika, kasabay no’n ang unti-unting pagluhod ni Papa saka inilabas ang singsing.
As he knelt on the ground, the flashes of camera started.
Hindi pa tuluyang nailalabas ni Papa ang gustong sabihin ay agad siyang pinatayo ni Mama. Hinawakan niya ‘to sa magkabilang balikat.
β€œNapaglipasan na tayo ng panahon,” panimula ni Mama, β€œSalamat pa rin dahil tinupad mo ‘yong pangako mo sa akin noon… pero hindi ko na ‘yan matatanggap.”
Hindi naging labag kay Papa ang sinambit ni Mama. Panandalian siyang yumuko upang alisin sa mga gilid ng mata niya ang mga luhang nagbabadya nang tumulo.
Tuluyang dumausdos ang mga luha sa pisngi ko. I couldn’t stop crying to the point that my chest also aches.
β€œN-Naiintindihan ko.”
Matapos sabihin ‘yon ni Papa ay agad na nag-aya si Mama na lisanin ang lugar.
Umuwi kami noon at doon ko rin napag-alaman na matagal nang napatawad ni Mama ang lalaking nagtaksil sa kaniya.
As the years passed by, a news was spread in our family that made us intrigued.
Binawian ng buhay si Papa.
Bago mangyari ang proposal niya noon ay ipinaalam niya sa akin na may sakit siya. At isa sa hiniling niya noon na ‘wag namin sabihin kay Mama.
And last but not the least, my Dad already knew my mom’s answer before he made the proposal.
Alam niyang tatanggihan siya ni Mama kaya ipinalabas lang namin na ‘yon ang mangyayari, na may proposal, pero hindi.
Ginawa ang proposal na ‘yon para magkaroon man lang ng litarato si Papa na kasama si Mama, kahit sa huling pagkakataon.
As I remembered those, I couldn’t stop my self anymore but to burst into tears.
Kinuha ko ang kahon ng mga litrato at inibabaw roon ang larawan kung saan nakaluhod si Papa habang hawak ang singsing.
Doon unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ko. At least, for the last moment, we fulfilled our father’s last wish; to be with my Mom again even in just a piece of frame.
β€”Work of fiction.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.