10

❤️❤️My Charming Bestfriend ❤️❤️ Part2

***Back in High’schooL..

Alas otso palang ng gabi ay nakahiga na si Erin sa kanyang kama..hindi yun ang normal na oras ng pagtulog nya pero dahil may pinagdadaanan sya sa araw na yun ay gustong gusto na nyang mahiga..Masakit ang ulo nya at kinakaikangan nya muna iyong ipahinga..
Ini’off din nya ang phone nya dahil may makulit na tawag ng tawag sa kanya..alam alam na nya kung sino yun..at dahil may pinagdadaanan sya konti lang ang kinain nya..
Papikit na si Erin ng may marinig na kaluskos mula sa bintana ng kwarto nya!kahit tinatamad bumangon ay tinungo nya upang tingnan ang kinaroroonan ng ilaw ng kwarto nya!Pagbukas nya ng ilaw ay nagulat sya sa nakita—-!

“,My Gosh!!”,nasapo ni Erin ang puso ng makita ang kaibigan nyang si Zach na nakalambitin sa tapat ng puno ng bayabas katapat sa malaking bintana ng kwarto nya!muntik na syang atakehin sa puso dahil sa tumambad sa kanya.
“,Hi..”,sabi nitong nakangisi at isinampa ang mga paa sa bintana!dahil nakabukas naman yun ay malaya itong nakapasok dun!
“,Baliw ka talaga!gising pa sina Mom sa baba bat dyan kapa dumaan?!”,kahit alam na nyang ugali naman talaga ni Zach ang umakyat sa kwarto nya ay natanong parin nya..Napansin nya ang hawak nitong isang supot!
“,Ikaw kase dimo sinasagot tawag ko!sya nga pala ..para sayo!”,inihagis nito sa kanya ang hawak nitong supot at nasalo naman nya iyon!
Palagi itong may dala para sa kanya sa tuwing nag’o’over the bakod ito at twina ay natouch sya sa ganun!yung feeling na napaka’espesyal nya para dito..
Excited nyang binuksan ang hawak na supot pero pagbukas nya at nakita ang laman nito biglang nalukot at nagdilim ang anyo nya!
“,Sabi kasi ni tita masakit a—–!!!arayy!”,hindi nito natuloy ang sasabihin ng ihagis nya ang Napkin with Wings na dala nito!nasapol ang mukha nito..
“, Bwisit ka talaga!”,sambit nya na ewan nya kung naiinis ba sya dito o nahihiya..yun mismo kase ang pinagdadaanan nya..unang araw ng unang dalaw nya!Nung magising sya kanina ay meron ng pulang likido sa underwear nya na talaga nga namang ikinabahala nya,kaya naman kanina napatili sya at dinamayan sya ng mama nya!Ng makita sya nito ay tila nasiyahan pa ito!ipinaliwanag nitong senyales na ng pagdadalaga nya ang pagkakaroon nya ng ganun bagay na hindi pa nya naiintindihan!!

“,Counter attack ko sayo yan!”,nakangising sabi ni Zach!ewan nya hah pero parang may kakaiba sa aura ng kaibigan nya sa mga oras na yun..parang,parang gumwapo ito sa kanyang paningin..”,remember nung bagong tuli ako a year ago?!katakot takot na kantyaw yung binigay mo sa akin nung makita mo akong nakapalda?!after that sumumpa ako..gagantihan kita!at heto na yun..”,pinulot nito ang napkin at ibinato iyon sa kanya..
Tumama iyon sa dibdib nya”,araaayyyy!”,kapag nahuli kita lagot ka sa akin.. Agad syang tumakbo palapit dito sa kabila ng kanyang nararamdaman!
“,Uy..wag kang masyadong gumalaw!baka may tumulo!”,napapahalakhak pa si Zach habang inaasar sya!Tumatakbo rin ito paiwas sa kanya
at lalo syang naasar!lalo tuloy syang ginaganahang mahuli ito.. hanggang sa halos maikot na nila ang buong kwarto nya ay hindi parin nya ito nahuhuli..
“,Okay .. i give up!”,si Zach ang unang sumuko!
Tulad nya ay pawis na pawis na rin ito!Humiga ito sa kama nya na may paghabol ng paghinga.
Ng mapagod din ay humiga rin sya sa tabi nito.
Nagdikit ang mga ulo nila at sabay silang napatingin sa kisame…
Matagal sila sa ganoong posisyon ng sa wakas ay basagin ni Zach ang katahimikan sa pagitan nila..
“,Sa wakas..dalaga kana ..”,mahinahong sambit nito..
Pinamulahan sya ng mukha gayunpaman wala na syang lakas upang patulan pa ang mga sinasabi nito ..gusto nya ang pakiramdam nya sa mga oras na yun!parang ayaw na nga nyang bumangon..gusto nyang manatili lang sa posisyon na yun,yung katabi nia ito..
“,Parang kelan lang”,patuloy ni Zach”,mga bata pa tayo..uhugin ka pa nun!”,
Napangisi sya”,ikaw naman ambaho baho pa ng hininga mo nun!”,kapwa sila naphalakhak..
Bumalikwas sya ng higa upang sa ganuon ay humarap kay Zach .. to her big surprise nakatitig din pala ito sa kanya..dahil magkapantay ang mga ulo nila ay pumantay din ang kanilang mga mukha.. antagal..
Katahimikan.. patlang! Mga ilang minutong nagtama ang kanilang mga mata ..

At biglang may malakas na hanging pumasok sa bintana ng kwarto ni Erin dahilan upang mawala sa pagkakaayos ang maalong buhok ni Zach..parang tila slowmotion iyon sa paningin ni Erin..Napalunok sya habang nakatitig sa kaibigan!May mga bagay sa kanyang pagkatao ngayon na hindi nya maintindihan..seing her bestfriend right now ..bakit ito lumaki ngayon na napkagwapo?!na ibang iba sa Zach na mabaho,madumi at panget na inaasar nya nuon!Bakit napakaperpekto nito ngayon?!bakit ang tangos ng ilong nya?!bakit singkit ang mga mata nya na kapag tumatawa ito ay biglang nawawala at bakit napakapula ng bibig nito?!at bakit..napakaganda ng tinig nito?!bakit?!bakit..

Natigilan si Erin sa pag iisip ng madikit ang malambot na kamay ni Zach sa kanyang mukha..hinawi pala nito ang ilang hibla ng kanyang buhok na lumaylay duon.. Ngumiti si Zach..bahagyang naging half moon yung mga mata nyang singkit.. “,So..pwede ka Na ngayong magka’boyfriend???!”,may halong lungkot sa tinig nito ..
Para maiwas ang kanyang mukha sa pamumula ay muli syang tumihaya at tumingin sa kisame!ginaya sya ni Zach!!..
“,Pero kahit na..dalaga at binata na tayo!wala namang magbabago diba?!im still your bestfriend..diba?!”,
“,Naman..syempre!”,sagot nya!para namang ang OA lang nito sa mga oras na yun!Haller niregla lang naman sya hindi naman siguro ito mawawala tsaka hindi nya ma imagine ang kanyang sarili kung wala si Zach sa tabi nya!
Dahil nasanay na sya..
“,Promise..ako pa rin ang tagapagtanggol mo!
Ako parin to!ang gwapong si Zach!just call my name and ill be there!!”,
Humalakhak sya.. bat ba ang OA nito sa mga oras na yun..tapos katahimikan ulit!
“,So pwede bang dito ako ulit matulog?!”,
Napabalikwas sya ng bangon!Parang bigla syang naalarma sa sinabi nito..unang pagkakataon na kinabahab sya..at kelan pa nagkamalisya sa kanya na patulugin ito sa kwarto nya gayung simula pagkabata ay sanay nman na syang katabi ito..
“,Bakit?!ayaw mo akong katabi?!”,
Parang bigla syang naawa sa itsura nitong paawa epek!”,Sure!basta wag ka na uling maghihilik hah!!!!dahilll—–!!!
Bigla itong humalik sa noo nya!
And thats the start…
Doon na na’realize ni Erin na unti unti ay nagkakagusto na sya kay Zach !!!!!

***Present Time

“,SinungaLing ka Zach!!”,
Bago tumungga si Erin ng hawak na bote ng alak ay sabi nya..Hindi pa sya bumabalik sa dorm nya simula ng matapos ang Program kanina.. Pagkatapos nyang mag’walk out at magmukmok saglit ay lumabas sya ng dorm para magpalipas ng sama ng luob! Sa sobrang sama ng luob nya ay napabili tuloy sya ng ilang bote ng alak!..hindi na nga nya alam kung nasaan na sya sa mga oras na yun basta nakaupo sya ngayon sa malaking upuang semento at sa harap nun ay tanaw nya ang malawak na dagat!May mga poste parin naman ng ilaw ang naroon na nagsisilbing liwanag kaya masasabi ngang safe naman sa lugar na yun..tsaka!care ba nya kahit di na safe dun!eh ano naman?!subukan lang nilang pagtripan sya..sa sobrang sakit ng nararamdaman nya baka mapatay pa nya ang mag trip sa kanya!Tsaka isa pa..may mangilan ilan ding mga tao na naroon maaring nagpapalipas fin ng sama ng luob tulad nya at ang ilan ay pawang mga love’birds..ginawang veneu ng date ang lugar na yun!pero who cares..
Yah!who cares…”,sambit nya sabay tungga ulit!nakailang bote na...


sya at parang may tama na nga sya dahil sa tuwing tumitingala sya sa bwan ay nagiging dalawa yun sa paningin nya.
Kanina pa rin tunog ng tunog ang phone nya!
Alam nyang si Yuri ang tumatawag..ang roommate nya,malamang magpapaalala lang ito na ilang oras nalang ang curfew nya sa labas..Alam nyang si Yuri yun!at sino pa nga ba?!sino?!si Zach?!..
Mapait syang napangiti ng maalala si Zach!
“,Duon ka na sa Jamaica mo!”,malakas na sabi ni Erin kausap ang dagat!”,duon kana sa cheerleader mong sobrang payat!!”,sabi pa nya.
Mapait din ang tinig nya!alam din nya..sa mga oras na yun ay nag’eenjoy narin si Zach sa feeling ng bago nitong girlfriend kaya naman wala itong oras sa kanya ngayon..Malamang nasa isang restaurant ang mga ito ngayon sa isang romantic restaurant kung saan ay sinet up ni Zach.. ma’romantiko naman talaga si Zach!kaya nga ..mahirap mang aminin kahit nagkaroon sila ng deal na hindi sila magkakagusto sa isat isa ay nahulog parin sya dito!kasalanan naman nya eh!na’broke nya yung promise nila! Naging masyado kase syang kampante nuon na hindi sya magkakagusto dito yun tuloy!..nagkabaliktad!
Para tuloy..bumalik sya sa panunukso sa kanya nung bata sila..na may Crush sya dito!Or baka dati pa nya itong crush ayaw lang nya itong aminin dahil nga sa pangit ito nun!at tsaka lang nya naamin sa sarili nya na gusto nya ito nung high school sila..nuong gwapo na ito!hay ewan!di na nya matandaan kung kelan sya nagkagusto dito basta nagising nalang sya isang araw..Lahat na ng ginagawa nito ay may malisya na sakanya …
At masakit mang isipin na si Zach at si Jamaica ay nasa isang magarang restaurant na yun habang sya ay pinupulutan na ng mga lamok ay wala syang magagawa ! Kasalanan nya.. na fall nga sya!Na fall sa kaibigang walang kaalam alam na gabi gabi ay pinapantasya nya!Nakakatawa …
Pero hindi naman nya masisisi si Zach!wala itong alam sa feelings nya..isa pa hindi din naman nya mapipigilan kung magkagusto ito sa iba..i mean!hindi nya hawak ang feelings nito lalo pa at sikat ito..marami talagang magagandang babae ang maghabol dito kahit na nuon pa!eh nakailang girlfriend na nga ito since hogh school..alam nya lahat yun!lahat naman pinapaalam ni Zach sa kanya!at duon nagsisimulang ma’chop’chop ang puso nya!
Sa tuwing may liligawan si Zach at tinatanong kung okay ba ito.. sinasagot nalang nya ay okay lang!eh ano bang dapat?!alangan namang iturn off nya ito edi nahalata na nito na may feelings sya..Pero hindi rin naman nagtatagal ang mga karelasyon nito nuon dahil nauuwi iyon sa hiwalayan..at sa tuwing magyayari yun ay nag pi’fiesta ang puso nya!Pero ibang usapan na pagtungtong nila ng college..dahil tila mas naging seryoso si Zach ngayon!at kaya sya umiiyak ngayon!dahil alam nyang seryoso din si Zach kay Jamaica.. dahil crush na crush ni Zach ang babae dahil napakaganda nga talaga nito!Kaya naman kahit ilang beses pa nya ipanalangin na magbreak ang mga ito!alam nyang hindi iyon magagawa ni Zach!dahil dreamgirl nito si Zach!!!!!

“,So..anong ginagawa mo sa lugar ko?!”,
Papatulo na ang mga luha sa pisngi ni Erin at handa na nyang pakawalan ang lahat ng sama ng luob ng may boses ng lalaking nagsalita mula sa kanyang likuran.
Isang lalaking astig na nakasakay pa sa motorsiklo ang nasa harap nya!Nakasuot ito ng kulay itim na pantalon at black fitted shirt sa pagkaka’fit nun ay nakabakat tuloy ang macho nitong katawan..
Hindi agad sya nakakilos!
Mukhang gangster ang lalaki base sa anyo nito
..naalala nyang baka holdaper ito..pero hindi eh!ang layo naman ng itsura sa holdaper!mukha man itong badboy pero napakakisig naman nito!Mabibilog ang mga mata nito at jawline na lalong nagpapagwapo dito!duda nyay matangkad din ito!Tsaka anong kinatatakot nya! brokenhearted sya kaya naman bago pa may magawang masama ang taong ito sa kanya baka mapatay na nya ito!
Ganun ang mga broken!nakakagawa ng mga hindi inaasahan..
“,Hindi mo ba alam na pag’ma’may ari ko na ang lugar na yan?!”,
“,Hah?!”,luminga linga sya ..baka hindi sya ang kausap nito!pero wala namang ibang tao na nanduon maliban sa kanila.
“,Tanga ka ba?!ikaw ang kausap ko sino pa ba?!”,nahalata yata ng lalaki na nangangapa sya..
Biglang uminit ang ulo nya sa unang binigkas nito!ano?sya?!tanga..?!
“,Get out of here!!!”,
Nabigla sya ng lumakas ang tinig nito!Bumaba ito sa motor at lumapit ss kanya..nagmamadaling tumayo sya!
“,Teka ano bang problema mo,hah!”,parang nawala ang tama nya!
Tumalim ang mata ng lalaki at tumama sa kanya”,i said..get out!!!”,
Lalong nag init ang ulo nya!”,bakit pag mamay ari mo ba ang lugar na to!maka’get out ka jan hah!!”,sa totoo lang naiinis si Erin dahil napepreskuhan sya sa lalaki..bukod dun ay nabubwisit sya dahil hindi natuloy ang pag’mo’moment nya kanina!Yung feeling na papatulo na yung luha nya pero hindi yun natuloy ng mag diablong dumating!!
Parang na’realize naman yata ng lalaki na hindi sya nito basta basta mapapa’alis kaya naman medyo naging malambot ang ekspresyon ng mukha nito..Bumalik ito mula sa motor nito at may kinuhang isang bugkos ng puting rosas..
Tumayo ito sa tapat nya at naiintrigang pinagmasdan nya ang ginagawa nito..
Pumikit ito saglit na tila ba nagdadasal at pagdilat nito ng mata ay inihulog nito sa dagat ang puting rosas.. Hindi nya maiwasang tingnan ito!Eh kagwapo eh…!!

Dahil hindi mawaglit ang paningin nya dito ay hindi sinasadyang mahuli nitong nakatingin sya dito..matalim ang tinging pinukol sya nito!ewan nya pero feeling nya galit talaga sa mundo ang lalaki ..”,Whatttt?!”,masungit na tanong nito.
Hindi manlang nito hinintay na bumuka ang bibig nya at sagutin ito,tumalikod na ang lalaking antipatiko at bumalik sa motor nito..
Lumabi sya!!!kahit kelan naman ang mga lalaki hindi talaga na’aattract sa kanya!ni hindi manlang ito nag abalang tanungin ang pangalan nya!izzzzzz!!!!

“,Alam mo bang last year may isang estudyanteng nagpakamatay jan!”,
Nanigas sya sa kinatatayuan ng muling magsalita ang lalaki!hindi pa pala ito nakakaalis”,Hindi nya matanggap na may iba ng mahal yung lalaking gustong gusto nya”,patuloy nito..may pait sa tinig nito”,hindi alam nung guy sa may gusto si Girl sa kanya..
Sinarili lang yun ni girl sa puso nya,hanggang sa nalaman ni Girl na may mahal na si Guy!hindi yun matanggap ni Girl kaya naman tumalon sya mula sa kinatatayuan mo!”,
Lalong nanigas si Erin sa kilabot pero di naman sya makakilos para umalis duon..ayyyy!!
“,Dahil hindi marunong lumangoy si Girl ay nalunod sya..tsaka lang nalaman ni Guy na mahal sya ni Girl nung mamatay na ito—-!!”,
Yun lang..at bigla ay umalis na ito!nawala na ito sa paningin nya..
Ayyyyyy!dahil sa sobrang natakot sya sa kwento ng lalaki idagdag pang kinikilabutan na sya ay nawalan sya ng balanse ng sa wakas ay manumbalik na ang lakas nya.. Wrong move dahil ng magdesisyon na syang umalis duon ay tila may pwersa nagtulak sa kanya upang sa ganun ay mahulog sya..ayaw man nyang maniwala sa kwento ng lalaki kanina ay tila sa mga oras na yun ay may multong tumutulak sa kanya…
Malakas ang pwersa nun kaya naman alam nyang mahuhulog sya sa dagat!pag nagkataon magagaya sya sa girl na nalunod dahil di marunong lumangoy!ahhh..hindi pweedeee!!!!
Hindi maari!paanu na si Zach…

At ng akmang mahuhulog na sya!ay may biglang humawak sa isang kamay nya!

“,Zacccchhhhhhhh!!!!”,malakas nyang tili.

*Ahahaja!
Sino kaya si Mysterious Guy na gwapong mukhang gangster?at sino ang kamay na nagligtas kay Erin?!si Zach kaya yun o bumalik si Mysterious Guy para tulungan sya!Abangan!
😘😘😘😍😍..

10 Comments

  1. Free po kasee kea may adds..at sa nag rerequest ng next part ..4days ago pa ako nagpass ewan ko kung bat di napublished haha.. cguro di ko lang talaga na send..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *