1

❤️❤️My Charming Bestfriend ❤️❤️ Part3

,”Anluwag’luwag Ng mundo!pero dito rin pala tayo magtatagpo!”,
***Chapter Two!

“,Anluwag’luwag ng mundo!pero dito rin pala tayo magtatagpo!”,
Sinasabi yun ng lalaking nakahawak sa pulso ni Erin ngayon!Eto yung lalaking humawak sa kamay nya kaninang na out balance sya!
Tila hindi gumalaw sa pag ikot ang mundo dahil nasa posisyon parin sya sa posisyon kung saan hawak parin nito ang kamay nya!
Parang kapag nanunuod ka ng tv ay hihinto yun kapag pinindot ang Pause ay titigil ang lahat!
Ganun ang eksena nila..nasa ere parin sya at nasa baba ito ng upuang semento!direkta ang pagkakatama ng kanilang mga mata na animoy may mga gustong isigaw!ngunit ilang sandali pa ay tila may pumindot sa play button at bigla na lamang bumalik sa normal ang lahat!

Hinatak sya ng lalaki upang hindi tuluyang mahulog!Dahil may kalakasan ang paghatak nito sa kanya tuloy..dito sya nahulog!Ngunit maagap naman syang inalalayan nito at iniharang pa ang matitipuno nitong dibdib upang duon tumama ang kanyang mukha!

Napasinghap si Erin!
Dug-dug-dug-dug!!Hindi nya malaman kung ang mismong puso nya ang naririnig na kumakalabog sa sobrang tense na nararamdaman o ang puso ng tagapagligtas nya dahil nakasandal sya sa dibdib nito!
Aigooo!kay sarap sa pakiramdam..walang panama ang ilang posisyon sa posisyon nya ngayon!!

“,So..nag’cecelebrate ka mag’isa?!”,
Natigil ang pagsinghot ni Erin sa amoy downy na damit ni Zach ng magsalita ito!Yah!si Zach ang dumating upang iligtas sya..alam nya yun!
Alam na alam nya na sa tuwing nasa bingit sya ng kapahamakan ay dumadating ito,katulad dati kapag binubully sya sa school nila dahil inaaway sya ng fans nito dahil lagi silang magkasama ay dumarating ito upang ipagtanggol sya!katulad parin ng dati!kaya tuloy lalong naiinlove sya dito!ang masaklap lang ay one sided love lang sila!Napakashakeet kuya Eddie ..

“,Panu mo nalamang nandito ako?!”,nakaupo sila ulet ni Zach sa isang upuang semento,mejo mas malayo sa kinaroroonan nya kanina!kinwento narin nya kay Zach yung kinwento nung guy kanina kaya sa iba nalang sila pumwesto!And speaking of the guy!nalukot ang mukha nya ng maalala nya ang kasungitan nito..
Katulad parin kanina!may tama na rin sya kaya lang mejo bumaba lang ng konti dahil pinalakas sya ng tsansing nya kay Zach!
“,Yuri told me..”,sagot ni Zach!tinutungga nito ngayon ang tira nyang bote ng alak”,sabe nya sinabe mo raw na may ise’celebrate ka sa labas!”,
Umiling sya ng maalala na ganoon nga ang pagkakasabi nya kay Yuri..
“,Kanina pa kita tinatawagan!”,tumungga itong muli!Nabasa ang mapulang labi nito gawa ng alak kaya naman lalo iyong naging kissable sa paningin nya!”,Hindi mo naman sinabe,mga pating pala ang gusto mong kasama mag’celebrate!”,pagkatapos tumawa ito at tumingin sa dagat!Nawala na naman ang mga mata nitong singkit dahil sa tawa na yun!
Nahawa rin sya sa tawa nito..”,So anong sine’celebrate mo?!”,lumingon ito sa kanya!..

(Araw ng mga patay na puso!)..gusto sana nyang isagot!kaso hindi pala pwede yun so hinanap nya ang utak nya na nagbabakasyon pa yata sa mars dahil wala syang naihandang sagot!teka!isip!isip!!…

“Amh! sine’celebrate ko ..kayo..kayo ni Jamaica!”,hindi nya alam kung saan nanggaling yun!siguro sa hinanakit.
Si Zach naman ang biglang natigilan!”,Congartsss!”,hindi alam ni Erin kung napansin ba ni Zach na pinipilit lang nyang ngumiti dahil feeling nya sa mga oras na yun ay may nakabaon na punyal sa kanyang dibdib!!
“,So..nag date kayo kanina?!”,ng hindi ito sumagot ay tanong ulet nya . .
“,Shes busy practicing..maybe tomorrow!”,tumungga pa ulit ito!
Ahmm..napa ah sya!meaning pala nag iisip sya kanina na nagdate na ang mga ito tapos hindi naman pala!Ano bang isip meron sya!sayang tuloy moment nya…Pero naisip din nya,na kung natuloy ang date ng mga ito ay maaring hindi sya nailigtas ni Zach kanina!

Natutop nya ang Bibig!oh my Gosh!kung ganun muntik na syang mamatay?!pag nagkataon pinaglalamayan na sya at ilang araw ay magiging ala ala nalang sya!Hayp!!ni hindi pa nga nya natitikman ang mga labi ni Zach!!

Nagbukas pa ulit si Erin ng isa pang alak at tinungga iyon..”,Uy..tama na!nakarami kana yata!”,pigil ni Erin..di nya ito pinakinggan”,kapag nalaman ni tita Ems na pinapabayaan kitang maglasing..baka pagalitan ako nun!”,
“,Bakit?!kasama naman kita ah!”,napangisi sya!
Malakas ang loob nyang uminom dahil alam nyang nandito ito!at kampante sya dito..
“,Hindi na kita kayang buhatin you know that!”,pang aasar nito sa kanya!!Palagi kase sya nito binubuhat nuon sa tuwing tumatakas sila para uminom at nauuna siyang malasing..
“,Edi gagapang ako!”,knowing Zach alam nyang hindi sya nito pababayaan!Sa tindi ng trust nya dito baka kahit pagsamantalahan nito ang kalasingan nya ay magpapaubaya sya!ahe.

Ilang sandali pa ngay buhat na sya sa likod ni Zach!!Hindi pa naman sya nahihilo subalit nagpanggap syang hindi na nya makontrol ang sarili para dayain ito..(at yun ang tinatawag na hokage moves!)..alam nya kaseng anumang oras mula sa oras na yun!maari ng agawin ni Jamaica ang buong atensyon nito at tuluyan ng mawalan ito ng time sa kanya!kaya naman habang kasama pa nya ito mag papa’bebe muna sya..
Humigpit ang yakap nya sa leeg nito!at pilit nyang sinusubsob ang mukha sa ulo nitong napakabango!sasamantalahin na nya ang pagkakataong yun!habang walang hadlang..

Dinala sya nito sa Place nya..hindi kase mahigpit duon at mag isa lang ito duon di gaya ng dorm nya na nasaraduhan na sya...


ng curfew!
Maya mayay naramdaman nyang maingat syang binababa ni Zach sa malambot at mabango nitong kama!napakalambot nun at anumang oras ay malulunod na sya sa lambot nun..ang sunod na ginawa ni Zach ay lumuhod ito sa harap nya at tinanggal nito ang sapatos nya at isinunod ang mga medyas nya..
“,Zach..”,paos nyang tinig!naglalaban ang kagustuhan nyang matulog na dahil dinadala na sya ng antok subalit kailangan na yata nyang umamin!”,Zach.. i .. lo—-++!!!”,

Yun lang at binalot na ng kadiliman ang buong paningin nya sensyales na nakatulog na sya!
“,Pasaway talaga..”,sabe ni Zach at lumabas ng kwarto!!

***
Kian Justin Madrigal.

~~Pagkatapos magpark sa maluwang ng parking lot ng Saint Michaels University ay mabilis na pumasok si Zach sa sikat na Campus!Tulad ng dati nakasuot ulit sya ng kulay itim na pantalon at fitted tshirt.. may silver din syang mahabang kwintas na lalong nagpapa angas sa presence nya!
Maganda sa university na yun..kaya nga duon sya lumipat!Sikat yun sa mga katulad nyang estudyanteng kapag may pera magagawa ang lahat ng gusto sa Loob!kaya naman nagbigay agad sya ng suhol sa pinakamataas duon upang sa ganuon ay hindi nila pakialaman ang fashion nya!Ayaw nyang mag uniform!period!
Wala syang ibang gustong isuot kundi ay itim lamang..

Habang naglalakad sya kapansin pansing tila pinagtitinginan sya ng mga estudyante lalo na ang mga kababaihan!ang ilan sa mga ito ay tila nahihiya ng makita sya!ang ilan ay nagbubulungan,ang ilan ay tinatago ang kilig na nararamdaman at ang karamihan ay nagpupulot ng nahulog na panty dahil nakita sya ng mga ito!!Sikat sya!maaring ang iba ay na wewerduhan sa suot nya at ang iba naman ay nakilala sya..pero wala syang pakialam!nanatiling naka diretso ang paningin nya..wala syang pakialam isaman sa mga estudyante na naroon!hindi ang mga babae ang dahilan kung bakit sya naroroon!may kaylangan syang gawin sa University na yun!

Naikuyom nya ang kamao!
Malapit na sya Sa Engineering ng may mahagip ng tingin nya..
Isang babaeng naglalakad sa gilid ng ground ang pumukaw sa atensyon nya..Nakilala nya ang babae!Sya yung babaeng naroon sa lugar na paborito nya..Yung naglalasing mag isa at kausap yung buwan!Akala nyay desperada na ito at nais narin nitong magpakamatay nuon naisip nya yun dahil nakita nya itong tila pinagsakluban ng langit at lupa ang itsura,tsaka sinong maglalasing sa lugar na yun ng ganoong oras!kaya naman para takutin ito sa plano nito ay sinigaw sigawan nya at ng hindi ito natinag ay naisipan nyang kwentuhan ito ng nakakatakot!Mukhang hindi naman ito umubra sa babae kaya umalis nalang sya..
Pero nakonsensya naman sya sa pinagsasabi nya kaya naman bumalik sya sa lugar na yun!

Napailing nalang Si Kian ng salubungin ito ng isang lalaki!Nagbibiruang sinakal pa ito ng yakap nung lalaki!Nakita na rin nya ang lalaki!
Naalala nya nung balikan nya ang babae ay nakita nyang inalalayan nito sa pagbaba ngunit nahulog dito ang babae at napayakap ito sa dibdib nito!
At dahil di na nya matagalan ang ka’cornyhan ng dalawa nuong gabing yun ay umalis na sya!!.Parehas sa nararamdaman nya nuon ang pakiramdam nya ngayong nakita na naman nya ang mga ito!Ang corny!..

Tinuloy na nya ang paglalakad at pinilit ipiksi ang imahe ng babae sa kanyang ulirat!
Hindi sya kagandahan kaya hindi mo sya dapat pag aksayahan!!”,paalala nya sa kanyang sarili!

“,There you are!!,.
Pinigil ang malalaking hakbang ni Kian ang tatlong lalaking sumalubong sa kanya!Agad na tumalim ang mga mata nya sa mga ito!ang papanget eh!bagamat may abs dahil naka swimming trunks ang mga ito ay lalong pumangit ang mga ito ng tumabi sa kanya!
Ilang araw na syang kinukulit ng mga ito na mag join na sa Team ng mga ito which is obviously Swimming Team bagay na tinatanggihan nya simula ng mangulit ang tatlong itlog na to!
“,Hindi pa rin nagbabago ang isip ko!”,sagot nya”,kahit lumuha pa kayo ng dugo!!”,sagot nya.
“,Sige naman na Kian!”,pagpapakonsensya ng isa..”,Malaki kang katulungan sa team namin!”,
“,Alin?!yung talunan nyong team?!”,sarkastikong sabi nya!”,pasensya na pero mag po focus muna ako sa pag aaral!”,dire diretsong nilampasan nya ang mga ito!Nakailang beses pa syang tinawag ng mga ito subalit hindi na nya nilingon pa sila!
Nagsinungaling din sya kanina ng sabihin nyang mag po focus sya sa pag aaral!hindi uun ang gusto nyang gawin sa University na yun!
May iba pa.. isa pa!nasa kalagitnaan ng nagbubukas ang klase at pangatlong beses palang syang pumapasok!at maswerte ngang nakita pa sya ng tatlong ugok na yun!!

Ng makarating na sya sa room ay natigilan sya ng may pamilyar na mukha syang nakita sa loob nun..
Yung lalaking kasama nung girl na nakita nya kanina..
Hindi nya alam kung bakit parang na insecure sya!Ngayong mas lalo nya itong nalapitan ng personal..naging mas malakasa ang awra nito!
Or..na insecure sya sa kagwapuhan nito!!
Ngunit ng lapitan sya at i welcome ng mga kinikilig na babae ay na secure din nya ang kagwapuhan nya.. mukhang may katapat na ito sa katauhan nya!?

Di sinasadyang nagkatinginan sila!
Parang may nagbabagang apoy na pumwesto sa pagitan nila…
Anu iyon?!

Oh No!ano eto?!
Magiging BL series pa yata 😂😂😂
Chaaar lang..

Abangers nalang next!

Time check 2:30 am..
Napasarap naman ako sa pagsusulat!!
Anywaysss…Mornyt😘

One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *