0

❤️❤️The PlayBoy Ghost❤️❤️PLOT!(IniegO)..

…..
—[Summary]–

Nabiyayaan si Maria Clara ng isang kakaibang kakayahan! Na hindi nya alam kong saan ba nagmula.. sa kabutihan ba o kasamaan !
At ang kakaibang kakayahang yun .Makakita ng mga Multo!mga kaluluwang Ligaw na nanghihingi ng tulong at hustisya sa kanya !!

Sa gilid ng sementeryo sya nakatira!yun ang lupang pinamana sa kanya ng mga ninuno nya.
Normal naman sana ang buhay nya,kaso..nagiging abnormal yun sa tuwing manghihinging tulong sa kanya…na syempre multo,ang kaso gustuhin man nyang tumulong .. hindi maari dahil may kapalit iyon !

KAMALASAN ! — YUP ! sa tuwing tumutulong sya sa mga multo,minamalas sya,lalo na sa lovelife nya ! Nakailang boyfriend na rin sya ang masakit pa.. malapit na syang lumampas sa kalendaryo ay virgin pa sya,never been kiss ,never been touch and not totally damaged !
Kasalanan iyon ng mga multong tinulungan nya,tuloy nauuwe sa break up ang mga nakarelasyon nya ..
Kaya simula noon,sinumpa na nyang hindi na muling tutulong sa mga multo ! Over her dead sexy beautiful body ! Natuto syang mang ignore ng mga multong madalas nyang makasalubong ,at multong katabi ngayon ng nagbabasa nito ! ( Promise nasa uluhan mo,charrt !)..

Pero mukhang pinaglalaruan sya ng tadhana ng makilala nya ang isang tall dark and handsome na kaluluwa …sa katauhan ni Iniego Samaniego !!
..
Isang manyakis,playboy at heart breaker...


na multo na humingi ng tulong sa kanya dahil hindi pinayagan sa hotel de luna ang karisma nya! In short,malabo itong makaakyat sa langit,pero may paraan naman sa tulong nya…
binigyan sya ni San Pedro ng task upang makaakyat sa langit… Iyon ay ang Patawarin sya ng Limang babaeng Niloko nya nuong nabubuhay pa ito ! At para magawa yun,,kinakailangan nito sng super powers nya!
Tatanggi na sana sya ,kasi nga baka lalo sya malasin pero sa tuwing nkikita nya ito ,,nalalaglag ang kalso ng panty nya at lumuluwag ang pagkaka seatbelt ng puso nya!
Napakagwapo nito with matching killer smile hashtag killer eyes with dimples kissable lips!
Basta ! Lahat na !!! kaya pano sya tatanggi ???!..

At ang isa pang nakakapagtaka ,sa lahat ng multo ito ang unang nahawakan nya,higit sa lahat,sikretong nag selfie pa sya ng tulog ito at ..ang masaklap ! Ito ang unang nagbigay sa knya ng tamis ng una nyang halik !!!!..

At panu nangyari yun?kung multo na ito ?
At..dapat ba syang magising sa katutuhanan na never magkaka happy ending ang isang multo at isang…cute na kagaya nya???haha..

Abangan ang Chapter One.. yun ay kung mag comment kayo … 😉😉😉😉

****
Sya nga pala sino nakabasa ng The Story of Us??ako yung writer nun di ko na natuloy masyado ng masakit hahaha !!! ..sensya na !!

Jecca31…


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *