6

❤️❤️..MY CharMing Bestfriend..❤️❤️

***Prologue
“Kahit anong mangyari never ako magkakagusto sayo Noh..”,sinasabe yun ni Erin habang nakatitig sa kalaro nyang si Zach!Naglalaro sila ng taguan ng mga oras na yun at sa kasamaang palad ay hindi inaasahang sa iisang lugar sila nakapagtago!
Sa ilalim ng lamesa at mistula silang mga sardinas dahil nagsisiksikan sila duon!
Bago sila maglaro tinutukso sya ng ibang mga kaibigan nila na may Crush daw sya kay Zach..
Which is hindi naman totoo dahil bukod sa napakabata pa nila ay walang magandang katangian ito na pwede nyang magustuhan!
“,Ah talaga?!lalo naman ako noh!wala akong crush sayo”,ngumiti ito.. dahil singkit ang mga mata nito kaya naman nawala yun ng ngumiti ito!Lumantad din ang sungki sungki nitong mga ngipin..
Ngumiwi sya..yun mismo ang dahilan kung bakit di nya ito magustuhan!Oo nga at magkaibigan sila..pero hindi dumating sa point na nagka crush sya dito kahit joke’joke lang!
Best of friends ang both parents nila at since fetus ay nakatakda na rin yata silang maging magkaibigan.. magkatapat lang din ang mga bahay nila at iisang school lang ang pinapasukan nila..They are both 8years old then..sa totoo lang sawang sawa na syang makita ito pero.. no choice naman sya!kahit pa nga minsan naiinis sya dito kapag inaasar sya pero napapalitan naman yun kapag pinagtatanggol sya nito sa mga bully sa school nila.. but!ang amining crush nya ito ay ewww!!
Never!!!Tsaka isa pa may Crush na sya sa school nila noh!mas cute at mas mabango keysa kay Zach!and speaking of mabango..yun mismo ang dahilan kung bakit turn off sya sa kalaro..kasi three times a week lang ito kung maligo!the rest ay wisik’wisik nalang!alam nya yun kase nga magkaibigan sila..

“,Then lets make a deal”,maya maya pay pabulong na saad ni Zach sa tenga nya..
Nalukot ang ilong nya ng maamoy ang amoy bawang na hininga nito!
“,At anong deal naman yun?!”,pasimple nyang tinakpan ang ilong ..
“,Na paglaki natin ay hindi tayo magkakagusto sa isat’isa!”,
Natawa sya..As if?!”,deal!”,hindi nag iisip na sagot nya!Tiningnan nya ito..ngayon pa nga lang ampangit pangit na nito as if naman na magkakagusto sya dito!hindi talaga to nag iisip..tska isa pa parang ampanget naman kung magkaibigan sila tapos magkakagustuhan sila!she cant imagine..yucccckkkk!!
“,Deal yan!”,sabi ulit ni Zach..
Nagtagal pa sila sa posisyon na yun hanggang sa marinig nilang may bago nga taya sa nilalaro nila!Untill.. nag uunahan na silang tumakbo ni Zach na may pahampa hampas pa sya dahil inaasar na naman sya nito!!

***Chapter’One!!

“,Excuse me..excuse me..
Lahat ng madaanan ni Erin ay tinitingnan sya ng masama dahil sa sumisingit sya..pero who cares!kelangan makasingit sya para lang makahanap ng magandang pwesto!Well atleast nag excuse naman sya..Sa kakahanap nya ng maayos ayos na pwesto ay napadpad sya sa gitna!Medyo mas maluwag dun keysa sa dinaanan nya kanina kaya naman nagdesisyon syang duon nalang mag’stay(sana all marunong mag’stay🤭🤭)..

May program ang ilang mga Clubs sa araw na yun sa university nila pero dahil pinakasikat ang Music’Club sa buong Campus ay talaga nga namang dinagsa iyon ng mga estudyante and obviously..isa sya sa mga nag’abang nun!
Sikat ang music’club dahil sa bukod sa magagaling kumanta ang Nasa banda ay talaga nga namang naggwagwapuhan ang mga members nun!Mula sa drummer.. guitarist at lalong lalo na sa Lead vocalist ay talaga nga namang nakakalaglag panty!Kay naman siguro 80 percent ng mga nandun ay puro kababaihan..10 percent ay puro kabaklaan at 10 percent lang ang kalalakihan!!!kase nga kaabang abang Naman talaga lalo na yung vocalist nila…
***
“,Please welcome..The Gemini Band..”,
Umalingawngaw ang malakas na tili at sigawan ng buong lugar na yun ng magsimula ng tumugtog ang inaabangang banda..
Biglang nagkaroon ng excitement ang puso ni Erin ng magfocus ang pinakamaliwanag na ilaw sa gitna ng stage lalo na sa napakagwapong bokalista..
Everything about him is So Perfect!🌹🌹..
Nagsimula itong kumanta..

🎵Sa tuwing mamasdan ko ang mga
Ngiti mong kay tamis..tila ba nawawaglit
Ang puso ko na kay Pait..At sa tuwing
Nasisilip ang yung mukha na kay rikit
Para bang nasasabik at gusto ko Ng
isambit..na kay tagal ko ng Nililihim
...


Ang pagtingin at damdamin na sa iyo
Lang nadama ang tunay na saya..🎼🎵🎵..

Lalong lumakas ang sigawan !

🎵🎵Gusto kong isigaw!Gusto kong ihiyaw..
Na mahal kita.. ah.. ahh…🎵🎵

“,Mahal na mahal din kita!”,isa sa mga malalanding babae na nandun ang sumigaw nun..
Samantalang sa mga oras na yun!hindi alam ni Erin kung ano ang dapat nyang maramdaman habang tinititigan ang kumakantang lalaki sa kanyang harapan..Parang biglang lumalakas ang tibok ng puso nya..Napakagwapo talaga nito sa paningin nya!He look like a living God na na boring sa Mt.Olympus at bumaba sa lupa upang ipakita sa buong mundo ang kagwapuhan nito..No wonder may mga pangit sa mundo dahil noong nagsabog yata ng kagwapuhan si BathaLa ay alertong’alertong nasahod nito ang lahat..Even hes hair is so perfect..bahagya basa na iyon ng pawis pero mas nadadagdagan pa ang alindog nito..
Singkit ang mga mata nito na bahagyang nawawala kapag ngumingiti ito..Sakto lang din ang tangkad nito at ang pangangatawan nito!
Sya yung tipo ng guy na maihahalintulad sa mga mababasa sa mga fairy tales..a Prince Charming..

Abala pa si Erin sa pagnanasa sa bokalista ng marealize nyang tapos na pala itong kumanta!
But in her big surprise..biglang namatay ang ilang ilaw dahilan para magtilian ang mga naroroon.. Natigilan din sya ng may mapansin!
Dalawang spot lights lang ang nakasindi!isa para sa guy na vocalist at isa para sa ..
Napalunok sya.. bakit nakatapat ung isang spot light sa kanya?!
“,I knew it was a big surprise for you..”,nagsalita ung guy at..lalong lumakas ang tibok ng puso ni Erin ng tingnan sya nito!
“,Sana all..”,may tumili nun..
Pakiramdam ni Erin nakatingin lahat ng mga mata sa kanya!like..anong Nangyayare?!bakit may pa ganun?!is this is a prank?!
“,Antagal ko na tong gustong sabihin sayo..pero pasensya na ngayon lang ako naglakas ng luob..”,
Parang eksena sa mga pelikula,habang bumababa ng stage ung guy ay umiiwas yung mga nadadaanan nito like parang talagang planado ang lahat!Nangangatog ang mga tuhod ni Erin..bakit di sya makaalis or makakilos?!Maya mayay may isang guy na lumapit dito at may inabot iyong isang kumpol ng red roses!
“,Nakakaloka!!!”,lumakas lalo ang tilian..Kinuha yun nung guy at naglakad papunta sa kinaroroonan nya …
Nanigas mula sa kinatatayuan si Erin!ang huling natandaan nya ay nakatayo na ang gwapong guy sa harapan nya at mga ilang dangkal nalang ang layo ng mga mukha nila!

Nalaglag mula sa pagkaka seatbelt ang puso nya..Anong ginagawa ng guy na to sa harap nya?!Mag’po’propose ba ito?!hindi maaari!”,
Unti unting binababa ng guy yung mukha nito para magpantay ang mukha nila..bahagya pa itong yumukod dahil sa tangkad nito!lalong lumakas ang mga nag sa’sana all!
Pinantay ng lalaki yung mukha nito at itinapat nito ang mapulang bibig sa tenga nya..Kinilabutan sya ng bumulong ito “,Ano ba Erin..sapaw ka talaga kahit kelan..tumabi ka muna jan moment ko to!”,Nanigas ang panga nya sa sinabi nito bagamat sweet ang pagkakasabi nun ay mariin naman..
And Erin finally wake through her Fantasy..
Bigla ay tila slow’motion na napa’atras sya!

Nginitian lang sya ni Zach..pagkatapos ay nilampasan na sya nito!Yah.. the vocalist name is Zach!! Zacharias Bryle Alonzo Ledesma!her very own bestfriend since fetus!!!

***Tapos tska lang narealized ni Erin na hindi pala talaga sa kanya nakatapat yung spot light..may babae pa sa likuran nya!
Nagtungo si Zach sa babaeng yun na napaka sexy sa suot nitong Cheerleading uniform!
Parang may kung anong naramdaman si Erin!
“,Matagal ko Na tong gustong sabihin”,sabi ni Zach sa girL..”,Miss Jamaica Arevelo..Can you be my Girlfriend?!”,

****..ang huling nagawa ni Erin ay tumakbo nalang para sa lugar na yun at hindi na sya nag abala pang hintayin ang sagot nung girl!kahit saan kaseng angulo..alam na nya kung ano ang sagot nito!Isang demigod ang nagpropose dito anong karapatan nito para magsabe ng “,No! Sa isang katulad ni Zach?!tsaka anlakas ng tilian.. kaya naman alam na nyang “Yes” ang sagot nung girl!kahit sino naman siguro!!!

***Nagtungo sya sa Rooftop..pagkatapos nun hindi na nya namalayang tumutulo na ang luha nya!But why …. !!!?

~~~tssk!
Ayan kaseee eh!dapat kase hindi pinangungunahan ang future😂😂..
Ano ng mangyayare?!Abangan yung Part2..

6 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *