•| Bᴇsᴛ ғʀɪᴇɴᴅs |•



Nag lalakad na kami ng mga kaibigan ko papuntang Bus stop, bandang hapon at ang araw ay palubog na. Habang naglalakad kami ay may nabanggit samin si Riko…

“Guys malapit na ang graduation, Saan Kayo mag aaral?”

“Ako, di ko pa alam.” Sagot ni Sora.

“Eh ikaw Umi, Alam mo na ba kung saan ka mag aaral?”
Nakayuko lang ako at tumingin nalang sa kanila,

“Hindi ako lilipat ng school.” Sagot ko.

“Eh, Ang tagal na natin jan nag-aaral eh, Wala ka pang
balak lumipat?” Patanong na Sabi ni Riko.

“Tsaka… Ipapasarado na daw ang school natin.” Malungkot na dugtong ni Riko…

“Wehh. Ipapasarado na yung school natin? Sure ka ba?”
Sabi naman ni Xi’an.

“Oo, ipapasira na din daw yan, gagawin daw kasing bagong building.” Pasingit naman na Sabi ni Sora.

Nagulat din ako pero hindi na ako nagsalita pa… Nasa bus stop na kami at maya maya pa ay dumating na ang bus.

———-(7 years ago)
(Fist day of school)

Mahiyain akong bata noon, dahil hindi ako masyadong ginagala ni papa nung maliit pa ako, Hindi ako sanay na ma-expose sa maraming tao. Kaya lagi akong nag papa-sama kay papa na pumasok sa classroom.

“Papa, pwede niyo po ba ako ulit samahan pumasok sa room?” Tanong ko kay papa na mukhang nag mamadali.

“Pasensya kana anak, pero male-late na ako sa trabaho, alam kong kaya mo na yan, Hindi ba?” Sabi niya sakin na nakangiti.

Tumango nalang ako at nag paalam kay papa.
“Sige po kaya na nga po Ito. Bye po!”
Ngiti nalang ang ipinakita ni papa at nag simula na lumakad palayo sakin.

Di Rin katagalan ay mas nakikilala ko na ang mga classmates ko sa school kaya hindi narin ako nag papa-sama kay papa lagi. Kaso maraming mga nang aaway saakin noon pero hindi ko sinasabi kay papa yun. At si Riko ang...

nag tatanggol saakin noon.

“Hahaha” tawanan ng mga bata habang nakatingin sakin at tinuturo turo ako.

Nadapa kasi ako nun. Sobrang sakit ng paa ko at pagtingin ko sa tuhod ko ay napaka-laki ng sugat at grabe ang pag dugo nito.

“Yuck! Eww!” Sabi Ng mga batang nakatingin sakin, sabay iwas at di na ako nilapitan. Iyak ako Ng iyak sa mga oras na yun. At di katagalan huminto na ako sa pag iyak at hinantay nalang si papa na sunduin ako dahil yung ibang mga bata ay sinundo na.

“Hmm, Ang tagal Naman ni papa.” Sabi ko sa aking isip. Habang hinihintay si papa, may nakita akong batang nag lalasing lasingan kahit coke lang naman ang iniinom. Napatawa ako nung nakita ko siya.

“Hm! Parang baliw” Sabi ko sa akin isip. Di katagalan ay tumingin siya sakin. Nilayo ko ang tingin ko at itinugon ang atensyon sa sugat ko dahil mukhang lalapit pa siya sakin.

“Beh, anong nangyari sayo, ok kalang?” Tanong niya sakin.
Nagulat naman ako dahil mukhang mabait siya at di katulad ng ibang mga bata, napangiti nalang ako.

“Oh, sayo nalang toh.” Sabay alok ng isang panyo sakin.

“Ah, thank you.” Sabay kuha sa panyo. Pero bago ko pa makuha ang panyo para sana ipunas sa mukha kong puno ng luha at dumi. Ay ibinalot niya yun sa sugat ko.

“Ano palang pangalan mo?” Tanong niya sakin.
“Umi” sagot ko sa kanya.
“ahh, ako po si Riko.” Pag papakilala naman niya sakin.
“Ahh, ok”…

Dumating na si papa para sunduin ako.

“Papa, si Riko, bespren ko” Banggit ko Kay papa.

“Ahh, mag babye kana sa bespren mo.” Sabi ni papa sakin sabay tingin at ngiti Kay Riko.

“babye Riko!” Paalam ko sa kanya sabay ngiti naren.

“bye Umi!” Paalam din Niya sakin.

At dun ko nakilala ang batang nag lalasing lasingan, ay si Riko pala.




2 thoughts on “•| Bᴇsᴛ ғʀɪᴇɴᴅs |•